HUGOT contest -10SBDs Up For Grab! Entry #1

in #hugotcontest7 years ago (edited)

5D6B10A1-6E78-46CC-9FE3-9C9DDF0282FB.jpeg

Pumunta pala ako ng Baguio kanina, oo ako lang kasi wala naman ng tayo. Nagpunta ako para irenew ang lisensya ko, buti narerenew ang lisensya di gaya ng relasyon natin na expired na nga, non - renewable pa. Diyos ko! Ang haba ng pila. Naalala ko dati lagi mo ako pinapauna sa pila kasi alam mo maiksi ang aking pasensya pero ayun pala gawain mo na talaga para isipin ng tao, iniiwan ka. Pagkatapos ng tatlong oras natapos din, ang tagal no? Gaya mo, ang tagal ko ding nagmukhang tanga sayo. Makalibot na nga sa Burnham Park, WOW! Ang daming nag bo-boating. Naalala ulit tuloy kita kasi namangka tayong dalawa dito. Ang galing mo nga eh, sa sobrang galing mo nakapamangka ka, sa dalawang ilog pa. Ayos diba? Brrrr ang lamig nga talaga sa Baguio, gaya ng panglamig mo nung alam mong ubos na ang pera ko. Makapunta na nga lang sa may coffee shop, ayun! Brewed coffee inorder ko, di ko na nilagyan ng asukal, para saan pa kung sa huli pait lang din naman ang malalasahan. Oh diba? Kalokohan! Makalabas na nga dito, aba! Asa harapan lang pala ako ng Mcdo, yung sikat sa salitang LOVE KO TO. Parang dati, love na love mo ako. Sobra pa nga eh, pati laman ng bulsa ko minahal mo. Hanep no? Naka chicken fillet lang ako samantalang naka quarter pounder burger ka, with large fries pa! Ah oo nga, inutusan mo nga pala ako na kuhanan kita ng ketsup kasi gusto mo ng may pinagsasawsawan, pero ba’t ngayon? Di ko alam pati ikaw isa ka na ding ganap na sawsawan. Ang lupit! Matamis ba halik nya? Ingat ka, magkadiabetis ka. Ano ba tong Mcdo kala ko mabubusog ako, di pala. Lahat na lang puro akala kaya walang napapala.

Makauwi na nga samin, Aba! yung dating 120.00 Php na pamasahe naging 130.00 Php, buti pa ang pamasahe nagmamahal. Sa loob ng van, nakatabi ko pa magkasintahan, naku! Magkakaruon din yan ng katapusan. Sa loob ng van may nakalagay, “PLEASE FASTEN YOUR SEATBELT”, akalain mo kahit iniwan mo ako, may concern pa pala sakin. Haha. Habang nasa daan ako, may nabasa akong NO LEFT TURN. Sa nagbabasa nito, bawal kang mangaliwa, bawal! mali! masama! Wag syang tularan! Kailangan pa ba imemorize yan?

Heto na nga yung sinasabi nila na nagsimula sa Hai, nauwi naman sa Goodbye. Nagsimula sa smile, nauwi naman sa cry. Nagsimula sa tayo, nauwi naman sa kayo.

Pinagkuhanan ng Imahe

Akdang ito ay aking entry sa patimpalak na pinamumunuan ni Ma’am Lhyn na hugot contest.

Sort:  

manong @oscargabat ang galing naman!!!! pero ouch

Brewed coffee inorder ko, di ko na nilagyan ng asukal, para saan pa kung sa huli pait lang din naman ang malalasahan.

hahhaha natawa ako nito . bet ko talaga yung kape...
yung kapeng matapang, yung kaya kang ipaglaban...
kape nalang yung pinagkukuhanan ng lakas.... para saan ka bumabangun? hahhahahhah

Haha sabi nga nila master @twotripleow at @eldean , KAPE KAPE DYAN😅

hahahha manong @oscargabat , ewan ko sa chika niyo na kape... basta kapeng matapang yung kaya kang ipaglaban ... haha :D

Sabi ko nga, Wag mo ng lagyan ng asukal, mapait lang din naman.😅

tagos talaga yung pait manong @oscargabat hahahhahaha :D

Grabe! (Slow clap)

Masyado mong ginalingan boss.

Salamat boss @iyanpol12. Hehe

mula umpisa hanggang katapusan hugot lahat.. haha ayos!!!

Ampalaya eh hahah

Entry received ^_^ but brod kindly read the instructions again on how to submit the entry and let me know once done! Thanks! c",)

Ma’am okay na po ba? 😊

Nailagay ko na po yung link Ma’am @lhyn 🙂

Entered! Good Luck! ^_^

Kuya hanep iba ang atake! Isa kang henyo. Saludo ko sayo. Congratulations po😊😊

Natsamba lang @essan-san. Haha. Salamat sa maganda komento!😊

Congratulations Hugot King for winning the Grand Prize! ^_^ hanggang sa muli. Maraming salamat po! c",)

Nasurpresa naman ako dto Ma’am @lhyn. Haha di ko na inakala na mapipili pa ako sa dami ng nagbigay ng kanilang magagandang obra sa hugot contest nyo. Gayun pa man, maraming maraming salamat po Ma’am! Godbless.😊

salamat din sir sa pagsali. hindi madali ang paghuhuradong nangyari, lahat kami nahirapan at naghanap pa ng ibang hurado hehe magaganda lahat ng entries pero nangingibabaw ang sayo c",) hanggang sa muli. God bless you too! ^_^

Ang lufet mo tlga sa pagsulat sir @oscargabat

Tsamba po. Haha. Salamat po.😁

Coin Marketplace

STEEM 0.13
TRX 0.34
JST 0.033
BTC 116637.71
ETH 4498.05
SBD 0.86