HUGOT CONTEST | SI MAGANDA AY UMASA..

in #hugotcontest6 years ago (edited)

Bago ko simulan, kilala nyo ba yung babae sa showtime? Yung nanalo sa the funny one? Ako kasi di ko kilala, char! Haha! De, gusto ko sanang isipin niyo na sya yung nagsasalita habang binabasa 'to. :)

Ako nga pala si maganda!
Oo maganda, kaso minsan tanga.
Minsan na akong umibig eh,
Bakit? Kasi sobrang gwapo niya.
Maginoo siya, tapos palabiro pa.

Di ko nga malimutan noong unang ngiti nya..
Naglalakad ako noon, muntik nga akong masubsob pa!
Inabangan ko ang lagapak ng mukha ko sa lupa..
Kaso di natuloy, kasi ako'y sinalo niya..
Ate mo'y kinilig! Aba eh, pabebe pa ba?

Sa mata mo'y napa-nganga, ang haba ng pilikmata,
Yung ilong mong matangos, nahiya tuloy akong huminga.
Ibababa ko palang ang tingin ko..
Sa mapupulang labi mo aba!
Bigla mo akong binitawan ayon, ate mo'y natumba!

Sabi ng tatay 'di ka daw gwapo..
Sabi naman ng inay lalong 'di maginoo!
Pero huwag kang mag-alala, 'di ako papatalo
Walang makaka bago ng pagmamahal ko sayo.
Pagkat itong puso ko ay alay lang sayo..

Noong niyaya mo akong lumabas, sabi mo'y isama ko si Ana
"Oh diba!" sabi ko sa inay "Tunay na maginoo siya,"
"Kasi'y kung hindi panigurado ako lang magisa!"
Habang tayo'y naglalakad, ako'y lageng natatawa
Sa mga biro mo kay Ana, nakakakilig talaga!

Huminto ka pa noon at bumili ng tsokolateng sorbetes,
Lumapit ka sa akin dala ang nahihiyang ngiti.
Ayaw ko nang ika'y mahirapan kaya't ako na ang lumapit
Sabi ko'y "Akin ba iyan?" na may ngiting pilit.
Inabot mo naman sa akin na tila nag aalinlangan,
Kaya't ibinulong ko sayo'y "Ano ka ba, Okey lang yan!"

Sa daan pauwi, hiningi mo akin numero
Di na ako nag isip, agad ibinigay ko
Sabi mo pa nga'y ang pabor ang imemensahe mo
Nung malapit na sa bahay kinilig nanaman ako,
"Sanay mapagbigyan mo ako" huling mensahe mo.

'Di ako makatulog kakahintay sa iyo,
Kay tagal mo namang mag padala ng sasabihin mo?
Siguro'y nahihiya? O sobra ang kaba mo?
Palagay mo kaya ikaw ay ayaw ko?
Wag kang mag-alala! Oo ang sagot ko!

Ako'y patulog na, nang tumunog ang telepono
Nagmamadali kong binuksan, ikaw na kaya ito?
Ako'y naguluhan sa sumunod na sinabi mo
Akala mo kaya ay Ana ang pangalan ko?
"Si Ana ay gusto ko, matutulungan ko ba ako?"

Sinagot kitang agad, "Huy si Maganda to"
Bakit kaya ganon? Mali ba ang pakilala ko?
Akala nya ba'y Ana talaga ngalan ko?
Hay nako si naman, mukhang di naintindihan sinabi ko.
"Akala mo ba'y Ana pangalan ko? Okey lang 'yon!
Wag ka mahiya naiintindihan ko," sunod na mensahe ko.

Nakatulugan ko na nga eh! Yung pag hihintay ko non?
Tapos pag gising ko, sana pumikit nalang ako!
Agad kong binuksan, nag iisang mensahe mo
"Mahal ko si Ana, tulungan mo naman ako..
Alam kong di ikaw si Ana, kasi si Ana ang mahal ko.."

Bigla akong napaisip sa mga pangyayaring naganap,
Bakit mga lalaki'y sadyang mapagpanggap!
Sinalo nya ako nung ako'y babagsak!
Binigyan ng sorbetes at ngiti'y laging tumpak
Tapos kapag nahulog ka na, saka ka ilalagpak.

Bakit kayo ganyan, di iniisip na may masasaktan?
Wag na sanang magpakitang mayroon, kahit wala naman.
Nakakasakit kayo, di manlang nag aalinlangan!
Ngiti at pahiwatig wag nyo nang ipaabot kung ganyan.
Dahil kaming mga babae'y hindi naman laruan..

Ang love talaga ay parang sugal.
Minsan talo, minsan panalo.
May oras na tiba-tiba, minsan naman bawi lang.
Pero alam mo kung ano ang masakit?
Yung akala mong panalo ka na,
Tapos ipamumukha sayo wala naman pala.

Kaya ngayong tag init na? Di ko na kelangan ng aircon!

Lovelife ko palang ang lamig lamig na eh!

33397512_1968348533206787_3060049557132935168_n.jpg

Here is the link of the contest if you want to join. :)

Thank you for dropping by!

~ Yhien

Sort:  

Nag enjoy ako sa pagbasa sis! Although di ko kakilala yung Ana sa showtime. AHAHAH pero Ana naman name ko kaya inassume ko kunwari ako..

OOOPPPPSSSS, sabi mo nga "Pwedeng Kiligin, Pero Bawal Mag-Assume!"

Ang galing nang pagkakagawa dahil dyan ibinibigay ko ang 0.04 na boto ko hehe

Yey! Thank youuu super much sis! Hehehe atleast ikaw ang nagwagi! <3

Yep, masasaktan ka lang hahaha

Omg. Thank youuu <3 Kiss kita. Haha

Ang tanong dyan, gusto din ba kaya sya ni Ana? :D
Hahaha excited na ako sa Sequel! :)

Hahaha doon nalang magkakatalo bessywap! Hehehe nakoo wala nang sequel. Gusto mo ba ng mga storya na ganyan? Join ka sa family namin sa steemitserye <3

https://discord.gg/GGqyDU

I can't access my discord e. :(
Lalo na dito sa work. Bawal din kasi. Nakikita nila na may kachat ganern.
Pero msngr pwede HAHAH yun lang allowed :p

Entry received ^_^ but sis kindly read the instructions again on how to submit the entry and let me know once done! Thanks! c",)

Yan sissy? Hehehe nah! Sorry po na overlook ko kagabi kaya di ko nasunod si "pilipinas" hehehe thank you po sa reminder :)

Entered! Good luck! ^_^

Congratulations! This post has been upvoted from the communal account, @minnowsupport, by neihy05 from the Minnow Support Project. It's a witness project run by aggroed, ausbitbank, teamsteem, theprophet0, someguy123, neoxian, followbtcnews, and netuoso. The goal is to help Steemit grow by supporting Minnows. Please find us at the Peace, Abundance, and Liberty Network (PALnet) Discord Channel. It's a completely public and open space to all members of the Steemit community who voluntarily choose to be there.

If you would like to delegate to the Minnow Support Project you can do so by clicking on the following links: 50SP, 100SP, 250SP, 500SP, 1000SP, 5000SP.
Be sure to leave at least 50SP undelegated on your account.

Coin Marketplace

STEEM 0.31
TRX 0.12
JST 0.033
BTC 64485.37
ETH 3156.53
USDT 1.00
SBD 4.05