Walang Titulo - A Hugot Contest Entry

in #hugotcontest6 years ago (edited)

Sabi nga nila na isa ako sa mga studyanteng may mataas na katalinuhan sa karaniwan. Pero sa pagkasutil at pagkahilig maglaro ng mga larong panuos tulad ng Dota, walong taon bago ako nagtapos ng kolehiyo. Ngunit alam ko na ako'y itinadhanang magtagal; dahil isang taon bago ako'y nagtapos, nakilala kita.

Ikalimang taon ko sa kursong inhinyero elektrikal, ikatlong taon rin mula nang ako'y huling nagka-kasintahan. Lumipat ka, mula sa Kabisayaan, dito sa kolehiyong aking pinapasukan. Nagsimula sa isang hugot na kahit ang mga gamugamong nakarinig sa mga salitang lumabas sa aking bibig ay tumahimik: Hulog ka ba ng langit? Para ka kasing anghel!

Lumipas ang ilang buwan, napasagot kita ng matamis mong Oo. 'Dun na nagsimula ang araw-araw nating hugutan at mga linyang pwede ipanlaban sa kahit anong balagtasan. Sa una nating halik, tatlong araw na akong walang sipilyo pero 'di mo man lang namalayan. Kundi dahil dun sa mga tinga na natira, 'di tayo magtatagal ng tatlong taon. Sabi nga ng matatanda, yun ang pinakaepektibong gayuma - libre pa.

Sa panahon ng kasiyahan, yung mga linyang may hugot 'di talaga nawawala. Depensa nyo ngayon? Mag skyflakes ka pampatibay ng loob. Para kahit anong maging resulta, matatanggap mo na. Alam ko namang nagsikap ka, pero hindi talaga lahat ng bagay, kahit pinagsisikapan, maaabot na.

Minsan pag nag-aaway, dinadaan ko sa biro, nang huminahon ka. Wag kang mag-alala, alam mo naman 'di ba, C2 lang ang hilig ko. Kasi alam mo naman, ikaw lang ang solo. Alam mo minsan, para kang kulangot. Ang hirap mong kunin, kahit anong dukot.

Dahil mahilig ka sa wattpad, palagi akong talo. Pero ayos lang, 'di naman ako nakikipagpaligsahan sayo. Ang importante, ay mahalaga., ika nga nila. At para sa'kin, yung ay ikaw maging masaya. Ayun, kinilig ka. Syempre 'di ba; Kaya nga eto kursong kinuha ko - palaging may kislap.

'Eto na tayo ngayon. Magtatalong taon na. Kahit sa lungkot at saya, andyan parin sa isa't isa. Ngunit hanggang ngayon, kaunti lang nakakaalam. Ayos din, Dahil kaunti lang nakakaalam, kaunti lang rin ang nakikialam. Ano tayo, pook-sapot? Para kailangan talagang ipagkalat para magkapera't yumaman?

Para sa mga mambabasa, hanggang dito nalang. Salamat sa pagtangkilik ng aking likha. Alam ko naman Ang oras ay parang ginto. Kailangan mo talagang umakyat ng pitong bundok at paghirapan para makuha mo lang sa kanya.

Sana'y naaliw kayo sa pinakaunang katha ko na purong wikang Filipino.

Ang kathang ito ay para sa patimpalak ni @lhyn at kathang-isip lamang. Anumang pagkakahawig sa mga pangyayari sa kwentong ito ay nagkataon lamang at hindi sinasadya.

Ang kawingan ng patimpalak : HUGOT Contest - 10 SBDs Up For Grab!

Ang mga imaheng ginamit ay galing sa pook-sapot na pixabay
1 2 3 4
Ang gumagalaw na larawan ay hango sa pook-sapot na giphy
1



Sort:  

Andaming hugot at banat na baon! Ayan ang quiz master ng promo-mentors!

Haha. Salamat po sa pagbasa.

Excellent post!

Entry received ^_^ but brod kindly read the instructions again on how to submit the entry and let me know once done! Thanks! c",)

Pakisuri po ulit kung naitama ko na po ang aking mga pagkukulang. :)

Entered! Good luck! ^_^

Coin Marketplace

STEEM 0.26
TRX 0.11
JST 0.033
BTC 64266.94
ETH 3077.24
USDT 1.00
SBD 3.87