My Entry for HUGOT CONTEST By: @lhyn

in #hugotcontest6 years ago




Kamusta mga kaibigan ko at kawpa kong pilipino nandito sa Steemit Platfrom .
Ngayon nga po ay aking isusumite ang aking likha para sa patimpalak na ito.
Ang HUGOT CONTEST na pinamunuan ni miss @lhyn.


Ang aking entry ay hindi isang poetry o tula, bilang artist gumawa ako ng isang komiks-strip
na patungkol sa laging pag hugot ng kapwa ko pilipino sa mga bagay na dinadamdam nila sa buhay katulad nalang sa problema sa pamilya, pera, kaybigan, at pinaka pinang huhugutan nila ang pagiging sawi sa pag ibig.

who got than day.png

Ang title po nitong maikling komiks ko ay "WHO GOT THAN DAY" parang
(HUGUTAN na ARAW).
Ang bida po sa komiks na ito ay si THAN na masakit ang ulo sa araw na yun.


Sa unang eksena makikita niyong naghahanap si Than ng gamot para sa nananakit nyang ulo
na madaling tugon ng kanyang ate na WALA na biglang hugot na

Wala! Wala ng gamot na makapagpapagaling sa sakit na darama ko!

Karamihan satin kapag ganito ang hugot ay patama sa mga X natin o mga karelasyon
parang gusto mong sabihin na ganito
"Wala! Wala! ng gamot sa sakit na nadarama ko kundi siya lang, kaso di na sya babalik pa"


Sa ikalawang eksena nung nasa jeep na sya para pumunta sa doctor at ipasuri ang kanyang
nananakit na ulo, nung malapit na si than sa ospital at iniabot ng driver ang sukli ng sobra
bilang tapat at mabait na bata agad niya binalik ang sobrang sukli sa jeepney driver nung
iniabot na ni than ang sobrang sukli aba'y biglang humugot din si mamang driver na sabi

Sobra-sobra na nga pero di parin sapat.

Etong mga ganitong hugot ay mula sa mga taong grabe mag effort at talagang tapat sa
kanyang ka relasyon pero nauuwi parin sa hiwalayan at tinatanong ang sarili kung
san sila nag kulang.


At sa huling eksena na ay kausap na ni than ang doktor para ipasuri ang kanyang nanakit na ulo,
ng sabihin ni than na masakit ang kanyang ulo laking gulat nya sa tugon nito hindi gamot kundi hugot!
ang hugot ng doktor

OK lang yan buti nga hindi sa PUSO

eto yung hugot na mula sa mga taong may dinaramdam na mabigat pero pinapakita nila sila'y matatag, bitter pero nagpapaka wise na daw yan sila yan.( HAHAH)


At ayun nga imbis na gumaling ang sakit ng ulo ni than lalo itong sumakit sa mga ng yari noong araw na yun dahil di niya akalain na puro lang daing at hugot lang ng ibang tao ang kanyang maririnig kaya siya'y napasigaw nalamang ng

AYAW KO NA SA EARTH!

etong hugot naman ni than ay mula sa mga taong nawalan na nang pag-asa sa buhay
dahil lagi nalang sila umaasa sa mga taong paasa. (HAHAHA)

at dito po nag tatapos ang aking maikling hugot kwento at sana'y nagustuhan niyo po.
ako'y lubos rin nag papasalamat sa bumubuo ng patimpalak na ito at ako'y natutuwa
at natatawa sa mga ganitong patimplaka. mabuhay at pagpalain kita ni ama.


Ang komiks-strip na ito ay aking orihinal na gawa ito po ang mga patunay na ito po ay sariling likha

Ang una kong ginawa ay ang pag sketch or pag-guhit gamit ang lapis.

who got than day.jpg

pangalawa ay pagpatong o paglagay ng ink at ng ibang detalye sa inisketch na komiks.

who got than day.png

at ang huli ay gumamit ako ng ADOBE PHOTOSHOP para sa mga mensahe.


Hanggang dito nalang po at maraming salamat po ulit.

Steem On!

copyright @ishanvirtue
All rights reserved.

Please support the Smart Media Token @teardrops project by Sir @surpassinggoogle and follow https://www.facebook.com/teardropstokens on Facebook.

Please also support @surpassinggoogle as a witness by voting him at https://steemit.com/~witnesses and type in "steemgigs" at the first search box.

If you want to give him witness voting decisions on your behalf, visit https://steemit.com/~witnesses again and type in "surpassinggoogle" in the second box as a proxy.

Sort:  

Your Post Has Been Featured on @Resteemable!
Feature any Steemit post using resteemit.com!
How It Works:
1. Take Any Steemit URL
2. Erase https://
3. Type re
Get Featured Instantly & Featured Posts are voted every 2.4hrs
Join the Curation Team Here | Vote Resteemable for Witness

Entered! Good luck! ^_^

thank you po ate lhyn ^_^

Coin Marketplace

STEEM 0.20
TRX 0.13
JST 0.030
BTC 65236.35
ETH 3483.12
USDT 1.00
SBD 2.51