Hugot Blues | Hugot Contest

in #hugotcontest6 years ago (edited)

Ang Pag-Ibig Ay...



Parang sugat na mahapdi
Nang ito'y napatakan ng kalamansi!
[Si Don Juan, nang naglaslas para kay Ibong Adarna]


Parang isang amplayang
Mapait at nanghihinayang!
[Na bitter si amplaya, nang di nasali sa Leron Leron Sinta]


Parang asong ulol,
Tahol ng tahol!
[Si Hachiko, nang malamang namatay na ang kanyang amo]

Mabuti Pa...

Ang nonoAng basoAng kuryenteAng mixAng magic
May ponsoMay yeloMay boltaheMay matchMay sarap

Eh, tayo? May ano?

Si ThanosAng Toy StoryAng Marina Bay Sands
May Infinity StonesTo Infinity and BeyondMay Infinity Pool

Eh, tayo? May ano?

Sana...



Ako ay naging FRAGILE,
Para handle mo ako with care!

Ako ay naging BLIND CURVE,
Para you'll drive our relationship carefully!

Kung manloloko ka na lang din, CAUTION,
Sa puso ko, "Please do not enter"!

Mas mainam pa...



Ang ahas pag pumulipot, hinde ka makakapiglas!
Ang toko kung kumapit, dikit na dikit!
Ang pusa, umuuwi kahit gala!

Ang mga parte ng katawan - baba, dibdib, bukong-bukong, alakalakan, balun-balunan sadyang ang pagbigkas ay pabalik-balik. Pero ikaw? Noong lumisan ay hinde na nagbalik!

Hanggang dito na lang po, 'eto mga banat na to 'ata ay epekto ng kakainum ko ng kape! Pagpasensyahan na ang mga hugot ng isang hugoterang palakang katulad ko. Katuwaan lang po.

P.S. - 'Eto po ay aking orihinal na hugot na hinde naman base sa aking tunay na buhay. Kung ang aking likha ay may kapareha, abay sila po ang nanggaya.

P.P.S - Mabuti pa ang Steemit, pwedeng i Update Post, pero tayo, ano ang update?

IMG_20180522_163919-01.jpeg

Ikaw ba ay nayuyugot? Gusto mo bang humugot? Tara na sa pahina ni @lhyn upang malaman kung paano maibuhos and iyong nararamdaman: https://steemit.com/hugotcontest/@lhyn/hugot-contest-10-sbds-up-for-grab

Sort:  

Ako ay naging FRAGILE,
Para handle mo ako with care.

Corny but love it :)

Ang pusong nababagot, ganyan talaga - humuhugot!

Ginalingan! Nako ang hugotera ng araw ay napunta na kay @fotografia101 nyahahah. Good luck po sa patimpalak!

Sana manalo para sa ekonomiya! - Toto ng @tagalogtrail

LOL ^_^ maraming salamat naman Toto ng @tagalogtrail

Entry received ^_^ but sis kindly read the instructions again on how to submit the entry and let me know once done! Thanks! c",)

Pasenya na di ko kasi natapos ang proseso at ako's kumayod muna para sa ekonomiya @lhyn. Salamat sa pagkakataon.

walang problema sis pero may kulang pa rin po ^_^

Tapusin ko sa bahay. Salamat Sis.

Entered! Good luck! ^_^

Winner ang mga banat/hugot! Lupit nito! Haha

Ahaha @romeskie wala akong masyadong experience sa hugot pero marami akong experience sa mga kaibigang humugot ng lakas sa akin habang nagsusumbong.

Bakit humuhugot ka pa idolestest? E andito naman ako a?

Di ba sabi mo, antayin kita? Nag antay lang ako, pero walang "kita"! Di ba sabi mo sa patimpalak na ito, sali tayo? Sumali ako, perong walang "tayo". Ajajajaja hello @twotripleow. Tulog na!

Sabi ko naman kasi sa'yo ako ang mag-sisilbing "lapis" mo. Buburahin ko ang nakaraan mo at isusulat ko ang kinabukasan mo. Pwede rin baril kung gugustuhin mo haha.

Congratulations! This post has been upvoted from the communal account, @minnowsupport, by fotografia from the Minnow Support Project. It's a witness project run by aggroed, ausbitbank, teamsteem, theprophet0, someguy123, neoxian, followbtcnews, and netuoso. The goal is to help Steemit grow by supporting Minnows. Please find us at the Peace, Abundance, and Liberty Network (PALnet) Discord Channel. It's a completely public and open space to all members of the Steemit community who voluntarily choose to be there.

If you would like to delegate to the Minnow Support Project you can do so by clicking on the following links: 50SP, 100SP, 250SP, 500SP, 1000SP, 5000SP.
Be sure to leave at least 50SP undelegated on your account.

Coin Marketplace

STEEM 0.20
TRX 0.13
JST 0.030
BTC 65359.95
ETH 3492.90
USDT 1.00
SBD 2.51