PANGAKONG NAPAKO

in #hugotcontest6 years ago (edited)

Mga pangakong napako
Dalawang taong pinagtagpo
Sa bandang huli, hindi nagkasundo
Dahil napakadaling sumoko
Dating pagtitinginan ay lumabo
At bigla nalang maglaho.

Nasan na ang pangako mo?
Na binibigkas ng labi mo
Pinaasa mo lang pala ako
Dahil nakatagpo ka na ng bago
At kanya ibinaling ang pagmamahal mo
Kaya ako'y nilisan at kinalimutan mo.

Mga pangakong nagkandaluko-loko
Para bang mga pulitiko matamis mangako
Umasa, naniwala, nagpauto at nagpaloko
Sa pagmamahal mong di magbabago
Pero ano napala ko? iniwan lang ako
Mga pangakong pinukpok ng martilyo kaya napako.

Siguro nga katangahan ang mahalin ka
Dahil ginawa ko na lahat para mapasaya at manatili ka
Pero pagmamahal ko'y binalewala at 'di binigyan ng halaga
Ikaw kasi yung tipong pang Relationship lang sa social media
Pero ang salitang Commitment ay ibang storya na
Dahil sa responsibilidad ay malayong hindi ka pa pala handa.

Maraming salamat, hanggang sa muli

Pinagkunan ng imahe: pixabay

Ito po ay aking inilahok sa patimpalak ni @lhyn na mababasa

DitoHUGOT Contest

Please support @surpassinggoogle as a witness, Please vote him at https://steemit.com/~witnesses and type in "steemgigs" at the first search box.

If you want to give him witness voting decisions on your behalf, visit https://steemit.com/~witnesses again and type in "surpassinggoogle" in the second box as a proxy.


(logo created by @bloghound)

Sort:  

Itong pangako ay malamang mananatiling pangako. Pakong pako na ang lipunan sa mga ito. Pasasaan pa'y maghihintay na naman tayo. Nang alin? Ginhawa sa bayan? O baka naman ginhawang napag iwanan?

Baka ginhawa sa bulsa mam. hehehe

Hanep ang lalim naman nyan MR.President..

hehehe banatam meten Master Joe

kaya naman huwag nang umasa
sa mga taong paasa
huwag namnamin ang pag-asa
lahat ng pangako nila'y laging napapako
parang kilay lang ng kaibigan ko
drawing lang pala at hindi totoo

banatam met master president :-D

post na yan grandmaster.

Entered! Good luck! ^_^

Coin Marketplace

STEEM 0.30
TRX 0.12
JST 0.034
BTC 64038.60
ETH 3148.89
USDT 1.00
SBD 3.97