Oo Mahal Kita: Unspoken Words

in #hugotcontest6 years ago (edited)

Nanligaw, nangako pero nang iwan.

Ikaw na bumago ng ikot ng buhay ko
Kung saan nabago ang pananaw sa mundo.
Niligawan mo ng walang sawa
At ako naman si tanga naniwala.
Pinangakuan na hinding hindi iiwan,
Pero ngayon ni anino mo’y Nasaan?

Ang sabi mo ako lang ang babae para sayo?
Pero bakit mukha ng iba ang aking nakikita sa iyong nga mata?
Bakit mo ako pinaasa na ako lang at wala ng iba,
Kung ni pag bigkas ng salitang “Mahal Kita” ay di mo kaya?
Bakit sinabi mo na ako lang ang iyong mundo,
kung ipinagmamakaawa ko ang oras mo?

Bakit? Bakit ka nagpumilit na pumasok sa aking puso,
Kung plano mo lang din palang lumayo?
Ang sabi mo ako ay parang isang bubble gum.
Oo tama ka, dahil sandali lng pala ang tamis na dala ko sayo kaya ngayon ako’y niluwa mo.
Sana kurso nalang ako para seryosohin mo.
Pero hindi eh, isa kang piraso ng kanin dahil kahit kanino ka nalang dumidikit!

Hindi ka naman ref pero bakit panay bukas ng iyong pinto pag may bago?
Hindi ka naman ampalaya pero bakit pait ang iyong dala sa buhay ko?
Hindi ka naman bawal na gamot pero bakit ang pag-ibig ko sayo ay kay hirap ihinto?
Hindi ka naman kriminal pero bakit ka sumuko?
Hindi ka naman kandidato sa eleksyon pero bakit ka nangako at ayan tuloy, ito’y napako?
Wala naman tayo sa parke pero bakit mo ako pinaglaruan?

Ikaw na nga ang TANONG pati ba naman SAGOT ikaw pa din?
Pero ngayon, natutunan ko ng mahalin ang aking sarili higit sayo.
Dahil Hindi ka naman jeep para ipagsiksikan ko ang sarili ko sayo.
Alam kung, hindi ka na ngayon pagod,
Dahil hindi ka na tumatakbo sa isip ko.
Para lang pala akong nagreview, dahil pagkatapos nito, LIMOT KO NA ANG TAYO.

Oo. Mahal kita!
Pero tama na.
Oo. Mahal kita.
At ang sakit sakit na.
Kaya parang awa mo na,
Wag ka nang bumalik
Dahil ako ay bibitaw na.


Ang spoken words na ito ay ang aking pyesa sa Palahok ni @lhyn. Ito po ay orihinal na komposisyon ng iyong lingkod. Maraming salamat sa pagbasa.

Nawa'y mapawi na ang lungko sa mukha ng mga taong nasaktan. Ihugot lang yan!



Have you voted your witness?

Consider casting your witness votes here for @steemgigs (@surpassinggoogle), @qurator, @precise, @cloh76.witness, @ausbitbank, @teamsteem, @blocktrades and @curie who have been adding an invaluable contribution to the community.

Sort:  

Grabe sya mas maraming baon.🤣🤣🤣

May nakatago pa ako ate 😂😂😂

Grabeee sakit!!!!

Salamat po. Pero ganun talaga. May mga bagay na dapat tanggapin. 😆

Matindi ang paghugot! Haha

😂😂😂😂 nagmahal, nasaktan, bumangon.

Galing nito gusto ko sana subukang sumali pero parang me mananalo na hehe

Salamat po! 😊😊😊 apil sir para machallenge ang nag initiate ani. Hahaha

Andaming hugot. 😔

May baon pa akong natitira 😂😂😂

Entered! Good luck! ^_^

Shukran po! 😊

Congratulations! Your post has been chosen for the SteemPH UAE : Daily Featured Posts | 20 May 2018.

Coin Marketplace

STEEM 0.20
TRX 0.13
JST 0.030
BTC 65359.95
ETH 3492.90
USDT 1.00
SBD 2.51