#hugotcontest : Ang Jeep at Puso Ko

in #hugotcontest6 years ago

943zxtcH_400x400.jpg
Hello! This is my entry for @lhyn hugot contest...I hope you spare a little of your time reading my poem of hugot at #hugotcontest #steemph #pilipinas
Highway-hugot.jpg
Pagkalipas ng ilang taon...landas natin ay muling nagkrus, habang ako'y naghihintay ng jeep na masasakyan pauwi..Nakita kita, habang ika'y pumapasada. Hindi ko maintindihan kung sasakay ba? O papaiwan?...

Bakit di maihakbang mga paa kong tila naging mabigat na pasan?...Sa aking pagtayo, bigla kong natanto, kalimutan ang kahapon at lahat iyon ay isuko...Sa mga tambak na pasahero, ako ay nakipambuno, sumakay sa bandang hulihan upang di mo masulyapan.

Nagkamali ako,dahil ako pala'y nakikita mo....
Pagtingin ko sa salamin..mata mo pala'y nakatingin din...
Di ko alam kung bakit ganoon, sa isip ko'y bumalik ang "noon"...masasayang alaala na ngayo'y pighati ang naging bunga.. .

Mga panunuyo mo'y bumalik sa aking isip...
Panunuyong bala't kayo...panunuyong mapagkunwari..
Anong aking naging kasalanan?
Para ako'y may pagdusahan?
Mga panloloko mo, noo'y pinalampas ko lamang
Bulag,pipi at bingi sa mga sabi-sabi....

Lahat sayo ay isinugal..buong puso at sarili
Sapagkat akala ko..ako'y iyong pinipili..
Ngunit mali pala lahat..sapagkat isang araw ay sumambulat..
Bulag na katotohanan noon ko lamang nalaman
Ikaw pala'y may iba..at ako'y ginagamit mo lamang..

Ang mapait na katotohanan nang aking malaman, agad tinanong kita...at doo'y sinumbatan...
Pagmamahal na ibinigay, bakit pighati ang naging balik
Anong nagawa't niloko ng taong mahal na mahal ko...?

Nang biglang mapagtanto
Ako pala'y patungo
Sa lugar na kung saan, muntik ng mawakasan
Yaring buhay na di dapat masayang....
Pagkat Jeep na sinasakyan noon pala ay bglang nasiraan...
Bumangga sa poste ang daming sugatan...

Doon ay napapikit at daing sa sakit
Katapusan ko na ba o Mahal na Ama?
Ito na po ba ang wakas ng aking pahihirap?
Sa inyong paanan ako na po ba ay haharap?
Tila lalong nasaksak ang pusong sugatan
Ang magmahal at mahalin ay tuluyan ko na bang hindi mararanasan???

Sa pagpatak ng luha sa sakit na nadarama..
Biglang napaigtad at saka sumambulat
Pagmulat ng mata, sarili'y nagulat
Sa kama'y nahulog at panaginip lang pala ang lahat...😂😂

Image source: google

Thank you for dropping by!
let us all continue voting
@surpassinggoogle as proxy for witness or by voting him at https://steemit.com/~witnesses and type in "steemgigs" at the first search box.
Let us also take part in spreading and supporting #untalented #steemph

photocollage_201831294017866.png

U5drFGk2vneYPdt7XQ117Ler2P4h9us_1680x8400.jpeg

Sort:  

Ay ang galing! Lab ko yung kwentong jeep, @alyana <3

Thank you sa pagappreciate sis 😘😘 @bloghound

Entry received ^_^ but kindly read the instructions again on how to submit the entry and let me know once done! Thanks! c",)

Coin Marketplace

STEEM 0.16
TRX 0.13
JST 0.027
BTC 58394.86
ETH 2618.86
USDT 1.00
SBD 2.39