"The Diary Game Season 3 (May 12, 2021)/ Ang Aking Gawain Bilang Isang Guro sa Panahon Ng Pandemya

in Steemit Philippines4 years ago

Magandang araw mga ka steemians! Kumusta na kayo ngayon. Sana'y nasa mabuting kalagayan parin kahit ano pa mang pagsubok na dumating sa ating buhay, dahil matatag tayong mga Pinoy, hindi padadaig sa mga problema sa buhay. Harapin natin ito, kahit ano paman yan.
Gusto ko lang ibahagi sa inyo ang aking ginawa ngayon bilang isang guro sa panahon ng pandemya.

IMG20210512110433.jpg
Kinaumagahan, bago ako pumasok sa paaralan, maaga akong gumising upang maghanda ng almusal, naglilinis at pagkatapos naligo. Pagkatapos noon, kumain ako ng almusal at nagbihis saka na pumunta sa paaralan kung saan ako nagtuturo. Naglakad lang ako papuntang paaralan dahil maliban sa malapit lang ito sa amin, gusto ko ring mag-eehersisyo tuwing umaga sa pamamagitan ng paglalakad. Pagdating ko doon, kahit wala akong mga mag-aaral, nililinis ko ang aking silid-aralan, dahil ito rin ang aming working station.

IMG_20210512_161843.jpg
Dito kami maghahanda at magso-sort ng modules para ipamigay sa mga magulang ng aming mga mag-aaral tuwing araw ng Biyernes. Bukod doon, nagdidilig at nag-aalaga din ako ng aming mga halaman na nasa labas ng aking silid-aralan. Pagkatapos, nagkaroon kami Ng kunting pagpupulong tungkol sa aming CI o Continuous Improvement sa aming Assigned Area na hardin at napagpasyahan namin na bumili ng mga materyales para gamiton nito.

IMG_20210512_171218.jpg
Sa tanghali, umuwi ako sa amin upang doon ako mananghalian kasama ang aking asawa at mga anak. Nakagawian na naming mag-asawa na umuwi sa tanghali dahil ang mga anak lang namin ang naiwan sa bahay. Kaya kailangan naming umuwi upang ma monitor namin sila.

IMG_20210512_171342.jpg
Pagkatapos naming mananghalian, bumalik naman ako kaagad sa paaralan at itinuloy ang trabaho.

IMG_20210512_175916.jpg
Agad akong gumawa ng reports na kailanganin sa aming punong-guro. Pagkatapos, nagche-check ako ng mga outputs ng aking mga mag-aaral at inirecord ko ito dahil malapit na rin matapos ang third quarter, kailangan na rin naming gumawa ng grades. Tumulong din ako sa paghahanda ng aming modules.
Pag-uwi ko sa bahay sa hapon, nag-alala ako sa aking pangatlong anak dahil sumakit raw ang ulo niya, kaya, dali-dali ko itong pinainom ng gamot at salamat sa Panginoon, na agad naman itong gumaling. Hindi na raw masakit ngayon.
At ito ang aking diary sa araw na ito mga ka steemians. Salamat sa oras na ibinigay niyo sa pagbasa ng aking post. Hanggang sa susunod.

C3TZR1g81UNaPs7vzNXHueW5ZM76DSHWEY7onmfLxcK2iNuw4SEK3xYam6CAynJrs1tyyndRWAsLnmCMDAYe3ymynVJu2GbavbsPXgEDztm1T2RHRce7ddG.png

Sort:  
 4 years ago 

This post has been rewarded by @steemcurator08 with support from the Steem Community Curation Project.

Follow @steemitblog to get info about Steemit and the contest.

Anroja

 4 years ago 

Thank you @steemcurator08 for noticing my blog

Coin Marketplace

STEEM 0.22
TRX 0.26
JST 0.039
BTC 95444.49
ETH 3354.43
USDT 1.00
SBD 3.15