"Thank You for remembering us that we exist" - Salamat sa pag-alala samin na kami ay buhay sa inyo.

in Steemit Philippines3 years ago

"Real generosity towards the future lies in giving all to the present." - Albert Camus


FB_IMG_1618271744108.jpg


Magandang Araw po sa inyong lahat. Nag a balik po ulit si @uwanderer para mahahatid ulit sa inyo ng bago inspirasyon galing mismo sa magulang ng isang munting bata na aming nakasalamoha sa aming munting aktibidadis na ang layunin ay magbigay saya at galak sa mga batang nais matuto at maging masaya bilang isang bata.

Hayaan nyo isalaysay ko sa inyo ang buong paglalakbay natin sa pagbibigay tulong sa mga munting kabataan sa isang sulok sa indahag.


IMG_20210414_122647.jpg

(Maaga tayo nag almusal dahil marami tayong mga repack na gagawin para sa ibat ibang baitang ng mga bata magiging partisipante natin sa munting aktibidadis)


IMG_20210414_071226.jpg

(Dali sa sobrang abala sa pag repack inabutan na tayo ng tangahalian. Kumain lang tayo ng mabilisan para makarami tayo ng repack)


IMG_20210413_210538.jpg

(inabutan tayo ng gabi sa pagkuha ng mga materyales, sangkap sa feeding, mga munting regalo sa mga bata. Dahil bukas na ung aktibidadis natin kailangan ng mabilisan kain. Tara kain tayo ng hapunan)


Screenshot_20210413_075432.jpg

(Isang masarap na minatamis na abokado ang pumawi sa pagod sa pagrepack kahit inabutan na ng magdamag 800 na mga bata ung bibigyan ng munting regalo pero ung grupo ng mga bata na magiging kasama natin bukas ay mga kinder garden)


Screenshot_20210413_075415.jpg

(Isang mabilisan lang na inum ng Buko juice para magising ang isipan at maoaghandaan ang boses sa interactive storytelling sa mga bata)


FB_IMG_1618271744108.jpg

(Nagbigay tayo ng storytelling sa mga bata. Medyo naging siksikan ang lahat kasi umuulan sa labas. Masayang nakinig at natuto ang mga bata sa simpleng interactive storytelling. Nagkaroon din ng konting puppet show bago mamigay ng snacks at munting regalo)


FB_IMG_1618354793621.jpg

(lubos na ikinagalak ng mga bata ang mga munting regalo at snacks na kanilang natanggap. At isang nanay na karga ang kanyang anak na maliit na bata ang nag sabi samin na "Salamat sa inyo kasi na alala nyo kami, akala namin hindi na kami parte ng lipunan dahil mababa ang pagtingin samin. Akala namin para hindi kami kabilang sa karamihan kasi para ang pag trato samin ay iba at hindi maka tao. Pero dahil sa inyo nagbago pagtingin namin sa aming sarili, samin pamilya, at sa aming komunidad. Salamat sa inyong tulong at higit sa lahat ang pag trato samin bilang isang tao at bilang isang pilipino.

Nadurog ang aming puso sa kanilang naranasan at sinabi. Pero nasiyahan kami dahil sa munting kabutihan na aming inalay sa kanila ay naghatid ito ng pag asa sa kanila at paniniwala na sila ay isang tao na nabubuhay at sila ay kapwa natin na pilipino kahit na mababa ung estado ng buhay nila sa lipunan.

Umalis kami na masaya dahil lahat ng mga bata at magulang ay nakinabang sa munti naming pagkain na aming hinanda sa kanila at simpleng mga regalo.


Sanay may natutunan kayo at na bigyan kayo ng inspirasyon sa munting kwento namin sa maliit na adbokasiya para sa ikaka angat ng ating kapwa na mga pilipino lalo na ang mga bata na sila ang susunod na henerasyon.


Nais ko ialay ang pasa salamat na ito sa mga taong pa tuloy na mag bigay sakin ng walang humpay na inspirasyon.

@yumaie28 @long888 @olivia08 @loloy2020 @me2selah @g10a @atongis @mervamps @jurich60 @sarimanok @kneelyrac @joshuelmari

@steemcurator02 @steeamcurator01 @booming @booming04 @booming01 @sbi

Coin Marketplace

STEEM 0.18
TRX 0.16
JST 0.031
BTC 63376.09
ETH 2692.84
USDT 1.00
SBD 2.59