"Munting Salo2x ng mga Lumad na Kabataan sa Bukidnon"

in Steemit Philippines3 years ago (edited)

FB_IMG_1617060813280.jpg

(Gulat na Gulat ang mga katutubong bata sa Munting regalong kanilang matatanggap, hindi nila lubos maisip na hindi lang isang papel at lapis ung matatanggap nila kundi isang butong kit na mayroon crayons, sharpener, notebook, ballpen, at eraser)


Isang masagana at mapayapang pagbati sa inyong lahat.

Magandang Sabi sa INYO. Nag babalik ulit ang inyong lingkod walang iba kundi si @uwanderer para magbigay sa inyo ng inspirasyon at motibasyon.

Nais po namin ibahagi sa inyo ang aming munting aktibidadis sa kabundokan ng bukidnon upang magbigay ng saya at tuwa sa buhay ng mga katutubo o lumad na mga bata.

Nag simula ang aktibidadis na ito sa isang munting hiling ng mga bata na nakasalamuha ng kasamahan namin boluntaryo na naghahatid ng serbisyo sa kabundokan ng bukidnon.

At ang munting hiling na ito ay nagpaantig sa puso ng kasamahan namin na boluntaryo na agad na kumilos at nanawagan para bigyan ng kaukulang aksyon ang munting hiling ng mga bata.

Ang tanging hiling nila ay magkaroon ng kahit kapirasong lapis at papel masaya na sila para makapasok sila sa eskwelahan.

Nagtipon tip on ang mga boluntaryo at nag ambag sila ng kanilang kaunting pundo at gumawa ng inisyatiba na magkaroon ng donation drive sa kanilang pamilya, kaanak, ka barkada, kaibigan at kasamahan sa trabaho. Nakalikom sila ng sapat na pundo pambili ng school supplies ng mga bata.

May isang pamilya ang naghandog ng spaghetti para sa mga bata. Ay may isang kasamahan naman sa trabaho ang naghandog ng ice cream.

Nangmakompleto na ang mga kailangan gamit at suplay agad na nag biyahe ang mga boluntaryo patungo sa liblib na kabundokan sa bukidnon. Tinahak nila ang matatarik na bundok at masukal na gubat upang marating ang komunidad ng mga katutubong bata.

Sinalubong ang mga boluntaryo ng mga bata ang mga magulang nito. Tuwang tuwa ang mga bata ng makita na mayroon silang bisita.

Hindi makapaniwala ang mga magulang ng mga bata na mayroon grupo ng mga boluntaryo ang dumayo sa malayo nilang lugar Upang magbigay saya at tulong sa mga bata. Akala nila hindi na sila parte sa ibang komunidad kasi nga mga katutubo lang sila. Wala silang na tapos at wala silang magandang bahay.

Taos puso sila nagpa pasalamat sa mga boluntaryo na nagka loob ng saya sa kanilang mga anak at komunidad.

Habang ang mga kababaihan na boluntaryo ay nagluluto ng spaghetti. Ang ibang boluntaryo naman ay nag bigay ng mga palaro, magic show, at puppet show.

Nangmatapos na ang mga Ibat ibang palabas at palaro. Sinimulan na ng mga boluntaryo ang pamimigay ng mga school supplies na sobrang ikinagulat ng mga bata.

Nang matapos ang distribusyon ng mga school suplay, agad naman namigay ng spaghetti at ice cream ang mga boluntaryo.


FB_IMG_1617060833890.jpg

(Sabik na Sabik ang mga katutubong mga bata sa masarap na spaghetti. Matiyaga silang pumila at naghintay sa kanilang parte. Hindi nila mawari ang saya na kanilang nadarama)


FB_IMG_1617060842261.jpg

(Hindi nila alintana ung mahabang pila dahil alam nila sa bandang dilo mayroon Masarap na pagkain ang naghihintay sa kanila. Hindi maitatago ang expresyon na pagka takam sa spaghetti sa kanilang mga mata at mukha)


FB_IMG_1617060828831.jpg

(Matapos nilang magdiwang sa sarap ng spaghetti. Nabigyani sila sa matamis na ice cream. Sobrang ikinatuwa ito ng lahat)


Sobrang saya ng araw ng mga bata at mga magulang nila. Lahat sila first time makatikim ng ice cream at spaghetti. Sobrang nasarapan sila sa spaghetti at ice cream.

Napawi ang pagod ng mga boluntaryo sa pasa salamat ng mga bata at mga magulang nila. Umuwi ang mga boluntaryo na may ngiti sa pisngi at tuwa sa kanilang puso. At Habang buhay nilang di makakalimotan ang saya dulot ng pakikisalamoha sa mga katutubong kabataan sa bukidnon.


Sana po ay nakapulotan ninyo ito ng aral at inspirasyon. Kung nagustohan nyo ang post na ito. Inaanyayahan ko po kayo na magtungo sa upvote na button at magbahagi ng pagmamahal.


Maraming salamat sa mga taong sumuporta sakin lalong lalo na ang mga nakatala sa ibaba.

@yumaie28 @long888 @olivia08 @loloy2020 @me2selah @g10a @atongis @mervamps @jurich60 @sarimanok @kneelyrac @joshuelmari

@steemcurator02 @steeamcurator01 @booming @booming04 @booming01 @sbi


Sort:  
 3 years ago 

Galing galing mo talaga dong. Padayon ani permi.

 3 years ago 

Maraming salamat nay. Salamat sa positive push Nay.

 3 years ago 

Maraming salamat sa supporta @uwanderer. Nakakatuwang tignan po ang mga bata, sana ay inyo itong ipagpatuloy.😇

 3 years ago 

Maasahan mo na aming ipagpapatuloy ang ganitong gawa in para sa ikauunlad ng buhay ng mga kabataan at ikasasaya ng kanilang magulang, at pampagising sa ating mga natutulog na ahensya na dapat nangngunguna sa Pagbibigay ng ganitong serbisyo sa mga kapatid natin na mga katutubo.

Coin Marketplace

STEEM 0.20
TRX 0.13
JST 0.029
BTC 65969.85
ETH 3429.28
USDT 1.00
SBD 2.68