Munting Salo-Salo - - Pasasalamat sa mga boluntaryo

in Steemit Philippines3 years ago


Magandang Araw/Gabi sa lahat. Muli po nagbabalik si @uwanderer na magbabahagi ng kaunting kwento sa inyo. Kaya samahan nyo po ako ngayon sa munting kwento na pinamagatan na "Munting Salo2x".

Ngayon araw na ito naganap ang art therapy, hygiene kit and medicine distribution at free check up sa mga bata.

Sobrang tuwa ng mga bata sa liblib na pook ng pagatpat na makatanggap ng kaunting tulong galing sa mga boluntaryo at mga lokal na tagapamahala.

Natuwa ang mga bata na nakapagsulat at nakapagpinta gamit ang krayola. Nakatanggap din sila ng mga munting regalo na matatamis at laruan na pampalipad sa ere. Sobrang saya nilang lahat magpinta at makatanggap din ng hygiene kit.

Habang ang mga matatanda naman ay nakatanggap ng dental check up lalo na ung walang pambayad sa check up. Pagka tapos nila makatanggap ng libreng check agad naman sila binigyan ng mga libreng gamot.

Pagka tapos ng buong araw na aktibidadis. Nag pasalamat ang naninirahan sa pagatpat at hindi nila makakalimotan ang kagandahan loob na iginawad ng mga boluntaryo sa kanilang buhay.

Agad naman naglinis ang mga boluntaryo at nagsimula na mag empake papauwi sa kanilang opisina. Habang papauwi sila tumawag sa kanila ang dating dentist na boluntaryo sa nakaraan na dental outreach at iniimbitahan nila ang mga boluntaryo sa isang simpleng hapunan.

Agad na nagtungo ang mga boluntaryo up ang tumulong din sa pagluluto ng mga pagkain.

Para mabigyan kayo ng ideya sa pagkain maari ninyo ito tignan sa ibabang bahagi.





Maraming salamat sa inyong pagbisita sa post kung ito. Wag kayo mag alala sa susunod ko na post isasad ko ung mga karanasan namin sa aktibidadis. Hang gang dito na lang po. At magkita kita tayo sa susunod ko na post.


Nais kung mapasalamat sa mga taong laging sumusuporta samin lalo na ang mga tao nakasaad sa ibaba.

@yumaie28 @long888 @olivia08 @loloy2020 @me2selah @g10a @atongis @mervamps @jurich60 @sarimanok @kneelyrac @joshuelmari

Sort:  
 3 years ago 

Hang galing naman ngmga kawang gawa ninyo, saludo ako.

 3 years ago 

Maraming salamat sa inyong positibo na mensahe ate @jurich60. Ingat po kayo lagi. At blessings po sa inyo.

 3 years ago 

ang sarap ng mga pagkain na yan po. and Pagpalain kayo ng Panginoon sa inyong mga efforts sa pagtulong sa mga bata.

 3 years ago 

Maraming salamat sa inyong panalangin ate @me2selah. Salamat sa pagsuporta sa aming adbokasiya.

 3 years ago 

Kalami!

 3 years ago 

Lami jud kaayo mika.

 3 years ago 

Sarap nyan bro. At ang pagtulong sa kapwa ay nagbibigay sa atin ng kasiyahan lalong-lalo na kapag nakita natin na nakapagpasaya tayo ng mga tao. Keep it up bro. 😊👍

 3 years ago 

Sobrang saya at kaligayan ang naidudulot natin sa kapwa natin na mga pinoy na nangngangailangan ng tulong. At pra satin na ito ay nakakagaan sa kalooban at puso.

Coin Marketplace

STEEM 0.18
TRX 0.13
JST 0.029
BTC 57808.87
ETH 3061.38
USDT 1.00
SBD 2.33