"Post your most amazing Christmas Photo Challenge" : Christmas kasama ang buong pamilya
Magandang araw po sa lahat at advance Merry Christmas po!
20% to @steemitphcurator
Ang pasko ang isa sa pinakamasayang season na hindi pinapalampas ng bawat isa at isa ang Pilipino na may pinakamahabang pagdiriwang nito na parte na ng ating kultura. Pagtungtong ng September ay ang pag-uumpisa ng ating pagbibilang maging ang paghahanda ng mga dekorasyon. At dahil napakacreative natin ay nagagawa nating i-recycle ang mga lumang dekorasyon at pagandahin pa ito lalo.
Syempre hindi mawawala ang pagkain sa ating hapag upang mapagsaluhan ng buong pamilya. Tulong-tulong kami sa paghahanda ng mga pagkain at pasasalamat na rin dahil sa buo kaming pamilya sa paskong ito at nagdiriwang ng sama-sama sa aming tahanan. Nangyari at nakunan ito sa taong 2018 dahil kadalasan kapag pasko ay pinapapunta sina mama at papa sa bahay ng aking tiyahin samantalang kami ay pinipili na sa bahay lang magdiwang kaya ito ang napili ko dahil isa ito sa pinakamasayang pagtitipon at pagdiriwang naming pamilya sa araw ng pasko.
Simple lang ang aming selebrasyon sa pasko sa taong ito at dahil nga kompleto kami ay naisipan namin na magsuot ng pula. Kasabay ng iilang paputok, musika sa bahay at selebrasyon na natanaw namin sa tv na pinapangunahan ng aming paboritong artista at pagsasayaw ay ang pagdiriwang sa kaarawan ng ating Panginoon.
Most of the time habang naghihintay ng hating-gabi ay kumukuha lang kami ng mga pictures at nakikihalubilo sa mga pinsan sa labas at mga relatives gayundin ang Christmas party para sa mga bata sa labas. Nagbibigayan din kami ng mga handa dahil kapamilya lang din naman ang nakatira malapit sa amin. Talaga nga namang napakasaya ng pagdiriwang ng pasko lalo na kapag buo at kasama ang pamilya na siyang pinakamahalaga at sentro ng pagdiriwang na ito.
Hanggang dito na lamang po ako at nais ko lang imbitahan sina @lealtafaith, @kyrie1234 at @jes88 na magbahagi ng inyong storya at lubos akong nagpapasalamat sa patimpalak na ito lalong-lalo na sa Steemit Philippines community at mga judges at moderators na nasa likod ng aktibidad na ito.
Maraming salamat po at nawa po ay masaya at ligtas ang lahat! God bless po sa ating lahat!
https://steemit.com/hive-172186/@unstoppable11/achievement-1-verification-through-introduction
it's true, when September comes, feeling nating mga pinoy Christmas na talaga.. ... and the cold weather sumasang-ayon rin...kaya ang haba ng celebration... nice🙂
very true maam, agree ako kasi pag-ber months na lumalamig na ang panahon and thank you po for your appreciation😊
This post has been chosen to be recommended for booming support today. Continue making quality posts here at Steemit Philippines Community. Remember to always follow the #club5050 rule for more chances of curators' upvote. Link
Show your support by delegating your steempower to our community.
Thank you very much sir for your support😊