The Diary Game Steemit Philippines Community Contest - Week 20 (10-13-2021) Happy Anniversary Mahal

in Steemit Philippines3 years ago

IMG_1634124670822.png

Sadyang kay sarap namnamin ang isang espesyal na araw ng pag-isang dibdib ng dalawang nilalang na nagmamahalan di po ba? Unfortunately, sa loob ng 30 years ng aming pagsasama ay mabibilang Ng aking sampung daliri kung kelan kami magkasama sa araw ng aming kasal.

Ito ay dahil nasa barko ang hanapbuhay ng aking asawa bilang Segundo opisyal sa isang international ship. Ganon pa man, okay lang naman sa akin dahil di naman nakakaligtaan ang nga sulat at birthday cards tuwing October 12 (na siyang uso nuon). Mas minabuti namin na sa Holidays na lang magbakasyon tuwing buwan ng Disyembre para buo ang aming pamilya o di kaya ay tuwing Graduation Day ng paaralan kung saan kaming mga magulang ay walang sawang umakyat ng entablado upang sabitan ng kani-kanilang mga medalya ang aming mga anak bilang parangal sa mga accomplishment ng mga estudyante at kabilang na kami don.

Isang masayang pagsasama na puno ng pagmamahalan na nauwi sa isang trahedya. Hindi ito naging isang happy ending bagkus ito ay naging isang malagim na bangungot. Ganun pa man, mas pinili kong magpatawad at damhin ang aming masasayang araw. Sadyang may mga taong mapag-imbot sa kaligayahan ng iba.

Ngunit, hindi na maibabalik ang nakaraan upang ituwid ang isang malaking pagkakamali. Ang masaklap pa, Kahapon, Ika-12 ng Oktobre ang araw ng aming kasal. Ang masakit ang araw ngayon, ika-13 ng Agosto ay mismo araw ng libing ng aking mahal. Para bagang sabay na ring inilibing pati na ang araw ng aming pag-isang dibdib. Masakit isipin ngunit ito ang masakit na katutuhanan.

Ang hinihiling ko na lamang ay sana tanggapin sya sa langit sa lahat ng mga kasalanan nya sa akin. At sana magkaroon na rin ng kapayapaan sa puso ko in God's time.

@Sarimanok

Sort:  
 3 years ago 

Hello ate @sarimanok 😌

Maraming salamat sa pagbahagi mg iyong diary post. Nakakalungkot isipin na ang masasayang mga araw ay biglang napalitan ng malulungkot na sitwasyon. Gayon pa man, nakasisiguro tayo na payapa na siya at nasa piling na siya ng Poong Maykapal. 😌😌

 3 years ago 

Harinawa...

 3 years ago 

Prayer sent for him Sis and sa iyo. Strong lady ka at we must accept the inacceptable. We must go on habang may buhay. Para sa hinaharap ng sunod ng generation

 3 years ago 

Thanks sis. Yes, sila lang nagpapalakas Ng loob ko.

 3 years ago 

Hello po Ate! Hindi po madali ang mga pinagdaanan nio po, pero I know in time maghihilom din ang mga sugat.

 3 years ago 

Thanks day. Sana para magkaruon din ng katahimikan ang puso ko.

 3 years ago 

Biliba jud naku nimo.sister oi bahaka ug alyasan tag drama. Baata totoo buhay nayin drama, I cant pretend na okay pag drama na ako yin na yon .

Ayaw kalimte ang kanta

 3 years ago 

Tama ka sister. Mahirap magpanggap kung Anong nararamdaman natin. Sana ok Ang signal sa Bahay mamaya. Baka mabulahaw mga kumakain dito hehe

 3 years ago 

Nakakalungkot man po ang sinapit ng inyong pagiging mag asawa sa huli Tita @Sarimanok but yung pagiging Strong Woman nyu po ang nakaka inspire despite sa mga naranasan nyu po.. I pray for your healing in your heart po 💜
Xoxo

 3 years ago 

Salamat inday Jewel. Martyr tayong matatawag sa mga dumadaan sa ganitong pagsubok. Ganunpaman, Ang mapait na karanasan Ang nagpapalakas Ng loob natin.

Coin Marketplace

STEEM 0.18
TRX 0.16
JST 0.030
BTC 65709.71
ETH 2614.52
USDT 1.00
SBD 2.69