Steemitphilippines Community Photography Contest Week4 - 09/17/21- "Covid is Real"

in Steemit Philippines3 years ago (edited)

IMG_20210917_181040.png

Ang nakaguhit sa itaas ay sariling debuho ko. Sya ay maihahambing ko sa aking bunsong babae. She has the same features ng anak ko. Ginawa ko ito gamit ng aking hinlalaki lamang via ibispaint digital painting. Ang kanyang karanasan ay sing-itim ng canvas na hindi ko man lang namalayan.

Alam nyo guys, parang na-guilty pa Ako. Kasi maglalambing sana ako para 'baon' ng anak nya kasi pasukan na nga. Kala nyo ba libre na sa baon ang mga bata dahil homebase learning modules na gamit nila? Hindi no, mas lalo nga natin sila bigyan ng pansin sa pamamagitan ng pagluluto ng masasarap at masustansyang pagkain para mas lalo silang maenganyo mag-aral ng kanilang mga modules! Kaya hayon, kinulit ko mama nya. I just want her to take part on her daughter's activities kahit nasa malayo sya. Yon bang di mapuputol bonding nilang dalawa bilang mag-ina kasi nga naghanapbuhay at nasa malayo kaya si lolay ang back-up. Ayaw ko kasi na don sya sa isang Lola nya dahil masyadong spoiled at social papa nya.Baka dumating ang panahon na hingan kami ng hindi kaya ng bulsa namin so we see to it that she will grow up within our means.

Actually, kagagaling lang ng mama nya dito at nagkaron sila ng bonding sa Bacolod at bumisita sa isang anak kong buntit then umalis sila kinaumagahan dahil inimbita sila sa isang pagtitipon (Hindi kasama ang preggy mom) Kaya hayon, parang ordinary days lang na hiningan ko sya ng pambaon kuno. Hindi kasi vocal itong anak ko hindi katulad ng nakakatandang kapatid na babae .

Alam nyo guys kung ano ang sagot nya? "Mamang, Wala akong pera ngayon dahil ang laki ng nagastos ko dahil bumili ako ng mga gamot ko gawa nong nagka-covid ako pag-uwi ko dito .." OMG! Parang sumabog ang dibdib ko! Hindi ako makahinga....

Alam nila kung gano Ako katarantada when it comes to their wellbeing kaya di nila pina-paalam sa skin ang mga ganitong sitwasyon. Mabilis naman syang nag-reply na "Don't worry Mang, am now okay" kasi bumunghalit na ako ng iyak!

Sino ba naman ang hindi nerbyosin eh, bago pa lang gumaling ang bunsoy ko! Ang ventilation sa BPO ay naka-enclosed kaya madali lang magkahawaan just in case.:( Kaya Ang laki ng pasasalamat ko na malakas ang resistensya ng mga anak ko! Tinanong ko sya kung ano ang ginawa nya nong mga panahon na yon. Heto ang sagot:

• Una, nakaramdam sya ng matinding pananakit ng ulo at ang taas ng lagnat nya. Bilang isang Nurse, alam na nya ang sintomas. May covid sya.

• Ang ginawa nya, agad sya nag self-isolate.

• Pasalamat sya at kargado na sya ng mga food supplements and vitamins Kaya ininda nya ang nakakahawang sakit na ito na halos hindi na sya makatayo.

• Sa isip nya, laban ko to at hindi ako pagagapi. Kasi sabi nga nila, it's more on psychological effects kung padadaig ka at lalo ka lamang magkakasakit!

• Ano ang ibang ininum nya? Vitamin C, juices at fresh fruits. Gaya ng Bunsoy ko, ito rin ang ginawa nila plus stronger meds para sa ubo. Meron pang isang Chinese meds. Yong bang herbal medicine na Lianhua para madali daw syang gumaling.

Ang katwiran nya, lalo daw syang magkakasakit kung isasama sya don mga may covid sa isang facility. Thanks to her ability to have presence of mind lalo na at nasa malayo ang pamilya nya. Nagpapasalamat din ako sa kanyang best friend na may beauty launge kung saan sya nag-sideline as health assistant (taga-turok ng gluta) dahil kelangan pala registered nurse mismo ang magtuturok nyang mga Mesotherapy.

More, more...

Nong medyo nahimasmasan na ako, maisip ko Ang anak kong buntis. Kaya nag-text ako, "Kumusta anak ko, malikot na ba si baby?" Agad naman syang sumagot: "Hi Mang, okay lang, medyo inuubo na lang ako pero si Frank nka-recover na after 9 days pero marami akong gamot na prescribed ni doc" kasi nag online consultation daw sya. Haaaaa??? Diyos ko po bakit nagganito at sunod-sunod ang mga pangyayari!

Pero sabi nya, palagay nya ay Hindi covid yon kasi nangyari yon after sila nagpabakuna ng Pfizer which is usually the result after the vaccination at sabay silang mag-asawa non. Sabi ng doktor, normal daw yon at itutuloy pa rin ang 2nd dose nila sa 23rd this month. Laki ng pasasalamat ko pero andon pa rin ang agam-agam.

Hanggang dito na lamang, sana ay may mapupulot kayong aral habang binabasa nyo ito. Magandang Gabi!

Nagpapasalamat,

@Sarimanok

Sort:  
 3 years ago 
CriteriaScore 0-10
Relevance to the Theme.9.7
Creativity.9.5
Technique.9.5
Overall impact.10
Story.10
Total score.9.7
 3 years ago 

Maraming salamat!

 3 years ago 

Hello ate @sarimanok 😊

Mabuhay at Magandang araw!!! Maraming salamat po sa pagbahagi nang iyong blacknwhite photography contest sa araw na ito. Ang iyong entry po ay kwalipikado para contest sa linggong ito, week 4.

Maaring bisitahin ang ating Community Account para sa karagdagang impormasyon at para sa mga rules at regulations sa ating contest.

Updated Rules and Regulations

Hindi talaga madali para sa isang ina ang hindi mag-aalala para sa kanyang anak, lalo na kapag may dinaramdam ito, salamat sa Diyos at naging mabuti na ang lahat ate 😊

 3 years ago 

Tutuo yan. Mas ako yata ang ninerbyos. Salamat sa Diyos at Di nya kami pinabayaan!

 3 years ago (edited)

God is Good talaga ate🙏

 3 years ago 

Amen!

 3 years ago 

Palayo na covid kay misuroy kog Dumaguete

 3 years ago 

Tinuod oi....nus-a pa guro ni matapos sister?

 3 years ago 

Covid is real talaga, Naranasan ko din yan bago lang. Ang symptoms lahat nasa akin na buti yong pag tatae wala. Sa house lang din us nagpagaling hindi sa facility center.

 3 years ago 

Oo sis. Parang nasa hangin na yang virus na yan. Nkktakot talaga.

 3 years ago 

Thank God ok lang sila.
Total Rating: 9.3

Coin Marketplace

STEEM 0.19
TRX 0.14
JST 0.030
BTC 59715.05
ETH 3186.24
USDT 1.00
SBD 2.42