Steemit Philippines Community Photography Contest Week 3 Theme: Filipino Culture (09-03-2021)#2: Pagdalaw sa Sumakabilang Buhay_

in Steemit Philippines3 years ago (edited)

IMG_20210903_201105.jpg

Magandang araw sa lahat! Narito po ang aking pangalawang entry kung saan ang matandang kaugalian sa pagdalaw sa ating mga mahal sa buhay na sumakabilang buhay ay isang tradisyon na naka-ukit na sa ating kultura mula pa sa ating mga ninuno lalo na sa Araw Ng mga Patay. Biglang pag-galang sa ibang relihiyon, ako po ay humihingi Ng paumanhin.

Ang pag-dalaw sa patay ay isang simbolo ng ating pagmamahal o pag-galang sa mga pumanaw na. Kalimitan nga ay ginagawa Ito bago umalis sa kanyang Lugar o Kaya ay siya ay bagong dating galing sa malayong Lugar. Bago pa lang dumating ang buwan Ng Nobyembre kung saan dinadaos ang araw Ng mga patay, marami na ang nagpa-reserba na ng ticket ang bawat Isa para maglakbay at madalaw lamang ang mga taong naging parte ng kani-kanilang buhay.

May kaugalian din na ipinagluto pa sila ng mga pagkain para 'makain' nila. Ang iba naman ay may librong daladala upang basahin sa puntod o kaya ay sa malaking krus at ipanalangin upang marating ng kaluluwa ang langit. Sinasabi kasi na ang kaluluwa ay hindi napupunta sa langit kung sya ay maraming kasalanan nong sya ay nabubuhay pa. Isa sa pinaka-mabigat na kasalanan ay ang pagkitil ng sariling buhay. Ito ay nagpabigat sa aking dibdib. Marahil alam nyo na kung bakit dahil naisiwalat ko na dito Kung ano ang nangyari sa aking panganay. Wala naman siguro kahit isa sa atin ang gustong mapunta sa impyerno ano?

Datirati, naghahanda ako tuwing death anniversary ng mga mahal ko at pumupunta naman sa bahay ang mga myembro ng aming simbahan at ang aming pastor. Habang nakikinig kami sa aming pastor ay lagi nyang pinapahiwatig na ang mga pumanaw na ay hindi kelanman magbabalik ang kaluluwa nito. Okay lang naman daw na maghanda bilang pagpaalala nong sya ay nabubuhay pa.

'Guilty as accused' naman ako. Oo nga, katawang lupa na lang naiwan sa anak ko. Ipagkakait ko pa ba ang pagdalaw sa kanila lalo na kung nakikita mo ang iba na naglilinis ng mga puntod ng kanilang minamahal na galing pa ata sa malayong Lugar, samantalang ako ay puede lang naman lakarin papunta don. Kasi nga naman, nakaugalian na natin ito at mahirap na alisin sa ating mga kaisipan. Ito ay bahagi na ng ating kultura na naka-ukit na sa ating mga Pinoy.

Palagay ko naman ay hindi ito krimen. Bagkus ito ay pagpahalaga pa rin sa ating mga minamahal na sumakabilang buhay na. Sana maintindihan ng aming simbahan ang aking saloobin.

Hanggang dito na lamang, maraming salamat sa pagbabasa Ng aking tampok. Inaanyayahan ko rin si @joshuelmari, @junebride at @jurich60 sa pagsali sa ating patimpalak. Magandang Araw sa lahat!

Ang inyong lingkod,

@Sarimanok

Sort:  
 3 years ago 
Criteria for judgingPoints 1-10
1. Relevance to the theme9
2. Creativity8.5
3. Technique8.5
4. Over all impact9
5. Quality of story9
6. Total score8.8
 3 years ago 

Maraming salamat! Mas lalo ko pong gagalingan at pag-isipan kasi ilang minuto ko lang sya ginawa. Pag nakuha nyo na ang buod ng inyong tampok ay madali nyo na itong magagawa at tuloy-tuloy na ito ngunit mas malalim at mas malapad ang makakalap kung ito ay mas pinaigting pa. Nevertheless, naipaabot ko naman sa ating mga mambabasa Ang kaibuturan ng aking paksa. Maraming salamat!

 3 years ago 

Totoo naging kaugalian ito ng most filipinos.

 3 years ago 

Oo sis. It is already rooted in our culture na mahirap alisin sa kaisipan ng mga Pilipino.

 3 years ago (edited)
Judge: @loloy2020
CategoryDetails (✅/❌)
Theme: Filipino Culture
Fully Verified
Correct Title and Tags
Used the #steemexclusive tag
At least 300 Words✅/431 Words
1 Photo per Entry
Mentioned 3 Friends
Write-ups RatingGood
Criteria for JudgingRatings/Score)
1. Relevance to the theme8.5
2. Creativity8.5
3. Technique8.5
4. Overall impact8.5
5. Quality of story9
Total Ratings/Score8.6

Coin Marketplace

STEEM 0.17
TRX 0.16
JST 0.029
BTC 76361.02
ETH 2691.91
USDT 1.00
SBD 2.44