"Secret Love"

in Steemit Philippines2 years ago (edited)

Polish_20220614_155823615.png

Bakit nga ba pagdating sa pag-ibig ay sinasalamin pa rin ang katayuan natin sa buhay? Isang nakakatawang-nakakainis ang aking karanasan nong ako ay nasa aking kabataan pa kung saan uso pa ang "bridge" o tulay na tagahatid ng sulat kesa ihuhulog mo pa ito sa Post Office na aabutin Ng siyam-siyam bago pa ito makarating sa iyo. Kaya heto, may nagpadala ng sulat sa kanyang nililiyag via sulat at ang kanyang best friend pa mandin ang tagahatid. Ang di alam ni guy at lihim na itinatangi ng kaibigan ang babaeng kanyang nililigawan. Kaya ang nangyari, sya ang tinatanong ng babae parte sa kanyang manliligaw at sya rin naman ang nagpapaliwanag sa mga kapalpakan nito.

Kaya ayon, mas matagal pa silang mag-usap nong babae kesa nanligaw sa kanya. Eh Kasi po, ako ang babaeng ito. Hahaha. Kaya ganon na lang Ng ganon ang nangyayari! Malay ko na naman na may "crush" din pala sa akin ang friend ko na best friend nya!

Nag-alangan pala sya kasi nga magkaibigan Kami, sabay na lumaki at magkapitbahay pa at memoryado na namin bawat isa ang mga ugali namin! Ang kanyang best friend naman ay campus figure at pareho kaming athlete at varsity scholar ng school namin kaya ganon na lamang ang kanyang insecurities sa katayuan niya . Ako naman ay walang kamuwang-muwang sa kanyang saloobin at nasabi ko na ayaw ko sa mas maganda pa sa akin at maraming kakompetensya dahil maraming may gusto sa kanya! Sa pagkarinig nya ay nabuhayan sya ng loob at biglang nasambit na "Ako na lang Kasi".... Lumaki ang aking mga mata nang marinig ito kaya tiningnan ko sya ng pailalim. Sabi ko na nga ba eh at magagalit ka Kaya sinarili ko na lang ang "secret love" ko sa'yo at wala akong panama sa best friend ko! Wala kaming imikan na naglakad habang tinimbang-timbang ko ang mga pangyayari. Ako'y naawa sa kanya ngunit hanggang kaibigan lang talaga ang turing ko sa kanya. Sinabi ko sa kanya iyon at tinanggap naman nya at sana raw ay magkaibigan pa rin kami. Oo naman, hangad ko din na makakita ka ng babaeng magmamahal sayo ng tapat sabi ko.

Taon 2016, nagkaroon kami ng class reunion after 46 long years! Ang saya-saya namin!Sinong mag-aakala na uuwi sila galing sa labas para lang magkita-kita Kami. Nagkita din kami at nagkumustahan. Hanggang ngayon ay binata pa sya.

Hanggang dito na lamang ang aking kwento at sanay nagustuhan ninyo. Maraming salamat!

Ito ang aking entry para sa Fictional Writing Contest. Ang mga nakasulat sa taas ay kathang isip lamang po gamit ang aking karanasan sa buhay.

Inaanyayahan ko si @caydenshan, @jewel1989 @amayphin na lumahok sa patimpalak na Ito

Ang inyong lingkod,

@Sarimanok

Sort:  
 2 years ago 

Galing namn po hehehe

 2 years ago 

Thanks dear!

 2 years ago 

Ang galing naman ate..

 2 years ago 

Thank you!

 2 years ago (edited)

Sounds familiar...hahaha..nice flash-fiction story sis..SECRET LOVE...hahaha

 2 years ago 

Oo sis. Simple Lang Kasi buhay non

 2 years ago 

Aguy, hindi nakalimot at hindi naturuan ang puso na magkagusto sa iba.

 2 years ago 

ayay binata padin pala sya..hehe pero kathang isip lamang eto

 2 years ago 

Haha Mahal pa rin si girl...

 2 years ago 

Hala bakit kaya binata pa siya hanggang ngayon? Kawawa naman....

 2 years ago 

Kakilig Naman habang nagbabasa Ako. At Binata pa Hanggang Ngayon.

 2 years ago 
StatusRemark
Club status#club5050
#steemexclusive
Verified member
Not using bot
Word Count447 words
Plagiarism Free
Delegator

Luzon Mod,
@junebride

 2 years ago 

Kasi boss, mahirap turuan ang pusong nagmahal ng tapat.:)

 2 years ago 

d pa naka move on Ate si boy kaya d pa nag asawa. hehe

 2 years ago 

Oo nga eh, sinayang nya ang kanyang kabataan. Kung matuturuan nga din lang ang puso ano.

Coin Marketplace

STEEM 0.18
TRX 0.14
JST 0.029
BTC 57849.42
ETH 3122.29
USDT 1.00
SBD 2.43