Steemit Philippines Photography Contest Week 3 || Ang Debosyon, Pananampalataya at Pagiging Madasalin ng mga Pilipino

in Steemit Philippines3 years ago

Magandang araw po sa lahat lalo na ky sir @loloy2020, sir @juichi, @fycee at @long888. Heto po ang aking entry para sa " Filipino Culture Photography ".

Tayong mga Pilipino ay likas na mayaman sa Kultura. Mayroon tayong ibat-ibang kultura na pasalin-salin mula pa sa sinaunang henerasyon hanggang sa kasalukuyan. Ang mga ito ay siyang tatak at simbolo ng ating tunay na pagka Pilipino, isang patunay na ang " Kulturang Pinoy " ay bukod tangi sa lahat at walang kahalintulad.

IMG_20210109_202228.jpg

Isa sa mga kultura nating mga Pilipino ay ating natatanging debosyon, panampalataya at pagmamahal sa Poong Maykapal. Likas na sa ating mga Pilipino ang pagiging madasalin sa lahat ng oras at kahit saan mang lupalop ng mundo tayo mapadpad ang ating debosyon at pananampalataya ang siyang palaging nagbibigay sa atin ng lakas ng loob anumang sitwasyon ang ating kinakaharap. Kahit sa kasiyahan man o kalungkutan tayong mga Pilipino ay nananalangin higit lalo sa kahirapan na ang tanging sandalan natin ay ang ating pananampalataya at paniniwala na lahat ng paghihirap ay lilipas din sa awa ng Diyos at sa pamamagitan ng pansariling pagsisikap.

Ako po ay taga Cebu at bilang isang Cebuano ipinagmamalaki ko po ang aking debosyon at pananampalataya para sa batang Niño o Sñr. Sto Niño, ang patron saint ng Cebu. Lahat ng mga debotong Cebuano, ang Batang Niño ang aming takbuhan at sandalan sa oras ng kalungkutan, kahirapan, panghihina ng loob at katawan at maging sa kasiyahan man. Sa kanya kami nananalangin para sa kaligtasan ng aming pamilya at mga mahal sa buhay. Sa loob ng siyam na araw bago ang kanyang kapistahan sa ika-3 linggo ng Enero, lahat ng mga deboto at nananampalataya ky Sñr. Sto Niño ay sabay-sabay na nanalangin sa Basilica Minore del Sto. Niño na tinatawag na " Novena Mass " at dito ipinapahayag namin ang aming pasasalamat sa kanya sa lahat ng biyayang ipinagkaloob nya sa amin. At sa araw ng prosesyon, libo-libong deboto ang nagsasama-sama para sa " Solemn Procession ", isang palatandaan ng malalim na debosyon ng mga tao, Cebuano man o hindi.

Ang debosyon at pananampalataya sa Diyos ay higit na nangingibabaw sa puso ng bawat Pilipino. Isang nag-aapoy na Kulturang Pilipino na nararapat lang na ipamana sa mga kabataan ngayon at mga kabataan sa susunod na henerasyon. Isa itong mahalagang kultura ng mga Pilipino na dapat hindi mawala sa bawat puso ng mga Pilipino kahit dumaan man ang maraming taon.

" Sa suliranin at hirap ng buhay, Sipag at Pananampalataya ang ating kaagapay "

100% Pinay,
@saneunji

Nais ko ring imbitahan sina:

@jenny018
@mariarosa27
@aziel29

Sort:  
 3 years ago 
Criteria for judgingPoints 1-10
1. Relevance to the theme8
2. Creativity8
3. Technique8.5
4. Over all impact8
5. Quality of story8
Total score8.1
 3 years ago 
Judge: @loloy2020
CategoryDetails (✅/❌)
Theme: Filipino Culture
Fully Verified
Correct Title and Tags
Used the #steemexclusive tag
At least 300 Words✅/417 Words
1 Photo per Entry
Mentioned 3 Friends
Write-ups RatingGood
Criteria for JudgingRatings/Score)
1. Relevance to the theme8.5
2. Creativity8
3. Technique8
4. Overall impact8.2
5. Quality of story8.2
Total Ratings/Score8.18
 3 years ago 

Ang madasaling tao ay biniyayaan ng maraming biyaya mula sa Panginoon. Godbless you kaibigan.

 3 years ago 

Hello po,

Maraming salamat sa pagsalit sa ating Photography Contest Week 3 with the Theme: Filipino Culture.

Sana ay masaya ka dito sa ating Community at maging aktibo pa po kayo sa pagbahagi nang iyong mga posts.

Sa karagdagang Impormasyon, paki bisita po ang ating Community Account at Social Media Accounts.

God Bless po!!!

Coin Marketplace

STEEM 0.17
TRX 0.16
JST 0.029
BTC 75897.42
ETH 2690.17
USDT 1.00
SBD 2.44