Steemit Philippines Community Photography Contest Week 4 | Theme: Black and White Photography: Para Kanino ka bumabangon? by: @rye143

in Steemit Philippines3 years ago
Kumusta mga ka steemit? Mga kababayan? Dasal ko na kayo ngayon ay nasa mabuting kalagayan at masaya kasama ang mga kaibigan at mga mahal ninyo sa buhay. Ngayong araw na ito ay mababasa ninyo ang unang entry ko sa contest ng community na ito.

1.jpg

Ipinakikila ko sa inyo ang nagpapalakas at nagbibigay dahilan sa akin para lumaban. Ang aking asawa at anak.

Araw araw ay isang malaking biyaya sa atin ng Diyos. Sa panahon natin ngayon na may pandemya, isa nang kapanatagan sa ating kaluoban ang pagiging lisgtas at masigla ng ating mga minamahal sa buhay. Marami man tayong pinagdadaanan, ilang beses man tayo nabigo at nasaktan at kahit ilang unos ng buhay pa ang magpapatumba sa atin, lagi at lagi tayong may rason para bumangon. Ikaw ba? Para kanino ka ba bumabangon?

Sa buhay ko, di ko na mabilang kung ilang beses akong nangarap at normal lang sa atin yan bilang libre naman mangarap. Makapangibang bansa, mabili ang lahat kong gusto mabili, makapagtravel around the world, at marami pang mga makasariling pangarap. Pero totoo nga na ang gusto mo ay hindi laging gusto din ng Diyos para sa iyo.

Nung dumating ang asawa at anak ko sa buhay ko, saka ko lang narealize na hindi naman kailangan ang marangyang buhay para maging masaya. Hindi mo naman kailangan libutin ang buong mundo para masabi mo na kontento ka na. Mas mayroon pang mga malalalim pang mga magiging dahilan na masasabi mo na masaya at kontento ka na sa buhay.

Iyong isang ngiti lang ng anak ko sakin parang ang gaan na ng lahat. Isang tawag lang nyang "mama" parang tatalon din ang puso ko sa saya. Iyong matagpuan mo ang taong tanggap ka kung ano at sino ka. Inaalagaan, minamahal at nirerespeto ka ay mga bagay na hindi kahit ano man mabibili ng pera o matutumbasan ng kahit anong halaga.

Ngayon, hindi ko man abot lahat ng gusto ko pero masasabi ko na kontento na ako. Sabay namin ng asawa ko abutin ang mga naudlot naming mga pangarap ng sabay at magkasama. Sabay kami babangon para sa isang tao na umaasa sa amin, ang aming anak.

Huwag natin kalimutan na magpasalamat sa mga maliliit at lalo na sa mga malalaking biyaya na ipinagkakaloob sa atin ng Diyos. Mananatili syang unang una mong masasandalan sa lahat ng panahon.

Dasal ko ang kaligtasan nating lahat. Maraming salamat sa nagpasimuno ng community na ito at mga taong walang pakundangang nagsisikap para sa ikakabuti ng lahat ng mga myembro. Sa inyo sir @loloy2020, @fycee, @juichi, @long888, maraming salamat!

Inaanyayahan ko ang mga kaibigan ko @jenesa @kyrie1234 @christianyocte para magsubmit ng kanilang entry.

Hanggang sa susunod ulit mga kababayan!

10% ng magiging kita ng post na ito ay mapupunta sa @steemitphcurator

Sort:  
 3 years ago 

wow! nindota oy. naa nay family.❤️

 3 years ago 

Hapit na nga Chan! kunting kembot nlng

 3 years ago 

Totoo Sis. ang ating pamilya ang dahilan ng mga bagay na mga ginagawa natin. Everything for them. Sa kanila na umiikot ang ating mundo.

Maraming salamat sa pagbahagi at ingat palagi.

 3 years ago 

Salamat sa pagdaan sa post ko at pagcomment!

 3 years ago 
CriteriaScore 0-10
Relevance to the Theme.8.5
Creativity.8
Technique.8
Overall impact.8.5
Story.8.5
Total.8.3

Maraming salamat sa iyong paglahok sa contest na ito.

 3 years ago 

Salamat po!

 3 years ago 
Judge: @loloy2020
CategoryDetails (✅/❌)
Theme: Black and White Photography
Fully Verified
Correct Title and Tags
Used the #steemexclusive tag
1 Photo per Entry
Mentioned 3 Friends
Write-ups RatingGood
Criteria for JudgingRatings/Score)
1. Relevance to the theme9.2
2. Creativity8.5
3. Technique8.5
4. Overall impact8.8
5. Quality of story9
Total Ratings/Score8.8
 3 years ago 

Salamat po!

 3 years ago 

Hello po,

Maraming salamat sa pagsalit sa ating Photography Contest Week 4.

Sana ay masaya ka dito sa ating Community at maging aktibo pa po kayo sa pagbahagi nang iyong mga posts.

Sa karagdagang Impormasyon, paki bisita po ang ating Community Account at Social Media Accounts.

New Contest Alert:

God Bless po!!!

 3 years ago 

Noted po. Salamat!

 3 years ago 

Our family is really the main reason why we fight. Let's keep ourselves strong and healthy!
Total rating: 9.1

Coin Marketplace

STEEM 0.30
TRX 0.12
JST 0.033
BTC 64344.02
ETH 3142.36
USDT 1.00
SBD 4.01