"The diary Game season 3(Sept 6,2021)Second Dose Vaccine"

in Steemit Philippines3 years ago

HELLO mga kabayan ko from luzon, Visayas at Mindano at sa lahat ng mga leaders dito sa steemitph magandang araw po. Simula na naman ng diary game contest season 3 at ito ang aking naisip na magiging entry.

received_1056922188411784.jpeg

Ngayong araw ang schedule ng aking second dose vaccine. Sa Mactan New town Center kasi ang venue at medyo may kalayoan din mula sa bahay kaya maaga akung gumising. Mahal ang pamasahe at sayang kaya minabuti kong sumabay nalang sa aking asawa para makatipid. Maaga kasi syang papasok sa kanyang trabaho kaya alas 5 ng umaga ay bumyahe na kami may motor kasi sya. Siniguro naming hindi siya malate sa kanyang trabaho dahil medyo may kalayuan pa din ang kanilang kompanya. Pagdating ko sa Mactan New town facility mga 5:30 wla pang mga frontliners masyado pang maaga para magsimula. Pumunta na muna ako sa labas para kumain ng almusal pagbalik ko ay pangtatlo ako sa unang dumating. Mga pasado alas 7 may dumating na gwardiya at tinanong namin anong oras magsisimula sabi 8.am pa. Medyo mahaba haba din ang oras na aking inantay lampas alas 8 na bago nagsimula.

received_223799299761905.jpeg

Ang nasa litrato ay kuha noong nasa loob na kami at medyo mataas ang aking BP kinabahan kasi ako. Haka haka kasi sa amin na may namatay daw sa second dose kaya panay ang aking kaba. And when I prayed to almighty God all of my doubt and fear was gone.

received_2641055376039718.jpeg

Nakakuha din ako ng picture saktong iturok na ang bakuha medyo kinabahan ako. Masakit at makirot nanglamig kamay ko sabi ng nurse wag gamitan ng lakas para hindi sumakit. Pagkatapos ay pinapunta kami sa step 5 para i monitor ang BP after 15mins kung okey na ay pwede na umuwi.

Sa aking pag uwi ko ay may nadaanan akong matanda sa daan. Saktong bumili ako ng tinapay binigyan ko siya naawa kasi ako naalala ko si lola sa kanya.May isang ring babae lumapit at nag abot ng pagkain at nakikita ko sa kanyang mukha ang labis na tuwa. Masarap sa pakiramdan na nakatulong tayo sa ating kapwa.
At hanggang dito nalang ang aking diary sa araw na ito.

Quote of the day "Only by giving you are able to recieve more than you already have" By:Jim Rohn

Inimbitaham ko si mam @fabio2614, mam @abby0207,mam @kyrie124 na sumali at maraming salamat.

Truly your's @rose0128

Sort:  
 3 years ago 

Maraming salamat po sa pagbahagi nang iyong Diary Game post.

Sa karagdagang impormasyon, paki bisita po ang ating Community Account at ibang Social Media Accounts.

God Bless po!!!

 3 years ago 

Copy po sir.salamat

 3 years ago 

This post has been rewarded by @steemcurator08 with support from the Steem Community Curation Project.

Follow @steemitblog to get info about Steemit and the contest.

Anroja

 3 years ago (edited)

Thank you so much

Coin Marketplace

STEEM 0.28
TRX 0.12
JST 0.033
BTC 61691.46
ETH 3047.50
USDT 1.00
SBD 3.88