Steemit Philippines Photography Contest Week #5-Pilipino Food photography(adobong manok)

in Steemit Philippines3 years ago (edited)

Magandang araw po at hanggad ko ang kaligayahan at kapayapaan nating lahat. Ito ang aking unang entry sa patimpalak na ito.

Kapag pagkain ang pag uusapan mukhang magugutom ako lalo na makikita ko dito sa ating cummunity ang ibat ibang putahe. Dahil jan bubusogin ko kayo sa aking lutong adobo.
Adobong manok lang malakas ito ang aming nakasanayan banggitin kapag ang ulam ng aming mga kasamahan sa trabaho ay adobo.

20211008_165734.jpg
Adobong manok ay isa sa paborito kong ulam simula bata pa at hanggang ngayon ito'y the best sa aking panlasa maging ng aking pamilya ay paborito itong adobong manok. Pilipino kang tunay kung alam mo itong adobong manok. Dito sa Pilipinas ang adobong manok ay isa sa pinaka popular na pagkain at hindi mawawala sa karendirya maging sa handaan ito'y nauuna. Bakit kaya masarap ang adobo noh. Dahil ba sa maalat alat nitong lasa at may pinaghalong tamis na tunay namang gusto natin. Maging ako man ay hindi maitatangging kapag ito ang ulam mapaparami ako ng kain. Bukod sa mura ang kilo ng manok ito'y madaling lutoin. Sisimulan ko na ang detalye sa pagluluto.
20211007_171203.jpg
Bumili ako malapit lang kung saan kami nakatira. Nabili ko ang isang kilong manok sa halagang 160 php.

INGREDIENTS
Manok 1kl
Tuyo
Suka
Bawang
Onion
Brown sugar
Chicken cube
Kunting asin
Paminta
Hiwain ang manok at hugasang mabuti. Unang una painitin ang kawali ,maglagay ng kunting oil ilagay ang bawang .Hintaying maging golden brown at pwede ng ilagay ang sibuyas.

20211009_085727.jpg

Kasunod ng sibuyas ay manok lagyan ng kunting tubig,suka at tuyo na rin. Antaying kumulo ilagay ang chicken cube ,paminta at haluin ng mabuti hanggang sa matunaw ang cubes. Bakit ko hinalu ng hindi pa naluto ang manok para mag absorb sa laman ang mga ingridients nito.
20211008_173816.jpg
Takpan at leave it untill 20 mins hanggang sa lumambot ang manok. Pagkatapos ay maglagay ng kunting asukal gusto ko ay may pinaghalong tamis alat at asim. Kapag kulang sa alat asin na ang idagdag wag ng tuyo. Tikman at kung tama na sa lasa pakuluang muli hanggang sa lumapot at pwede ng i serve. Talaga namang na enjoy ng aking pamilya ang aming pinagsalohang hapunan.
Sa isang kilo na aking niluto ay may natira pa pang ulam namin bukas.

@fabio2614 @kyrie1234 @abby0207

Hanggang dito na lang muna at sa susunod na naman ng aking diary. Maraming salamat pala sa pagdalaw at paglaan ng oras sa pagbasa. 20% ng aking kita ay mapupunta kay steemph.

Sumasainyo, rose0128

Sort:  
 3 years ago 

Kalami..

 3 years ago (edited)

Lami judt sir. Hehehehe basta dili pinadagan nga pagkaluto ..

 3 years ago 

sakto jud na. di lang ko kamao 😆

 3 years ago 
Judge: @loloy2020
CategoryDetails (✅/❌)
Theme: Filipino Food Photography
Fully Verified
Correct Title and Tags
Used the #steemexclusive tag
At least 300 Words
set @steemitphcurator 20% benefactor
Mentioned 3 Friends
Write-ups RatingGood
Criteria for JudgingRatings/Score)
1. Relevance to the theme9.5
2. Creativity9.5
3. Technique9.5
4. Overall impact9.5
5. Quality of story9.5
Total Ratings/Score9.5

Isa sa akong paborito nga sud.an...lamian kaayo...

 3 years ago 

Thank you sir loloy

 3 years ago 

Judge: @juichi

Criteria for judgingRate 0-10
1. Relevance to the theme.9.7
2. Creativity.9.6
3. Technique.9.7
4. Overall impact.9.7
5. Story quality.9.6
Total9.66
 3 years ago 

Thank you sa score sir juichi

Coin Marketplace

STEEM 0.15
TRX 0.16
JST 0.028
BTC 68787.57
ETH 2439.22
USDT 1.00
SBD 2.34