Diary Game season 3|october 02, 2021| "Pamimili sa mall at pagkuha ng mga produkto"
Hello!! Magandang buhay po sa lahat ng aking mga kapamilya dito sa steemit philippines. Ito ang aking ikalawang entry.
Bilang isang ina kailangan kong kumita para sa pangangailangan ng aking mga anak. May trabaho ako at the same time nagbibinta rin ako ng Personal Collection Product pandagdag sa aming araw araw na gastosin. Ito ang araw na pupunta ako sa opisina para kukuha ng mga orders.
Pagka tapos ng aking trabaho 5 ng hapon sinundo ako ng aking asawa at dumiretso na kami sa opisina. Dumating kami 5:30 na at salamat may naabotan pa kami kunti nalang ang tao at parang malapit ng mag sara. Mas gusto ko rin namang ganito kunti lang ang tao para iwas sa sakit na nakakahawa lalong lalo may mga bata kaming kasama sa bahay mas madali ring matapos ang transaksyon.
Pagkatapos ay sa UNITOP MALL na naman kami magtungo bibili ako ng pang regalo sa binyag bukas. Pinili ako ng aking kaibigan bilang ninang ng kanyang anak. Mas makakatipid ako dito dahil mura lang kumpara sa ibang mall bumili na rin ako ng aking masusuot bukas. Halos luma na lahat ng aking damit simula ng nagkapandemic hindi na ako nababili ng bago ngayon palang.
Pagkapasok namin sa mall ay pumili na agad ng mga damit tinulungan na rin ako ng aking asawa medyo nahihirapan ako sa pagpili dahil parehong magaganda.
Naabotan kami ng kalahating oras sa pagpili at mukhang may nagustohan na ako. Dalawang pares kulay berde at puti kasama na sa pares ang short. Gusto ko ito'y kulay na ito dahil hindi masakit sa mata bagay talagang susuotin ng bata.Ito ang aking mga nakuhang produkto at balik tayo sa PC o personal collection. Maganda ang kanilang systema sa pagbibinta dahil kanila itong pinapautang at isang buwan bago babayaran para hindi masyadong mabigat sa bulsa bukod dito mura at epektibo pa. Hehehe
Ito rin ang aking mga binili kanina may kasamang cute na bag lalagyan ng regalo.
Hanggang dito nalang ang aking diary sa araw na ito. 20% sa kita ko dito ay para kay steemitph Salamat sa pagbasa at pagbisita.
Inimbitahan ko si mam @fabio2614
Mam @abby0207 mam @kyrie1234 na sumali sa patimpalak maraming salamat sa pagtanggap at Godbless po.
Manunulat,rose0128
Maraming salamat po sa pagbahagi nang iyong Diary Game post.
Sa karagdagang impormasyon, paki bisita po ang ating Community Account at ibang Social Media Accounts.
God Bless po!!!
Maraming salamat po .
This post has been rewarded by @steemcurator08 with support from the Steem Community Curation Project.
Follow @steemitblog to get info about Steemit and the contest.
Anroja
Thank you po