SHOW ME YOUR TALENT CONTEST/ ANG AKING TALENTO|PAGLULUTO
Mabuhay!!! Hello po sa lahat ng steemians. Sana po ay nasa mabuti po tayong lahat habang binabasa ninyo ang aking liham. Gusto kong sumali sa isang contest. Ang aking talento ay pagluluto.
Ito ang aking talento, marunong po akong mag bake. Marunong din po akong magluto ng ibat ibang uri ng delicacies.
Isa po ito sa mga delicacies dito po sa pilipinas. Ang tawag po namin dito ay palitaw. Madali lang po itong gawin, puede ninyo po itong e try sa bahay ninyo po. Ang mga ingredients po nito ay:
•glutinous rice
•tubig
•niyog
•asukal
•food coloring
•sesame seeds pero optional lang po ang paglagay po nito.
Nkapagluto din po ako ng pizza.
Ito po ay banana cake. Madali lang din po itong gawin, puede din pong gawin sa bahay at saka affordable. Maliit lang ang halaga puede kayong makapagluto sa bahay ninyo po.
Dynamite
Ako lahat ang nagluto nito noong kaarawan po ng anak ko masaya po ako sa paghahain ng mga pagkain sa aking mga pamilya. Ang aking talento ay nakuha ko sa aking ina dahil marunong din po siyang magluto. We are a cooking lover.
THE WAY TO HIS HEART IS THROUGH HIS STOMACH
eat are always
the best people"
by : julia child
ito po yong niluto at na eshare ko po sa steemfoods... isa po ito sa mga naluto ko po.
Masaya po ako sa aking talento na binigay ng maykapal sa akin. At gusto ko po ibahagi din sa ibang tao ang aking talento. Minsan din naisipan ko din pong mag negosyo,magluto ng ibat ibat mapagkakakitaan pero hanggang isip lang po. Kasi wala po akong puhunan kaya hanggana isip nalang po ako. Sana dumating yong panahon na ibigay ni Lord po yong pagkakataon na iyon malugod ko pong tatangapin. At saka maliit pa po yong anak ko at makulit din kaya kailangan ng pag aalaga at atensiyon. Kasi yong bahay namin nasa gilid lang ng kalsada kaya natatakot ako baka di ko namalayan nasa gitna na siya ng kalsada. Malikot talaga ang anak kaya , siguro sa tamang panahon ibibigay ni Lord po iyon.
Ito po yong anak ko na mlikot at makulit na mahal na mahal ko. Mahal ko ang mga anak ko.
Hanggang dito na lamang po, hanggang sa susunod ko po na vlog.Maraming salamat po sa inyong lahat sa walang awang pagsupurta nyo po sa akin. Sana patuloy ninyo po akong sopurtahan sa aking paglalakbay sa platform po na ito. Pagpalain po kayo ng maykapal. Maraming maraming salamat po sa inyong lahat.
Naglilingkod,
@richel
Maraming salamat sa pagsali. Good luck! Ang galing mo mgluto .
maraming salamat din po....