Show Me Your Talent Contest #02
Munting Pangarap (Pangako ng isang anak)
Sa munti kong isipan
Madami akong katanungan
Na di ko alam kung ano ang kasagutan
Ang sabi ni ina ,
Anak ano ang iyong iniisip
Na sa gitna ng gabi ikaw ay nakasilip
Kadalasan ang musmos kong katauhan
Madaling tumanggap ng ano mang kasagutan
Basta't sa puso ko ito ay nararamdaman
Ang lagi kong sinasabi ng ako ay musmos pa
Gusto kong maging karapat dapat sa paghihirap ni ina at ama
Tapusin ang edukasyon na tanging yaman ng aming pamilya
Yan ang mga katagang nakaukit na sa aking isipan
Na hanggang sa pagpanaw ni ama
Ipinabaon ko sa kanya
Ang isang pangakong pinanghawakan ,
Na hanggang wakas ay di makakalimutan
Pangakong katuparan
ng aking munting pangarap.
Salamat sa pagbibigay ng oras s sa aking munting pangarap.Kundi dahil sa aking mga magulang,ang munting pangarap na ito ay hindi ko mararating.Salamat sa kanila na patuloy na gumabay at sumoporta sa akin.Hinding hindi ko po makakalimutan na may isang musmos na nangarap,nagsumikap kaya ngayon naabot nya ang pangakong pangarap.
Nagmamahal❤️
Amorequeen
@reginecruz
Meaningful ang entry talent mo Sis.
Wala daw siya talent sa poetry oh..Galing mo nga sis. God speed!
Galing ng pagkagawa mo sister, maraming salamat.