Happy Valentines Mama

in Steemit Philippines2 years ago

IMG_20220214_120807.jpg
Dear Mama,
Araw-araw kong ninanamnam ang pagmamahal mo. Mula noon hanggang yung mama kong kilalang magmahal ay hindi nagbabago. Alam mo bang habang mag-isa kang bumubuhay sa amin ay ramdam namin ang pagod na dala mo. Kaya naman tuwing recognition ko sa paaralan noon ay sinisegurado ko na maging honor student ako kasi yun lang ang alam ko na makapagpasaya sayo. Tuwing hating gabi, rinig ko ang bawat hagulhol sa pag-iyak mo habang sinasambit ang mga salitang " gang sana kung buhay ka pa, hindi sana magkaganito".
MGA PANAHON NA UMIYAK KA MA

  1. Sa panahon na tuwing hihingi kami ng pera at hindi mo maibigay. Ramdam ko ang panliliit sa sarili panahon iyon kasi akala mo wala kang silbi sa amin pero nauunawaan ko ang panahong iyon ma.
  2. Sa panahon na wala kaming makain noon. Agad kang pumunta sa kusina sabay sabi na may nakapasok sa mata mo yun pala ay iiyak ka.
  3. Sa panahon na may nagawa kaming kasalanan. Tuwing hampas mo ng iyong sinturon sa aming likuran ay sabay ka ring iiyak sa amin na akala namin ikaw yung tinamaan kasi ang lakas mo pang uwiyak kaysa sa amin.
  4. Sa panahon na sinasagot ka namin kase ramdam mo na hindi ka namin nirerespeto at binabastos.
    I LOVE YOU MA
  5. I love you MA dahil hindi ka sumusuko sa aming beyond all the mistakes na ginawa namin ng mga kapatid ko.
  6. I love you MA dahil minahal mo kami nang higit pa sa iyong sarili.
  7. I love you MA dahil matapang mo hinarap ang mga hamon sa buhay'ng mag -isa mo kaming binubuhay.
  8. I love you MA dahil hindi ka naging mahina sa mga panahon na mahina kami.
  9. I love you MA dahil natuto kaming mag-mahal at rumespeto sa ibang tao.
    Salamat sa lahat mama at para sa amin ikaw ang pinaka the best mama in the world. Laking pasasalamat ko sa Panginoon na binigyan ako ng ina na sobrang magmaha. Dumaan man ang maraming ARAW NG MGA PUSO ikaw parin ang valetina ko. HAPPY VALENTINES MAMA.
    Nagmamahal: Your Son
Sort:  
 2 years ago 

hala oi ka wow.. au untag ani pud ako anak dong oi🥰

 2 years ago 

Don't worry God is on the move.💖💖God bless po

 2 years ago 

nakaka touch naman po. mahalna mahal talaga kayo ng mama mo lods. salute sa mama mo.
ano ba yan naiiyak ako. dami ko dinkasi pagkukulang sa mama ko. dami kong kasalanan sa kanya

 2 years ago 

Salamat po. That's my mama at mahal din namin cya.💖

Coin Marketplace

STEEM 0.21
TRX 0.12
JST 0.029
BTC 66303.73
ETH 3592.29
USDT 1.00
SBD 2.61