Bagong Taon, Bagong Pag-asa

in Steemit Philippines2 years ago

images (19).jpeg

Bawat putok ng pikulo may bagong pakulo. Bawat sindi kwetis sumisimbolo ng buhay na bagong bihis. Maging ang mesa ay punong-puno ng handa na kung saan ang bawat kapamilya ay nagsalu-salo habang nagkukukwento. Ang iba ang naghihintay hanggang alas dose upang mapagmasdan ang bagong umaga na may dalang pag-asa na sana ngayong 2022 lahat ng mga panalangin ay makamit.
Bagong taon at bagong pag-asa ang naghihintay sa atin ngayong taon. Alam namin nating lahat na yung din ang hinihiling ng bawat isa. Bawat pasabog ng mga paputok ay mga bagong pasabog at surpresa sa atin na naghihintay nating lahat unahan ng ating paglalakbay dito sa mundo. Maaring positibo katulad ng promotion sa trabaho, nakakapagtapos ng kolehiyo, nakatanggap ng mamahaling regalo galing kay ninong at ninang, nanay at tatay, kaibigan o di kaya galing kay jowa. Maari ding negatibo pero dapat speak life tayo ngayong 2022.
Bago kalimutan ang 2021 ay laking pasasalamat natin sa Poong Maykapal sapagkat lahat ng mga pagsubok mula sa buwan ng Enero hanggang Desyembre ay napagtagumpayan. Nakayanan ang bawat pasakit dulot ng pandemya. Maaring tumulo ang mga luha sa panahong ito pero hindi ito ang dahilan ng pagsuko at hindi na magpatuloy sa buhay. Maraming buhay ang nawala dulot ng COVID-19 pero ito parin tayo nagdiwang ng bagong taon kasama ang paniniwalang may pag-asang naghihintay sa atin ngayong taong 2022.
Sa gitna ng laban natin sa kinakaharap ay laking pasasalamat natin sa ating napakabuting Dios na hindi tayo iniwan. Patuloy siyang nagbigay lakas ng loob upang harapin lahat ng hamon ng mga sa buhay. Without His almighty strength and empowerment it is impossible reach the year 2022. So that, we are more than conqueror because He our God is victorious. To God be all the glory.

Sort:  
 2 years ago 

This post has been chosen to be recommended for booming support today. Continue creating high-quality content here at Steemit Philippines Community.
Remember to always follow the #Club5050 rules for more chances of curators' upvotes.

Dont forget to put 20% beneficiary to steemitphcurator. Enjoy posting and have a good day.

 2 years ago 

I am beyond grateful and thankful to be chosen. I promise to create more inspiring writings to inspire others. Thank you and God Bless

Coin Marketplace

STEEM 0.20
TRX 0.12
JST 0.028
BTC 64294.34
ETH 3494.87
USDT 1.00
SBD 2.54