The Diary Game Steemit Philippines Community Contest Week 21 | Let's make @steemitphcurator as 20% Benefactor (11-09-2021)Muntik Akong Nahulog sa Rooftop

in Steemit Philippines3 years ago (edited)

Labis ang aking takot sa simula ng umaga, ako ay umakyat sa rooftop. Kadalasan kong ginawa ito dahil sa pagkukuha ng larawan magamit ko sa pagsusulat. Araw-araw kasi iba-iba ang tema ang pagsikat ng araw at paglubog. Sa ginawa kong ito ay muntik akong lumubog sa araw na ito. Baka kung nahulog ako ay sasabihin na ako ay tumalon. Kahit sa totoo kong bubay, kahit nasa puno ng pagsubok ay hindi ko rin kayang tumalon para putulin ang buhay ko. Sa nangyari kaninang umaga mapaluha ako at daming bagay pumasok sa isipan ko. Kung ako ay nawala kanina, wala along magawa at hanggang doon lang. Pero narito ako, buhay at hudyat na dapat kung ipagpatuloy ang buhay.

inbound1570983520021166607.jpg

Ito ang hagdanan na bakal para sa pinakataas na bahagi ng bahay . Siguro mga 20 talampakan ang taas nito patungong ground floor. Noong muntik akong nahulog, nakuha ko lang maisip na magkuha ng larawan para mainahagi ko sa inyo ang buong pangyayari.

Ito g hagdanan, pumasok sa izipan ko na sa buhay natin, kung kaya mong umakyat papuntamg taas ay kaya mo rin bumaba.

inbound768240070454973322.jpg

Hindi ko alam na ang pagbaba kong iyon ay muntik akong mahulog. Naipit ang damit ko da may bakal sa taas na naging sanhi sa aking pagka out balance.

inbound880945219332212828.jpg

Itong paa ko na humahakbang sana pababa ngunit a g damit ko sa likuran ay nasagi sa may bakal.

inbound796853391139238524.jpg

Napaupo ako at ang lakas ng kaba at kabog ng dibdib ko. Paa o kung nahulog ako? Bakal na may kalawang pa naman . Nagpasalamatvako sa Diyos na hinawakan niya ako.

inbound895460629676511226.jpg
Ito yong position ko habang paakyat pa .

Ang pagsikat ng araw

inbound7056733549891582261.jpg
Ang unang minuto pagsikat ng araw.

inbound8408216869145327512.jpg

Maya-maya ay mataas na ito.

inbound2626237587930196124.jpg
Ito ang kuba ko sa gitnang kanluran.

inbound367298076763349743.jpg
Sa bandang South area, ito ang nakikita ko.

inbound1300438382619976144.jpg
Ito naman ang sa bandang North na bahagi.

inbound4310944733240616450.jpg

Mga alas 6:30 ng umaga ito, bago ako muntik mahulog.

Hindi ko makalimutan ang araw na ito. November 09, 2021, ensaktong isang buwan da araw ng aking pagsilang.
Ang buhay natin ay walang katiyakan, walang alam tayo kung ano ang mga mangyayari sa araw-araw minuto o segundo. Kaya maging handa palagi at maging makatao at mapagmahal tayo sa kapwa. Tuloy pa rin ang buhay at sana maging masaya ang darating na mga araw. Hidpitan ang sinturon para maging lalong matatag at kung madapa ay kayang bumangon..

Maraming salamat Panginoong Diyos na ako ay hindi mo ako ipinahamak sa disgrasya at ako ngayon ay nasa mabuting kalagayan.

20% ay beneficiary ang @steemitphcurator

Steem On!

inbound7353207758914036435.gif

Gif credit to @baa.steemit

Sort:  
 3 years ago 

Ingats lagi at presence of mind talaga.

 3 years ago 

Salamat sister!

 3 years ago 

Hello nay @olivia08 😊

Mabuhay at Magandang araw!!! Maraming salamat po sa pagbahagi nang iyong Diary Game post sa araw na ito. Ang iyong entry po ay kwalipikado para contest sa linggong ito, week 21 ng Contest.

Maaring bisitahin ang ating Community Account para sa karagdagang impormasyon at para sa mga rules at regulations sa ating contest.

Ingat po kayo palagi nay 😊

 3 years ago 

Salamat Dong

 3 years ago 

Walang anuman nay. 😊

 3 years ago 

Buhis buhay man kay ka ante. Pag-amping intawon.

 3 years ago 

Ginoo ken salamat sa Dyos

 3 years ago 

Ingat palagi nanay deevi.

 3 years ago 

Salamat ng marami.

 3 years ago 

Mabuti naman po at di talaga kayo nahulog sis. Amping palagi at humawak po kayo sa railing kapag umakyat

 3 years ago 

Salamat sa paalala

Coin Marketplace

STEEM 0.18
TRX 0.16
JST 0.029
BTC 76530.78
ETH 3054.36
USDT 1.00
SBD 2.63