The Diary Game Season3(08-14-2021) Ang Gawaing Bahay at Karanasan sa Buhay
Magandang umaga po sa inyong lahat mga ka steemians ko lalo na #steemitphilippines community. Sana ay masaya ang araw ng Linggo, walang sakit at masaya lagi kasama ang mga mahal sa buhay.
Kahapon ay maaga akong nagising at naglalaba ng maraming damit. Marami kami sa bahay ngayon at kailangan ang paglilinis araw-araw dahil dito tumira ang anak ni Madam na may asawa. May dalawang anak na maliliit na lagi nagdudumi at nagkakalat ng laruan sa bahay.
Gumawa din ako ng kape nila para sa dumating mga bisita na kapatid ni Madam
Ang kape nila ay walang asukal at yan ang gusto nila at pares nh matamis na tinapay. Nagpapagawa din ng tea at ipares sa tinapay na walang templa o kaya empanada.
Namimili din ng mga gulay at akoy namamangha sa hugis na puso na kamatis. Noon ay may nakita din akong hugis na puso na patatas. Medyo malungkot ako at kailangan ko na ipalabas ang damdamin ko para mabawasan ang sakit. Di ko na alam ang dapat kong gagawin ano ang tama o mali. Wala akong masabihan at piliin kong manahimik na lamang at dito ko ibuhos ang lahat na sakit ma nararamdaman ko. Hindi ko na maisip bakit ganito kasaklap ng buhay na tao. Bakit walang tunay na kaligayahan sa buhay at bakit sa kabila ng pagsisikap ay palaging sinusubok ng panahon. Nasasaktan na ako ng labis sa takbo ng buhay ko. Noon at ngayon walang pagbabago. Bakit kaya ganito ang buhay at paano ko tatakasan? Minsan pipiliin ko nang magpahinga na lang. Kasi sa buhay ko walang puwang ako ay maging masaya. Sabihin man ninyo kung ano masasabi ngunit dito ko ibulong ang nararamdaman ko dahil masakit na masyado. Hayaan ninyo ako. Ito ang diary na di ko makalimutan, masyadong personal at nais ko ipagsisigawan ang sakit para baka sakaling mabawasan ang hinagpis ng umiiyak kong puso araw at gabi. Kung may bukas pa, sana po Lord ay pagbingyan mo akong maging masaya kahit kunwari man lang. Sana ay magkaroon katahimikan ang damdamin ko na matagal na matagal ng nagdaramdam.
Ang kamatis na ito na aking natagpuan ay may kahulugan , hugis puso nga naman pero may bakas ng pusong sinugatan. Hinding hindi mapawi ito. Manatili ang bakas ng sugat na ito. Sugat na kailan man ay di makalimutan hanggang sa libingan.
Kahit sibuyas nakiramay sa nararamdaman ko. Nakakagulat na makita ko sila sa panahong ito kung kailan kay bigat ng dalamhati. Ang sakit at diko alam kung bakit? Wala akong alam.
Pag ayos ko sa Relasyon ng Amo at Katulong
Ang galing ko ayusin ng problema ng ibang tao, hindi nila alam na ako ay mas labis na nangangailangan ng kalinga para mabawasan ang pighati at sakit ng damdamin ko. Salamat sa Diyos, maraming salamat sa Diyos. Ang salita ko naging paraan at sandata para maliwanagan ang puso nila.
Kahit ako ay may sariling dinadala pero ang sarili kong sakit na naramdaman ay naging paraan para masabi ko ang dapat masabi na galing sa ilalim ng puso ko.
Isang magandang pangyayari ang naganap kahapon at hinding hindi ko makalimutan. Naging bahagi na ako sa buhay niya simula sa unang araw dito sa Saudi Arabia.
Minsan sa buhay ay kahit wala tayong silbi para sa iba ngunit may mga bagay na importante ang ku g sino tayo sa kapwa. Ano ang parte natin sa lipunan. Kahit ako ay simpleng tao lamang pero marami akong nagawa sa ikakabuti ng lahat.
Maraming salamat #steemitphilippines #steemitblog at mga kaibigan kong may suporta sa akin dito.
Steem On and Keep safe!
Gif credit to @gremayo & @baa.steemit
Ayan, Mahal Ka naman pala nila at maraming nagmamahal sau dito sis. Anjan din anak mo so cheer up my labs!
Hahaha isang bala lang yan sister. Mg drama sab ta minsan
Nakakaiyak , na miss ko tuloy pamilya ko. “the price of bieng an OFW”.
Salamat at oo talagang minsan dalawin ng kahinaan. Mali mali pa nga ang sulat ko pala hehe. Salamat
Hi Nanay @olivia08 😊
Maraming salamat po sa pagbahagi nang iyong Diary Game post.
Para po sa karagdagang Impormasyon, pakibasa po sa link sa ibaba.
@steemitphcurator
Note: Paki gamit po nang #steemexclusive tag para magkaroon nang malaking tsansa na mapili sa ating @booming support program.
God Bless po!!!
Salamat sa iyo @jb123
Walang anuman po nay. 😊
Nice kaayo ate kay mga heart shape...
Mao lagi once in a blue moon na ba.. Wala naku gi luto.
Maraming salamat po sa pagbahagi nang iyong Diary Game post.
Para po sa karagdagang Impormasyon at iba pa nating contest, pakibasa po sa link sa ibaba.
God Bless po!!!
This post has been rewarded by @steemcurator08 with support from the Steem Community Curation Project.
Follow @steemitblog to get info about Steemit and the contest.
Anroja
Thank you so much once again.