The Diary Game Season 3- (7-12-2021) Pagawa Ng Empanada Para sa Among Nag- aayuno

in Steemit Philippines3 years ago

Maligayang bati para sa lahat na nagmamahal sa steemit! Sana maganda ang araw natin at pagpalain tayo lahat at may biyaya galing sa Diyos.

inbound1782154411667386467.jpg

Konting kaalaman sa Ayuno sa Panahon ng Hajj at ano ang Hajj

Ang Hajj ay ang huling buwan sa kalendaryo ng Hijraa, ang kalendaryo na binabasehan ng mga kapatid na Muslim. Ito ay nagbabase sa ikot ng buwan o lunar calendar. Ang araw sa isang buwan ay 30 o 29 na araw lamang at walang 31 na bilang ng araw. Ang pag-ayono sa buwan ng Hajj at inihandog sa Araw ng Arafah tuwing ika 9 ng Hajj ngunit ang aking mga amo ay simula sa unang araw ng Hajj ay nag aayuno na kami. Pag -aayuno sa isang Pagsakripisyo at katumbas sa pagpapatawad sa kasalanan nagawa sa loob ng dalawang taon kapag ito'y taos pusong ginagawa alay sa Allah.

Ang pagawa ng Hajj ay isang pilgrimage papuntang Mecca, the Holiest Mosque ng mga Kapatid na Muslim sa buong mundo. Ito ay isang mandatory na obligation na dapat gagawin ng isang Muslim. Higit sa lahat ito ay gagawin para sa may kakayahan. Pagkatapos magsagawa ng Hajj, kailangan na maghandog ng isang sacrifice animal, o pagkatay ng isang karnero o baka.

Ngayon ang pangatlong araw ng pag-ayuno

Kinaugalian na ng mga amo at ito ang palaging mayroon sa hapang kainan sa pagtatapos ng pag-ayuno sa isang araw.

inbound804624936537022703.jpg

Ang Sambosa ng Saudis o Empanada sa Filipino ay araw-araw kong ginawa para sa nag -aayuno.

inbound20990349813863843.jpg

Puwedi siya sa manok o karne na palaman, samahan mo ng gulay o kahit anong gusto mo.

inbound2552327102176486395.jpg

Sa mga dalaga at bata ay gusto nila ng cheese.

Ibahagi ko sa inyo paano ko ginawa ang Dough niya.

inbound8729386473122450478.jpg
Ito ay gawa lamang sa mga sumusunod:

Sangkap:
1 kilo harina
1 1/2 maligamgam na tubig
Asin
1 tasa na maliit na mantika

Ihalo mo ang mantika sa harina at asin hanggang sa maging pantay pantay na ang pagkahalo nito at idagdag dahan-dahan ang tubig. I masa mo ng maige at kung malambot na siya at ihiwa mo na parang bola na maliit. Depende ito kung gusto mo maliit o malaki na Empanada.

Yong isang hiwa ng dough ay gawin mong malapad na lagyan ng palaman.

inbound7732443911640199228.jpg

Bilog na malapad, lagyan ng palaman at itupi bawat dulo.

Puwedi mo itong i frozen at iprito kung kailan mo gusto lutuin. Dahil hajj ngayon at nag-aayuno, araw-araw akong gumawa.

inbound7097737366927753838.jpg

Ito na yong luto na Empanada na bahagi sa aking diary noong isang araw. Sana ay natutuwa kayo sa aking kwento at paano ko ginawa ang aking araw-araw na gawain.

Maaga ako magising, kumakanta, naglilinis, nakipag kwentuhan sa mga ka steemit at ang mga gawain ko. Ito muna ang ibabahagi ko at hanggang sa muli.

Maraming Salamat

Steem On and Keep Safe!

inbound2098225777978298496.gif

inbound7486639829448309575.gif
gif credit to @gremayo & @baa.steemit

Sort:  
 3 years ago 

Thanks for sharing ng recipe mo, i try ko ito ss coconut flour hope ma okey...

 3 years ago 

Mayroon ba coconut flour?

 3 years ago 

Meron Sis, ginagamit siya ng mga nag keto diet

 3 years ago 

Favorite ko din Yan nay. Sarap ah! Puro Kayo pagkain nila jb ha! 😭😂

 3 years ago 

Kain lang dong at mabusog ka na rin. Puro kasarap ng food mo jan.

 3 years ago 

Mabuhay at Magandang araw!!! Maraming salamat po sa pagbahagi nang iyong Diary Game post sa araw na ito. Ang iyong Diary po ay kwalipikado para sa Diary Game contest sa linggong ito (Week 13). Maaring bisitahin ang ating Community Account para sa karagdagang impormasyon at para sa mga rules at regulations sa ating Diary Game contest.

Updated Rules and Regulations

Ang main Account, Paki Bisita po rito

 3 years ago 

Thank you @stemitphcurator

Coin Marketplace

STEEM 0.20
TRX 0.13
JST 0.029
BTC 65472.04
ETH 3323.59
USDT 1.00
SBD 2.63