The Diary Game Season 3(08-22-2021) Ang Walang Katapusang Gawaing Bahay

in Steemit Philippines3 years ago (edited)

Hello, mga kapatid ko dito na nagsisikap sumusuporta sa araw-araw na paglalahad ng mga ginagawa natin dito. Maraming salamat #steemitblog, #steemit at #steemitphilippines! sa patuloy na gawaing ito at makatulong sa mga tao.

inbound3075359303514834046.jpg

Umaga sa pagising ko

Pinakaunang gawain ay pagsusuri at tinitingnan ang mobile phone kung mga mga sulat galing sa Pilipinas lalo pa namatay ang unang anak ng pinsan kong buo. Hindi binigaybsa amin ang angel at nakita lang ang mundo sa isamg araw. Kailangan kong magnibigay mg word of wisdom sa Tita ko at sa nanay ng bata at asawa na labis nagdaramdam.

Nag message din ako sa anak ko na huwag na magdiriwang ng kanyang kaarawan bilang respeto sa buong pamilya.

Nagsusulat sa blogs at nakipag kwentuhan din naman para maging masaya kahit paano. Naligo, kumanta at kumain ng kanin at isdang paksiw na dalagang bukid.

inbound6390702608820797078.jpg

Pagkatapos ko ginawa ang para sa aking sarili ay dinalaw ko naman ang mga ibon at binigyan ng pagkain nila at tubig.

inbound1534856872925212424.jpg

inbound2055042284776015689.jpg

Ang mga ibong ito ay bahagi na ng buhay namin. Malaya silang makalipad kahit saan ngunit sila au kusang nagdatingan bawat oras lalo na sa umaga at bago lulubog ang araw. Kusang bumibili ng 20 kilos na bigas inilaan para sa mga ibon. Masaya tingnan at nakakaaliw paano sila naghaharutan at lambingan.

inbound2294795951743854217.jpg
Ito ang pagsibol ng araw at kuha ko habang nagpapakain sa mga ibon.

Gawaing Bahay

Ako ay ngluluto ng maaga dahil narito ang mga apo ni amo ko at gusto ng mga bata pagising ay agad kumakain para walang iyakan.

Nagliligpit ako sa mga kalat nila. Walang katapusan yan at kung wala kang pasensya ay naka magkaaway kayo mga amo. Pero hindi ako ganoon. Mahal ko na rin mga alaga ko lahat. Pumunta ako dito para magtrabaho kaya cool lang ako. Libre naman ako lahat kasama internet.

Nagluluto ako ng kanilang pagkain at sa gabi na sila kadalasan kumakain at magdamag wala tulog. Sa araw kasi sila natutulog at ako ang gising kaya ako nagsusulat. Biro lang , bilisan ko ang pagtrabaho .

Nililinis ko ang mga kubeta habang gumagana ang washing machine para sabay matapos ang gawain at pagsapit ng alas 10:00 ng gabi ako ay natutulog na. Ganyan ka simple ang pagod na nilalabanan ko kahapon at masaya nakaraos ang araw.

Ang huli kong gawain ay ang pagpakain ko sa mga pusa at tingin tingin sa hardin . Minsan umiiyak ako sa pangungulila at lalo kahapon humihikbi ako. Medyo nasasaktan ako ng labis pero nilabanan ko lahat.

Inaanyayahan ko si @mers @reginecruz @powermom na sasali sa diary games.

Hanggang dito nalang at sa muli bukas abangan ang kaganapan sa araw ko ngayon.

Maraming salamat

Steem On & Keep Safe!

inbound7872491732175118039.gif

inbound3583236190157884798.gif
Gif credit to @gremayo & @baa.steemit

Sort:  
 3 years ago 

Maraming salamat po sa pagbahagi nang iyong Diary Game post na nasa week 17 ngayon.

Paki basa po ang updated rules and regulations.

God Bless po!!!

Coin Marketplace

STEEM 0.28
TRX 0.11
JST 0.031
BTC 69125.27
ETH 3788.62
USDT 1.00
SBD 3.61