Steemit Philippines Photography Contest| Week #3| FilipinoCulture: Pagpapahalaga At Celebrasyon

in Steemit Philippines3 years ago

Heto na naman ang inyong kaibigan para ibahagi ang mga karanasan sa buhay at nasang ayon sa patimpalak ng ating community #steemitphilippines. Mabuhay ang lahat na miyembro ng ating pagsamahan.

inbound4218999761043257028.jpg

Kami ay isa sa mga tinaguriang makabagong bayani ng bayang Pilipinas. Nagsasakripisyo mapalayo dahil sa pagmamahal ng pamilya. Sa palagay ko, isa din ito g kultura na dapat pagbigyan pansin ng buong mundo kung paano ang samahan ng kapwa Filipino na nasa ibang bansa.

Ang Pagpapahalaga at Celebrasyon

Noong unang panahon dahil ako ay ang pinakamatagal na nagtatrabaho dito, ako nakilala ng mga karamihan kababayan natin at mga amo. Kami ang mga kasambahay at ibat -ibang pamilya ang mga amo namin at mayroon din magkakapatid.

Hindi sila pinapayagan na lumabas ngunit pag ipapaalam ko sila na pupunta sa bahay ng amo ko ay papayag sila. Kaya palagi kami narito sa bahay ng amo ko ang pagsalo-salo.

Nagkakaon noong 2019, ay marami kami na nag celebrate ng birthday sa buwan ng Oktubre. Lahat sila ay dumating na mga malapit na bahay. Ang dami kong niluto dahil birthday rin at unang pagkakataon na marami kami nagkasama sama. Di ko labis maisip na ang kulturang Pilipino ay madala namin dito sa conservative Muslim country. Matagal na pa.ahon na hindi ako nag celebrate ng kaarawan ko dahil bawal yan sa paniniwala ng mga amo ko. Ngunit noong marami na ang mga Pilipina dito at nasa contract na may day off na sila. Naliwanagan ang aming mga amo at tinanggsp nila ang pakiusap na kami ay magtipon- tipon sa bahay ng amo ko. Ang saya saya namin .

Family Oriented Culture

Isa ito sa kultura ang pagpapahalaga ng isang pamilya. Ang relasyon bilang miyembro ng pamilya at narito sa puso natin. Dahil kami bilang #ofw, lahat kami ay dito na nagkakakilala. Dahil malayo ang aming pamilya, kami lahat ay nagtaguriang pamilya. Basta nasa malayong lugar, sa ibayong lugar, at ikaw ay maka- Dyos at makatao, tungkulin natin itangkilik ang kulturang Filipino kahit sa ibang bansa man tayo.

Inaanysyahan kong sasali dito si @sgbonus @ishanvirtue at @jacinta

Hanggang dito nalang at maraming salamat!

Steem On & Keep Safe!

inbound8709470768317497274.gif

inbound3836668802001782488.gif

Sort:  
 3 years ago 
Criteria for judgingPoints 1-10
1. Relevance to the theme8
2. Creativity8
3. Technique8
4. Over all impact8
5. Quality of story8
Total score8
 3 years ago 

Nakaka miss bonding namin dito mga OFW, pero ngayon bawal na..

 3 years ago 

Oo nga dito rin. Ingat ingat lang tlaga.

 3 years ago 

Maraming salamat po sa pagbahagi nang iyong post.

Sa karagdagang impormasyon, paki bisita po ang ating Community Account at ibang Social Media Accounts.

New Contest

Diary Game Contest with new Rule Added

God Bless po!!!

 3 years ago 

Naraanan ko rin po ang ganyan nay @olivia, noong 2016 sa ibang bansa din po ako nagdiwang ng kaarawan ko. Ang lungkot ko noon pero napawi iyon ng mga kasamahan kung ofw. Iba talaga ang pagmamahalan ng mga pinoy, kahit saan mang dako ng ibang bansa nangingibabaw pa rin.

Coin Marketplace

STEEM 0.17
TRX 0.16
JST 0.029
BTC 75897.42
ETH 2690.17
USDT 1.00
SBD 2.44