Steemit Philippines Photography Contest| Week #3| FilipinoCulture: Galing sa Pagluluto at Pagbibigay Sa Kapwa
Araw ng Biyernes, katapusang araw sa linggo. Magbibigay tayo pasasalamat sa Diyos sa binigay niyang biyaya sa buong linggo. Kumusta kayo mga kaibigan ko dito sa steemit at sa #steemitphilppines?
Isa sa mga nakakabilib na kultura ng mga Filipino ay ang pagiging mapagbigay sa kapit- bahay. Pagbibigay ng pagkain sa kapwa ay isang kultura na namana ko sa aking mga lola at lolo. Kahit sa mga magulang ko, ganun din sila. At isa pa saha kultura ay iyong pagiging isang magaling na tagaluto. Ako ay nagluluto ng pagkaing Pinoy na ininabahagi ko sa mga kababayan ko dito. Basta may okasyon, dito narin minsan idinaraos kasi ang amo ko ay open minded people. Masaya sila na may dumarating na bisita ko. Nagsasawa na sila sa mga pagkaing Arabian kaya ako ay nagluluto ngga pagkaing Pinoy. Naging sideline ko rin ito. Alam din natin, maliban sa mga tamad na tao, isa din sa kultura ng isang Pilipino ang malikhain at madiskarte da buhay. Basta pagkikitaan ay gagawin basta sa marangal na paraan.
Dahil ay may alam sa pagluluto ay bibibigyan ko sila at sa sunod naga araw ay nag oorder na din sila para minsan gawing regalo sa kapwa Pilipino dito. Ginagawa ko na ito sa matagal na panahon at ito ay nakakatulong sa pangangailangan namin ng pamilya. Kailangan natin kung ano ang kultura na pinamana ng mha ninono natin ay ating gagawin. Mahalang bagay ang mga kulturang ito na mabuhay sa susunod na henerasyon. Kasi sa isip ko, ang laki ng pagkakaiba sa mga ginagawa ng tao ngayon kaysa noong unang panahon.
Ako ay masaya na ibabahagi itong kultura
na puwedeng magamit sa atomg pamumuhay. Ang ganda ng patimpalak na ito at sana ay may magandang resulta para sa ating mga kabataang miyembro ng steemit. Ang pagbibigay sa kapwa kung ano mayroon tayo ay dapat iwagayway sa buong mundo. Huwag naman ibigay lahat. Mali din yan. Ang salitang mapagbigay ay hindi naman lahat tungkol sa mga bagay- bagay kundi kasama na rin ang pagbibigay ng payo o ideya kung ano ang dapat gagawin sa taong nagugulohan minsan. Sana ay nagustuhan ninyo ang bahaging ito.
Inaanysyahan ko sumali dito @atongis @iyanpol at @nongni.
Hiling ko sa inyo ang supporta sa community natin at sa lahat na tao na masigasig nagpapatuloy sa ginagawa.
Steem On Keep Safe!
Gif credith to @gremayo & @baa.steemit
Masarap bumisita sa ibang bahay lalo na pag masarap ang pagkain Nay,,,😂
Oo nga dito hanyan maging masaya mga friends
Mas lami pagkaon paghinatag heheh
Ang sarap naman ng food nay. 😊
Kaon na dong
Di gyud nako na balibaran nay. 😁😁
Hello po,
Maraming salamat sa pagsalit sa ating Photography Contest Week 3 with the Theme: Filipino Culture.
Sana ay masaya ka dito sa ating Community at maging aktibo pa po kayo sa pagbahagi nang iyong mga posts.
Sa karagdagang Impormasyon, paki bisita po ang ating Community Account at Social Media Accounts.
God Bless po!!!
Kaya tayo malakas bilang pilipino kasi mayroon tayong pusong mapagbigay. Sana lang na itong gawaing ito ay magpapatuloy kahit sa kahirapan na tinatamasa ng mga mamamayan