Steemit Philippines Community Photography Contest Week 2 - Despedida Party

in Steemit Philippines3 years ago

Magandang umaga na naman po sa inyong lahat. Sana ay masaya tayo na itaguyod ang buhay sa araw-araw. Hwag hayaan na ang pandemya ay bakakid sa ating gawain. Bagkos, kailangaan natin lalong maging matatag at babangon da harap ng pagsubok sa buhay. Kung padaig tayo ay pagtawanan tayo ng demonyo ngumit kung tayo ay makakas, oo iiyak man tayo ngunit ang ugat sa ating katawan ay matapang at mapaghimagsik at lumalaban.

Ang larawan na ibanahagi ko po sa inyo ang isa sa mga kuha ko noong ako ay umuwi. Bawat bakasyon ay nariyan ang kasayahan at kaligayahan na magsasama-sama ang pamilya. Bawat pagdarating doon ay tinatanggap na rin ng buong pamilya ang aking muling pamamaalam. Kaya bago dumating ang araw sa aking pagbabalik ibang bansa ay gumawa kami ng salu-salo at idiniriwang ito sa isang dagat BEACH VIEW ng Mabini Davao de Oro. Ito ay isang kalapit na lugar o probinsya ng lugar ng anak ko.

inbound7670252882497617033.jpg
Gamit ng mobile phone ko na Huwaei Y9, ito ang kuha sa magandang alaala sa aking bakasyon noong 2019.

Naging masaya ang aming pagdiriwang na yon at isinabay sa kaarawan ng kapatid kong titser. Ang lamig ng tubig dagat doon at kahit mainit ang sikat ng araw ay naging masaya ang lahat. Simula umaga hanggang hapon. Higit sa lahat ang mga apo ko at ayaw umahon sa tubig dagat.

Sila lang ang pinakamalapit kong pamilya dahil iisa lang anak ko at iisang anak din ang asawa ng anak ko. Pero marami kami na kasama sa pag dagat na iyan. Salamat sa Diyos at ako ay biniyayahan ng isang anak at ngkaroon ng mabait na asawa. Nagkaroon sila ng dalawang anak na babae na ngayon ay 6 at 5 na taong gulang na sila.

Hanggang ngayon hindi ko na sila nakasama ulit . Simula 2019 ay jindi na ako nakauwi pang muli. Ipasa Diyos ko ito at sana ay magkaroon ng araw na makapiling sila ulit.

Ang larawan ito ay isang larawan ng isang pamilya na naging masaya sa loob lamang ng 20 na araw na aking pamamalagi kasama sila. Limang taon na wala ako at umuwi na pinaghahati ko ang 30 na araw sa magulang ko, mga kapatid at pamilya ng anak ko. Baka may magtanong kung bakit saglit lang bakasyon ko? Ito ay dahil sa financial na kailangan namin. Wala pa maayos trabaho ang anak ko at ang nanay ko sa panahon na iyon ay may sakit.

Wala din kaming magandang larawan na formal na pagkakuha. Maraming salamat #steemitphilippines at ito ang ikalawang supporta ko sa patimpalak na ito.
#steemitblog
#zzan

Steem on and Keep Safe!

inbound1465729470618350736.gif

inbound8444706389437448884.gif

Gif credit to @gremayo & @baa.steemit

Sort:  
 3 years ago 

Hello po maam @olivia, balang araw po makakauwi din po kayo dito sa atin. Matatapos din itong pandemya. Saludo po ako sa inyo dahil nagawa niyo po e manage ang time ninyo sa tuwing umuuwi po kayo dito sa pilipinas. Gayunpaman ang importante po doon ay sa bawat pag-uwi niyo po dito ay may baon po kayong masasayang alaala pag balik niyo po sa abroad. God bless po maam!

 3 years ago 

Salamat at oo kailangan tanggapin ang lahat. Miss ko na sila pero wala choice . ganito buhay natin.

 3 years ago 

Hello po,

Maraming salamat sa pagsalit sa ating Photography Contest Week 2.

Sana ay masaya ka dito sa ating Community at maging aktibo pa po kayo sa pagbahagi nang iyong mga posts.

Sa karagdagang Impormasyon, paki bisita po ang ating Community Account.

@steemitphcurator

God Bless po!!!

 3 years ago 

Salamat ng marami sa support.

 3 years ago (edited)
PanuntunanPuna
1. Theme
2. Verified
3. Proper Title
4. Posted on Steemit Philippines
5. Only 1 photo
6. Proper tagging/steemexclusive
7. No. of words426
8. No. of entries1st entry
9. Plagiarism ratepassed
10. Curators rate8.5
 3 years ago 

I love this way in checking our post. Interesting!
Thank you so much.

Coin Marketplace

STEEM 0.17
TRX 0.13
JST 0.030
BTC 56519.24
ETH 2991.31
USDT 1.00
SBD 2.16