Steemit Philippines Christmas Carol- Pasko Sa Usa Ka Binilanggo

in Steemit Philippines2 years ago (edited)

Magandang umaga po sa lahat!

Maraming gustong dapat gagawin na suporta ngunit naging mentaly blocked ako sa mga pangyayari sa buhay at gusto munang magpahinga lalo na may mga bagay-bagay na mahirap intindihin at unawain. Ang pasko para sa akin ay hindi ko muna iniisip dahil may kulang sa buhay ko. Kulang na walang kahit sino ang makakapuno nito. Balang araw, matapos at malalampasan ko ito lahat at sa muli ako ay babangon na mas matatag kaysa kung ano ako ngayon. Kung sakali man, hindi na darating sa buhay ko na bumangon muli sa muling pagkadapa. Lahat na ito ay may dahilan at bahagi sa takbo sa buhay sa mundo ng kawalan. Ang pagsuko ay wala sa isip ko po ngunit ang pag-iiyak ko ay hindi yan mapipigil. Isa sa paraan paano ko nilabanan ang lahat, ang pagpakawala ng aking mga luha. Sa ganitong paraan mahugasan ang dalamhati, pighati ng aking puso at madala sa agos sa mga luha ang sakit at kirot.

Ang kanta na ito ay maraming ibig sabihin bilang na ito ang pagiging bilanggo ng sarili ko sa ibang bansa na bawal ipinagdiriwang ang pasko. Hindi nila kasalanan bagkus kasalanan ko kung bakit dito nagpapaalipin. Di bali walang celebration ng pasko pero itinuturing nila akong tao.

Sa mga taong nasa bilangguan, para sa inyo po ito. Hindi lahat nasa kulungan ay makasalanan at nagkasala. May mga biktima ng ambition ng mga taong walang puso. May mga pinagbintangan ngunit walang magawa. Iwasan ang gulo, balang araw makaraos po kayo.

Parang ayaw kung kumanta at kantahin ito, kahit anong awiting pasko ngunit ito ang supporta ko sa #steemitphilippines

Sana ay maging masaya po kayong lahat. Sa akin, malungkot dahil kakaalis lang ng tatay ko po. Unang pasko na walang tatawag o kaya mag text. Kung kailan fb si tatay.

Sa kabila ng lahat, ako po ay magpapaabot sa inyo ng pagbati sa araw ng pagsilang ni Jesus! Maligayang Pasko at manibagong bagong taon po sa inyong lahat.


Maraming salamat #steemitphilippines !

Steem On!

@olivia08

Sort:  
 2 years ago 

Nice song Sis, truth yan di lahat ng nabilanggo ay may kasalanan. Good luck.

 2 years ago 

Salamat sister

 2 years ago 

Ang galing nyo naman po nay..

 2 years ago 

Salamat

 2 years ago 

I agree daghan naa sa bilanguan nga walay sala. Anyway daghang salamat sa imong suporta.

 2 years ago 

Hello, this post has been chosen to be recommended for booming support today. Continue creating high-quality content here at Steemit Philippines Community.

Congratulations!

Mindanao Moderator
@long888

 2 years ago 

Maraming salamat po sir @long888

 2 years ago 

kaning maling barkada makaamong jud ba.. pastilan kasakit intawon.

 2 years ago 

sakit pait labaq sa apdo.

 2 years ago 

It shall pass nay, lilipas din lahat yan.You are great and strong woman kaya mo po yan.Keep going.

 2 years ago 

Salamat ng marami.

 2 years ago 

maayong pasko Nay!

Coin Marketplace

STEEM 0.19
TRX 0.14
JST 0.030
BTC 60268.51
ETH 3201.96
USDT 1.00
SBD 2.43