Sa Aking Pag-iisa, Kayo Naalala

in Steemit Philippines2 years ago

inbound6039193923347114015.jpg


Ang buhay ay mapagbiro, kahit anong gagawain natin pag ang tadhana ang umiiral ay sadyang iyon ang nakatakda . Ayaw man natin o gustohin ang sa Kanya ang matutupad.

Wala akong hinahangad sa pansarili kong buhay ko lamang
Gusto ko kahit wala ako, basta sila mayroon
Sapat na sa aking damdamin ang lumigaya
Ngunit minsan, hindi pa rin magkakasiya mayroon pa rin masasabi ang iba

Sa ilang taon na ako ay nag-iisa
Tinitiis ko ang lahat at dalamhati
Tinitikis ko ang sarili kong budhi
Wala pa rin akong magagawa
Buhay ko minsan ay nalilito
Hindi ko alam saan hihinto
And mga pangyayaring ganito

Hindi ko inaasahan ang mga oras na ako ay napaluha
Mga mata ko ay napapagod
Damdamin ko po ay umaalab
Isip ko ay nalilito, gulong- gulo
Sa kakaisip ko po sa inyo mga mahal ko

Kung ako lang ay may pakpak
Tulad ng mga ibong malaya lumilipad
Baka sa oras na ito ako ay napadpad
Sa lugar kung saan kayo makita
Dahil iyan ang magpapasaya sa puso kong nalulumbay
Pangarap ko, walang iba
Muli ko kayong makasama

Kung sakali man ay ako mawala
Iwanan ko sa inyo ang pagmamahal
Pagmamahal na walang katulad
Hindi ako manghihinayang
Sa mga sandaling kasama ko kayo
Sa lahat sa buhay natin
Lahat tayo ay uuwi sa pinanggalingan natin

Huwag kayo malungkot, gusto ko kayo ay magsaya
Para ako ay aalis na nakangiti
At kayong lahat ay walang pagdadalamhati
Hanggang sa pagkikita nating muli

Maraming salamat sa pagbasa, walang magawa sa pagising sa umaga ito ang pumasok sa isip. Maraming salamat #steemitphilippines

Steem On!

@olivia08

Sort:  

Thank you, friend!
I'm @steem.history, who is steem witness.
Thank you for witnessvoting for me.
image.png
please click it!
image.png
(Go to https://steemit.com/~witnesses and type fbslo at the bottom of the page)

The weight is reduced because of the lack of Voting Power. If you vote for me as a witness, you can get my little vote.

 2 years ago 

iagi nlang nato ug kanta Nay. hehe

 2 years ago 

Oo kaayo oi

 2 years ago 

Kanta kanta lang nay hehehe

 2 years ago 

yes jessa

Coin Marketplace

STEEM 0.17
TRX 0.15
JST 0.028
BTC 57856.68
ETH 2352.26
USDT 1.00
SBD 2.43