Buhay na Mapagbiro

in Steemit Philippines2 years ago (edited)

Lupit ng Kapalaran ni Nanay Deevi

inbound3020064620266953310.jpg

Kahit anong gawin ko para maging masaya sana
Pero mailap ang aking tadhana
Palagay ko wala akong puwang para sa salitang masaya
Madaya ang lahat sa buhay ko kahit ano mang pagsisikap

Tao din naman ako na masasaktan
Pero turing nila ako ay basura at basahan
Walang halaga kahit kailan
Masakit sa isipan, ang akala nila di ako nasasaktan
Kung sabagay , binuhay yata ako para masaktan

Pinilit kong maging matatag
Sa iyo kumukuha ng tatag at lakas
Pero nasaan ka sa oras na kailangan kita?
Bagkus iniiwan mag-iisa at sa iba nagpakasaya
Ganyan lang talaga ang buhay sa mahirap at dukha

Bakit kaya may mahirap pa!
Ang pinakamasaklap ang mahirap ay lalong pinapahirapan
Ang lakas loob nila para ako ay sinasaktan
At ginawa pa sa harap-harapan
Bakit ganun ang buhay?

Hanggang kailan kaya ako magtitiis
Minsan naisip ko putulin ang aking buhay
Hindi ako nagbibiro ,kung ito ay hindi lang kasalanan
Matagal ko nang nilagyan ng katapusan

Gaano ba ako kasama para magdurusa ng ganito?
Bakit ako pa pinaparusahan ng ganito?
Bakit ano ba ang kasalanan ko po?
Wala na ba talaga akong lugar sa mundo?

Maraming salamat sa mga taong naging bahagi sa buhay ko, mga dating kaibigan na ngayon ay iniiwanan na ako. Lahat na ito ay may dahilan. Sana walang iiyak kung ang lahat makita ninyo ako sa huling hantungan🕊🕊🕊. Mahal ko kayo pero ano ang namgyayari sa mundo? Pasa Diyos ko po ang lahat na pighati at sakit ng kapalaran ko. Kung may bukas pa ba ito. Dinalaw lang ako ng buong kahinaan sana maging masaya kayo.

Nagmamahal,
Nanay Deevi

Sort:  
 2 years ago 

hi ate... just have faith ni Lord.. when everything else leaves us, naa si God to hold us through... laban japan!

 2 years ago 

Totoo yan jean, pahungaw lang ko kay aron chill

 2 years ago 

Hi po nanay deevi, laban lang po💪💪. Alam ko po na mapagtagumpayan niyo po iyan. Kayo pa, napakatatag nito po yata.🙂

 2 years ago 

Salamat, masakit pero kailangan tanggapin, naniwala pavrin ako na malampasan ko itong lahat sa buhay.

 2 years ago 

Auntie, nafeel ko yung sakit. Di talaga natin alam ano ang gusto ipahiwatig ni Lord saatin auntie, lalo na yung mga plans Niya for us. Pero masasabi ko lang talaga just trust Him. Hard and confusing, but still we need to trust Him.

 2 years ago 

Salamat ken,, sabay sabay kasi halos di ko na kaya ang bigat. Masyado akong nasasaKtan at di ko na maintindihan bakit?

 2 years ago 

Hi!

This post has been chosen to be recommended for booming support today. Continue creating high-quality content here at Steemit Philippines Community.
Remember to always follow the #Club5050 rules for more chances of curators' upvotes.

Congratulations!

Luzon Moderator
kneelyrac

 2 years ago 

Thank you for the reminder.

 2 years ago 

Laban lang ta Nay. We can overcome life's challenges. Trust in the Lord.

 2 years ago 

Salamat Met.

Coin Marketplace

STEEM 0.18
TRX 0.13
JST 0.030
BTC 58867.32
ETH 3223.11
USDT 1.00
SBD 2.30