The Diary Game Season 3 (9-22-2021)Day Off Si Papa

in Steemit Philippines3 years ago

Magandang gabi sa inyong lahat. Sana po ay nasa mabuti kayong kalagayan.

20210917_112042.jpg

Ang aking unang araw na pahinga ay ilala-an ko sa pagluluto ng masarap na ulam para sa aking mahal na asawa at aking mga anak. Dahil sa pandemya binawasan ng kumpanya namin ang araw ng aming pagtatrabaho. Kaya naman ngayon ang unang araw ng aking pahinga. Pumunta ako ng maaga sa tindahan ng mga karne. Matagal din akong naglibot doon dahil gusto kong siyasatin ang karne kung ito ba ay bagong katay.

20210917_112038.jpg

Hanggang sa natagpuan ko ang maliit na stoll na ito. Nagustuhan ko ang mga karneng binebenta niya presko pa at bagong katay. Kaya naman bumili agad ako ng isang kilong baboy para ulamin sa agahan. Bumili rin ako ng mga sangkap na kakailanganin ko sa pagluluto ng ulam sa agahan. Pagkatapos non ay agad akong sumakay sa aking motor pauwi ng bahay para masimulan na ang pagluluto. Sa aking daan pauwi ay may biglang tumawid na isang malaking kambing. Itinabi ko muna ang aking motor sandali at bumaba. Hindi ko talaga magawang palampasin ang pagkuha ng litrato sa kambing. Dahil meron itong kakaibang sungay. Iba ito sa mga kambing na nakita ko.Napaka-ilap niya kaya dalawa lang ang nakuha kong malinaw na litrato.

20210915_155426.jpg

20210915_155423.jpg

Pagkatapos non sumakay na ako sa aking motor upang makarating na sa bahay. Pagdating sa bahay ay nadatnan kong natutulog pa aking mga anak pati na rin ang aking asawa. Hindi sila gumising ng maaga kasi wala akong pasok. Dahil sa tuwing may apsok ako ang aking asawa ang gumigising ng maaga at nag -aasikaso ng aming pagkain. Nang matapos ko na ang aking pagluluto ay ginising ko na sila upang sabay-sabay kaming mag-agahan. Nasarapan sila sa niluto ko dahil marami silang naubos na kanin. Ang pagluto ng masarap na pagkain sa inyong mga mahal sa buhay ay isang malaking karangalan para sa akin. Di man sa lahat ng oras ko ito ginagawa ang importante paminsan-minsa nagawa ko ito. Hindi porkit padre de pamilya ay hindi na rin magluluto sa kusina. Paraan ko rin ito sa pakikipag bonding sa kanila. Hanggang dito na lang.

Lubos na gumagalang,
@natz04

Coin Marketplace

STEEM 0.17
TRX 0.15
JST 0.028
BTC 61940.19
ETH 2433.78
USDT 1.00
SBD 2.50