THE DIARY GAME WEEK #22 (01-15-2022) IBONG NALIGAW NOONG BAGYONG ODETTE AT GINAWAN KO NG HAWLA
Magandang umaga po sa inyong lahat. Ako po ay nagagalak na magbahagi ng aking nagawang aktibidad ngayong araw.
Ngayong umaga ay naisipan kong gawan ng kanilang hawla ang aking nahuling ligaw na ibon pagkatapos ng bagyong odette. Ito ay ang dalawang love birds at pinangalanan ito ng aking mga anak na sina Niño at Niña. Nahuli ko sila pagkatapos ng kasagsagan ng bagyong si odette. Silang dalawa ay nakapatong sa isang sanga ng bread fruit na natumba dito lang malapit sa bahay namin. Ang dalawang ligaw na love birds na aking nahuli ay may mga kulay. Ang isa ay kulay berde at ang isa naman ay kulay asul.
Kaya ngayong araw ay minabuti kong gawan sila ng isang hawla. At alas 10:00 ng umaga ay pumunta ako sa isang hardware na malapit dito sa amin upang bimili ng berde na screen para gawing hawla nila. At tinanggal ko rin ang mga takip ng aming sirang electric fan para pandugtong sa gawing ibabaw at ibaba ng hawla. Naghanap rin ako ng mga recycle na kawayan upang ilagay sa mga gilid nito para maging pundasyon ng screen at nagpapatibay din ito sa hawla.
At bandang alas 12:00 ng tanghali ay nagpahinga muna ako sandali sa paggawa at nananghalian. Pagkatapos kong mananghalian ay naghanap ako ng alambre upang gawing pangtali ng screen. Kinailangan ito ng medyo magkadikit na tali upang hindi magkaroon ng butas at labasan ang love birds. Mayat-maya pa ay natapos ko na ito at sa tulong rin ng aking asawa na siyang taga hawak ng screen habang tinatali ko ang alambre. Mayroon nang isang napakalaking hawla ang aking mga love birds na si Niño at Niña.
Siya nga pala bago ko pa makalimutan, naghintay ako ng may maghanap sa mga ligaw na love birds na ito. Ngunit hanggang ngayon ay wala pa ring may-ari ang naghanap nito. Kaya ay inalagaan ko sila ng mabuti dito sa bahay at binilhan ko na rin ng birds seed. At tuwang-tuwa rin ang aking mga anak dahil meron na silang love birds pet.
At hanggang dito na lang po. Sana'y nagkaroon ito ng inspirasyon ang aking diary sa mga kapwa ko stemyan. At inimbitahan kong sumali sina @bien, @marlon82, @amayphin.
Maraming salamat po.
Ang iyong lingkod,
@natz04
Asa man ang ibon? Hahah unsa man klaseha .
Lovebirds friend. Dili ko sure unsa nga klase friend
Aw.. maajo kai nag uban ng duha. Wa kaajo naho naklaro ganiha. Kadako sa hawla. Great job.
Oh barkada siguro ni sila friend 😀
great day indeed my frie d
Dili jud mapundo maam. Naa jud makuri2x sa balay 😀. Salamat maam sa pagbisita.
Maayo kay inyo pud giatiman sir..luoy pud sila. Biktima sad ni Odette.
Oh maam maojud.
Hello sir.. 😊
Status Remark
#steemexclusive ✅
verified member ✅
using bot ❌
plagiarism 100% original
Rate: 9.7
Salamat sa ratings dong jb