Steemit Philippines Photography Contest Week 4 | Theme: [Black and White Photography] Pamantayan sa Bagong Ngayon sa Loob ng Simbahan

in Steemit Philippines3 years ago

20210915_182445.jpg

10% pursyento to @steemitphcurator

Magandang araw po sa inyong lahat na mga kapanalig at mga ka-steemians. Sana po ay nasa mabuti kayong kalagayan sa kabila ng nangyayari sa ating sanlibutan. Sa naranasan natin ngayong krisis ng pandemya, sana'y patnubayan at gabayan tayong lahat sa buong Maykapal at iligtas tayong lahat sa kapahamakan dulot ng virus na ito.

At sa bagong ngayon, sana ay matuto tayong makisabay sa mga panuntunan at alituntunin na ipinapatupad sa pampubliko o pribado mang epedepisyo. At para rin naman ito sa ating mga sariling kaligtasan at kapakanan. Sa halip na magreklamo, ay sumunod nalang tayo ng ma-ayos at matiwasay para sa ikabubuti ng ating lahat.

At ngayong araw, nais ko po na maibahagi ang aking entry sa pa kontest na ito. Sa mga karanasan at na obserbahan ko sa bagong ngayon o new normal.

Araw ng linggo, ito ang araw na kung saan ang paglalaan natin ng ating oras sa pagpunta sa simbahan. Di man lahat ng tao ay makapunta basta't ang importante ay nanalig at naniniwala tayo ng buo sa buong Maykapal.

At ang larawang ibinabahagi ko ngayon ay ang tamang upuan sa pag-upo sa loob ng simbahan. Makikita ninyo na ito na ang mga kadalasang nangyayari ngayon sa saan-mang simbahan. Pag-upo sa may markang "sit here" at hindi pag-upo o bawal umupo sa may markang "X". Sa sulat na ito ay pinapahayag na dapat sundin upang maiwasan ang hawaan.

Sa simpleng patakaran na ito ay may posibilidad na hindi ka mahawaan ng virus o makahawa man. Kung noon ay maaring nakaupo ang 5 hanggang 8 ka tao, ngunit ngayon ay meron nalang 2 ka tao ang pwedeng umupo. Mas mainam na rin ito, bagama't hindi naman na ukupar ang lahat ng upuan kasi medyo kaunti lang ang nagsisimba.

Noong nakaraang buwan at ngayong mga nagdaang-araw ay kaunti lang ang mga tao na dumalo sa pagsisimba sa araw ng linggo. Siguro ay takot pa silang lumabas pero hindi naman talaga natin sila ma-sisisi. Baka ngayong darating ng buwan ng Disyembre, makapunta na sila sa simbahan at makapagsimba. Dahil malapit na ang kapaskuhan at dagsain talaga ang simbahan sa tuwing malapit na ang Pasko.

Kahit na ibinaba na sa general community quarantine ang lugar namin ay nanatili pa rin ang mga panuntunan sa pangangakatawan o health protocols. Lalung-lalo na sa mga upuan sa loob ng simbahan.

At nang pa-uwi na ako ay pati na rin sa mga pampaseherong mga sasakyan, ay may mga harang at nakapaskil na markang X at tsek sa bawat upuan. Para mapanatili pa rin ang distansya o social distancing sa bawat tao.

Ito na talaga ang bagong ngayon, mga nakapanibagong mga pangyayari sa mundo natin na kailangan na lang nating sundin. At huwag suwayin dahil para naman ito sa kapakanan natin. Wala namang mawawala sa atin kung susundin natin ito. Makikipag-kooperasyon na lang tayo para "we heal as one".

Salamat sa inyong pagbibigay oras sa pagbasa ng aking entry. Hanggang dito na lang po.

Nais ko ring imbitahan ang aking mga kaibigan na steemian na sina; @marlon82, @reyarobo, @momshie85.

Maraming salamat po.

Lubos na nananalig at nagmamahal.

🙏@natz04

Sort:  
 3 years ago 

Hello Sir @natz04 😊

Mabuhay at Magandang araw!!! Maraming salamat po sa pagbahagi nang iyong blacknwhite photography contest sa araw na ito. Ang iyong entry po ay kwalipikado para contest sa linggong ito, week 4.

Maaring bisitahin ang ating Community Account para sa karagdagang impormasyon at para sa mga rules at regulations sa ating contest.

Updated Rules and Regulations

Malaki talaga ang kaibahan ngayon. Minsan na mimiss natin ang mga oanahon na wala pang pandemya, ang mga araw na malayang nakakalabas ng bahay.

 3 years ago 

Salamat sa pagtanggap brad @jb123. Kailangan na talaga nating tanggapin na ito na talaga ang ating bagong ngayon. Salamat sa pagbisita sa aking post brad.

 3 years ago 

Walang anuman po 😊 Godbless you.

 3 years ago 

God bless you too

 3 years ago 

Ako din ay nagsimba nung isang Linggo at online din ang Mass. Pero sa Blessed Sacramament pwede bumisita pero 2 persons at a time lang pwede pumasok.

@natz04
Relevance / Adherence to the theme: Black and White Photography - Current Events
30%
Score: 92% 27.6

Visual Impact

The distinctiveness of the photo if a person would actually take a second glance of it and how it stands out from the rest.
30%
Score: 94% 28.2

Photo Quality and Composition:

This applies the basic rules in photography. Subject, background, clarity, sharpness, technique, rule of thirds, etc.
40%
Score: 96% 38.4

Total Score: 9.42

 3 years ago 

Hello po @fycee, salamat po sa ratings. 🙏Lubos po ang aking pasasalamat. Ganito na talaga ang mga panibagong pangyayari sa ating panahon ngayon hindi na natin ito maipagkaila pa.

 3 years ago 

Shared it on my twitter.

20210916_081115.jpg

 3 years ago 
CriteriaScore 0-10
Relevance to the Theme.9
Creativity.9
Technique.9
Overall impact.9
Story.9
Total.9

Dito sa amin bawal pa rin ang magsimba at kahit na anong tipon tipon.

 3 years ago 

Salamat sa ratings sir juichi. Diri pinas sir medyo bintaha2x nag gamay dili na kaayo strikto.

 3 years ago 
Judge: @loloy2020
CategoryDetails (✅/❌)
Theme: Black and White Photography
Fully Verified
Correct Title and Tags
Used the #steemexclusive tag
1 Photo per Entry
Mentioned 3 Friends
Write-ups RatingGood
Criteria for JudgingRatings/Score)
1. Relevance to the theme9.2
2. Creativity9
3. Technique9.2
4. Overall impact9.5
5. Quality of story9.3
Total Ratings/Score9.2
 3 years ago 

Hello po,

Maraming salamat sa pagsalit sa ating Photography Contest Week 4.

Sana ay masaya ka dito sa ating Community at maging aktibo pa po kayo sa pagbahagi nang iyong mga posts.

Sa karagdagang Impormasyon, paki bisita po ang ating Community Account at Social Media Accounts.

New Contest Alert:

God Bless po!!!

 3 years ago 

Maraming salamat din po @steemitphcurator

Coin Marketplace

STEEM 0.18
TRX 0.14
JST 0.030
BTC 59238.58
ETH 3176.28
USDT 1.00
SBD 2.45