Steemit Philippines Photography Contest Week 4 | Black and White Photography | Modyul, Modyul Tapos Ka Na Ba? Oo, Oo Tapos Na Ako!

in Steemit Philippines3 years ago (edited)

20210916_193904.jpg

"Edukasyon ay ang tanging kayamanan na hindi mananakaw ng kahit sino man".

Magandang araw po mga ka-steemians at mga kapanalig. Sana po ay nasa mabuti kayong kalagayan sa kabila ng mga pangyayari na dulot ng pandemyang ito.

At ngayon po ay aking ibinabahagi sa inyong lahat ang aking pangalawang entry para sa #steemitphilippines community black and white photography contest.

Sa litratong ito, makikita talaga na abalang-abala ang mga kabataang ito na sumasagot sa kani-kanilang mga modyul. Sa halip ang mga kabataan ay ang pag-asa ng ating inang bayan. At pati na rin ang mga magulang ay sobrang abala na sa pagtuturo sa pag-aaral ng kanyang mga anak.

Tapos na ang bakasyon, tapos na ang maliligayang araw ng mga bata. Balik modyul na naman, balik iyakan na ng mga bata at sermonan na ng mga magulang.

Siguro'y marami-rami rin tayong makakapag-ugnay nito lalung-lalo na sa mga magulang na may mga anak na nag-aaral. Kasi magulang din ako ng apat na mga bata at mga estudyante.

Sa hirap at tindi, hindi talaga maipag-kaila na mahirap ang klase ng pag-aaral ngayon ng mga bata. Simula't sapol noong una'y nakasandal at umaasa lang tayo sa mga guro para sa pag-aaral at pagtuturo ng ating bawat mga anak.

Sa halip, bukod na magreklamo sa mga guro ay dapat natin silang pasalamatan at puruhin. Kasi ginawa rin nila ang kanilang mga tungkulin bilang mga guro kaya naman ay sana ganun din tayong mga magulang.

Kasi hindi naman talaga iyon kaya ng guro lamang kung sila lang. At dapat din tayong mga magulang ay parati ring nakasuporta sa mga guro. Dahil sa sitwasyon natin ngayon sa proseso sa pag-aaral ng mga bata ay talagang napakahirap.

At mahirap rin sa mga guro kasi yung ibang magulang ay hindi nakikipag-komunikasyon sa mga guro ng kanilang mga anak. Pwera na lang sa mga responsabling mga magulang.

At mahirap rin sa mga magulang lalong-lalu na yung mga magulang na wala talagang napag-aralan. Kaya nga may ginagawang grupo sa komunikasyon o groupchat ay para iyon sa mga magulang na kulang ang kaalaman sa akademya.

Para meron din silang matanong at kasandalan sa oras na mahirapan sila sa pagtuturo sa pag-aaral ng bawat kanilang mga anak. Kung baga sino naman ang magtutulungan kundi tayong mga magulang at mga guro lamang ng ating mga anak.

At dito na lang po, saludo ako sa mga magulang na nagpursigi na nagtuturo sa pag-aaral ng kanilang mga anak. At gayun din saludo ako sa mga guro na ginagawa ang lahat nilang mga tungkulin ay para lamang sa mga kapakanan at ikabubuti ng kanilang mga estudyante.

At ini-imbitahan ko po ang aking kapwa steemian. Na sina @yen80, @reyarobo, @remay.

Maraming salamat po.

Lubos na rumerespeto.

🙏@natz04

Sort:  
 3 years ago 

Hello Sir @natz04 😊

Mabuhay at Magandang araw!!! Maraming salamat po sa pagbahagi nang iyong blacknwhite photography contest sa araw na ito. Ang iyong entry po ay kwalipikado para contest sa linggong ito, week 4.

Maaring bisitahin ang ating Community Account para sa karagdagang impormasyon at para sa mga rules at regulations sa ating contest.

Updated Rules and Regulations

Masayang tingnan ang mga batang masisipag mag-aral. 100% May magagandang kinabukasan ang batang yan. 👏😊

 3 years ago 

Salamat sa updates, tama ka brad @jb123.

 3 years ago 
CriteriaScore 0-10
Relevance to the Theme.9
Creativity.9
Technique.9.3
Overall impact.9.5
Story.9.5
Total score.9.3
 3 years ago 

I love those details!!!!
Total rating: 9.5

Coin Marketplace

STEEM 0.18
TRX 0.14
JST 0.030
BTC 59238.58
ETH 3176.28
USDT 1.00
SBD 2.45