Pagtiyaga-ang Gamitin ang Magagamit Pa

in Steemit Philippines3 years ago (edited)

Kumusta po,

Sa mga oras ng dinubyo o sakuna katulad ng bagyo at pademya ay hindi talaga natin ma predict kung gaano ka laki ang pinsala na dulot nito. Siguro'y makaka-alam tayo kung kailan ito mangyayari at kung saan ito mananalasa at tatama. Pero hindi talaga natin alam kung gaano ka bigat at ka pinsala ang dala nito. Hindi pa man natatapos ang pandemya ay may panibagong namang dinubyo na dumating. Si bagyong 'odette' na sumisira sa kabahayan at kabuhayan ng mga taga bisaya.

20211226_113705.jpg

Katulad na lang sa nangyayaring dinubyo na tumama sa ka-bisayaang bahagi ng Pilipinas. Si 'bagyong odette' ang hagupit at bagsik ng hangin na kanyang dala. Kung saan sumisira sa mga bahay at infrastraktura sa ilang parte ng kabisayaan. Wala talagang pinipili at sinasanto ang si 'odette' ma mahirap man o mayaman. Ma garbo mang bahay o bahay kubo lamang. Lahat ay kanyang pinadapa sa bagsik at hampas na dala ng kanyang hangin. Para bang may dalang martilyo at maso para gumiba sa mga kabahayan.

20211226_113718.jpg

Kaya sa ngayo'y pagtiyagaan na lang ang mga pira-pirasong kahoy na ibinilin ng bagyong 'odette'. Na kung saan pwede pang gamitin para makagawa ulit ng panibagong bahay kubo. At magsimula ulit ng panibagong yugto at hamon ng buhay. Wala na tayong magagawa kung 'di ay harapin ang bagong bukas. At magsikap sa buhay para maka-pagsimula ulit.

20211226_113709.jpg

20211226_113746.jpg

Wala mang mga ayuda na natatanggap galing sa gobyerno para panggawa ng ulit ng mga panibagong bahay. Kaya't ay pagtiyagaan muna ang mga pirasong kahoy na bilin ng dinubyong ito. At kahit munti ay may masisilungan sa init ng araw at sa panahon ng tag-ulan.

Hanggang dito na lang po, maraming salamat po!

Bangon sugbo!

Gumagalang,

@natz04

Sort:  
 3 years ago 

Hello sir,

This post has been chosen to be recommended for booming support today. Continue creating high-quality content here at Steemit Philippines Community.
Remember to always follow the #Club5050 rules for more chances of curators' upvotes.

Congratulations!

 3 years ago 

Salamat kaayo dong jb. Kumusta diha sa inyo sa mindanao?

 3 years ago 

Youre welcome sir. Okay ra diri sa mindanao. ☺️

Coin Marketplace

STEEM 0.16
TRX 0.15
JST 0.029
BTC 57226.98
ETH 2416.68
USDT 1.00
SBD 2.29