Diary Game Season #3 | 10-02-2021 | Kahit Anong Trabaho, Importante Marangal

in Steemit Philippines3 years ago

Magandang araw po mga Kabayan! Akin pong ibinabahagi sa inyo ang aking ginawa ngayong araw October 02, 2021.

20210925_172848.jpg

Ng dahil sa pandemya napilitan kaming mag-asawa na ibenta na lamang ang aming alagang kambing kahit medyo tutol sa aming kaloobang mag-asawa. Kapus na talaga kasi sa pangtustos sa pang araw-araw. Tatlong araw sa isang linggo na lang talaga kasi ang aking trabaho dulot ng pandemya kaya apektado rin ang kumpanyang aking pinapasukan.

Hindi talaga sapat ang aking tatlong araw na sahod para ipangtustos namin sa kunsumo sa araw-araw. Masakit man sa loob pero kailangan naming gawin kaysa sa magutom ang pamilya ko. Maliliit pa kasi ang aking mga anak at kailangan pa ang sapat na aruga.

20210925_173403.jpg

At kaya't nagdesisyon na lang kaming mag-asawa na idespatsar at isakripisyo na lang ang aming alagang kambing na turo. Mabenta rin kasi ang kambing lalo na't mga lalaking kambing dito sa aming lugar. Marami kasing mga dayuhang Intsik na nakabasi na restaurant at naninirahan dito sa amin. Mahilig kasi sila sa mga lalaking kambing at brusko tulad na lang sa amin.

Subalit kinakailangan pa naming katayin kasi hindi sila bibili pag hindi ihaw. Gusto kasi nilang katay na at malinis at wala ng balahibo at bituka sa loob. Kahit medyo labag at hindi ako marunong kumatay ng mga hayop kaya't natuto na ring dumeskarte ng kahit ano basta't marangal at para sa kapakanan ng pamilya.

20210925_172852.jpg

Kaya kaagad akong nagpakulo ng mainit na tubig sa malalaking kaldero. At sa tulong ng tiyuhin ng aking asawa ay nagawa ko rin kung papano kumatay at mag-ihaw ng kambing. Kung papano magbuhos ng kumukulong tubig para madaling matanggal ang mga balahibo nito. Mayroon din kasi siyang kaalaman sa pag-ihaw at pagkatay ng kambing. Nagawa ko ang hindi ko kinasanayang ginagawa noon at para lamang magkapera at may pangtustos sa pang araw-araw.

Nabili ang kambing namin sa halagang apat na pung libo piso o $80 US dolyar at malinis na ayon sa kondisyon ng mga dayuhang Intsik. Malaki-laking pera at sapat na pangtustos sa aming pang araw-araw na gastusin.

20210925_171700.jpg

Malaki talagang pakinabang at tulong sa ganitong mga panahon pag may mga alagang hayop. Kanailangang silang isakripisyo para sa bawat pamilya na hindi magugutom dulot ng pandemyang ito. Hindi man bukal sa kalooban pero kailangan talagang gawin para sa ikabubuti at kapakanan ng pamilyang Pilipino.

At dito na lang po ang aking diary ngayong araw, na taos pusong ibinahagi sa inyong lahat. At lalo na dito sa komunidad sa aking kapwa pamilyang Pilipino.

At ini-imbitahan ko rin ang aking mga kaibigang kapwa Pilipinong stemyan na magsulat na sina; @bien, @marlon82, @amayphin.

20% pursyento ng aking artikulo ay para kay @steemitphcurator.

Maraming salamat po.

Nagmamahal.

FB_IMG_1517304114152.jpg

Sort:  
 3 years ago 

Shared on my twitter.

20211002_212410.jpg

 3 years ago 

Maraming salamat po sa pagbahagi nang iyong Diary Game post.

Sa karagdagang impormasyon, paki bisita po ang ating Community Account at ibang Social Media Accounts.

God Bless po!!!

 3 years ago 

Thank you din po. God bless you too.

 3 years ago 

Ganyan lang talaga friend. Para sa pamilya lahat nang pwede kakayanin. Ma appreciate ka din nang mga anak mo balang araw sa mga sakripisyo mo sa kanila. Keep steeming😊!

 3 years ago 

Salamat sa nakakaantig damdaming mensahe friend.🙏

Coin Marketplace

STEEM 0.17
TRX 0.16
JST 0.029
BTC 62241.82
ETH 2433.73
USDT 1.00
SBD 2.57