Burnsteem25: The Diarygame 07-30-2022 | Suma Sideline As Mason Helper

in Steemit Philippines2 years ago

Kumusta po kayo dyan, sana'y ayos lang ang lahat...

Anumang trabaho basta't marangal ay kayang trabahuin. At para lamang sa pamilya ay gagawin ko talaga ang lahat para may pangtustos sa araw-araw na mga gastusin...

At dahil malaki-laki na rin talaga ang aking pamilyang binubuhay. Kaya't malaki ring pakinabang at nakatulong talaga ito sa amin. Para kuhanan at may pangtustos sa mga gastusin ng buong pamilya. At dahil may pamilya rin akong binubuhay. At pangtustos na rin kagaya nitong ibinabahagi ko ngayon...

received_452412123188718.jpeg

Dulot kasi ng mapag pinsalang bagyo na tumama sa aming lugar. Ay maraming mga bahay ang nagiba at hindi pa na-aayos hanggang sa ngayon. At natuto na rin talagang gumawa ng mga bahay katulad na lang ng isang pagiging mason...

Kung saan kinakailangan talaga ngayon ang mga mason. Dahil marami-rami ring mga bahay ang nawawasak at nasisira dulot ng bagyo. Kaya ay pupular talaga ang mga mason sa ngayon dito sa aming lugar...

received_1981100985611512.jpeg

Kaya ay ibinabahagi ko po ngayon sa inyo ang aking mga naging trabaho sa mga araw na ito. Medyo hindi naman naging malayo sa aking nakasanayan na trabaho. Ang pagiging isang draftsman kung saan taga-gawa ako ng mga plano ng mga bahay.

At medyo may alam din naman ako sa trabahong ito. Dahil simula't sapol noong ng ako'y nagbebenata ay sumasama na rin ako sa aking ama. Na isa namang foreman ng mga mason at karpentero ng mga bahay at gusali...

received_5479687742090174.jpeg

Kaya ay nasasanay na rin talaga sa mga trabahong ito. At malaki rin naman talagang pakinabang pag may alam sa mga bagay-bagay. Kung baga ay dapat na may alam sa buhay. Kaya malaki rin talagang tulong para sa akin na may alam...

Dahil ito rin talaga ang reyalidad sa buhay para kung saan sa mga oras ng kalamidad at sakuna. Katulad noong bagyong nagdaan ay may alam na para gumawa ng bahay...

received_627851248677772.jpeg

Kaya ako'y suma sideline kagaya sa isang pagiging mason helper. At hindi na ko rin ito ikinahiya dahil ito ay marangal na trabaho. Ngunit kailangan lang rin talagang mag-ingat para iwas disgrasya. At mahirap na kaya ay todo ingat lang...

received_552266426592230.jpeg

At hanggang dito na lamang po. Maraming salamat po. Sana'y makapagbigay ito ng inspirasyon sa lahat ng mga baguhan at sa aking mga kapwa-stemyan...

Hanggang sa muli...

Bumabati,

Natz

Sort:  
 2 years ago (edited)

Evaluation Date: August 01-2022

StatusRemark
Club status#club5050
#steemexclusive
Verified member
Not using bot
Plagiarism Free
Delegator
Supports burn steem 25

Saludo talaga ako sa kakayahan mo Sir @natz04. Dapat talaga maghanap tayo ng paraan para pang dagdag gastos sa ating araw araw na pangangailangan.

 2 years ago 

Maraming salamat po sir. Tama po..

 2 years ago 

laban lang gyud sir! hanggat kaya natin magbanat ng boto go lang!

 2 years ago 

Mao najud ni atong role maam as parents.

Coin Marketplace

STEEM 0.19
TRX 0.13
JST 0.030
BTC 63768.98
ETH 3410.21
USDT 1.00
SBD 2.49