THE DIARY GAME | 08302021 | 🧣🧺🌞 Laba ulit ng mga kumot at towel namin... 🌞🧺🧣

in Steemit Philippines3 years ago

Magandang araw sa lahat. Sana naging maganda ang inyong Monday. It's a non-working holiday so that means another rest day to those who works in offices.

237752965_246476327349393_8978180930384203062_n.jpg

Nagising na naman ako ng mga bandang 5 ng umaga. Di ko alam kung bakit dahil sa medyo late nadin ako nakatulog kagabi. Pero tulad ng mga nakaraang post ko ay nag phone lang ulit ako. Medyo nakakawalang gana na ngang tumingin sa mga social media apps ko ngayon dahil sa pare-pareho lang naman ang mga nakikita ko dito bawat araw na pag tingin ko dito. Tinignan ko nalang din yung mga notificatins ko sa FB and Instagram ko. Pinost ko kasi doon yung bago kong sketch ng dalawang anime characters, at madami itong positive reactions.
I really don't receive that much attention in social media, and that's also because I'm a private person. And I don't share that much about what's happening in my life. I control myself on what to share and not.
And I don't like attention on me.

238050933_2913944208819823_5126655827513560494_n.jpg

Mga bandang 8 ay bumaba na ako dahil sa nagiingay na yung pusa ni kuya. Magbabanyo na ito kaya nagtatawag na ito saamin. Pagkababako ay di naman din bumaba yung pusa ni kuya. Medyo matagal din bago pa ito bumaba. At di din agad ito lumabas.
Pagkalabas niya ay nandoon na din si Nanay sa labas. Pero lumabas na din ako incase na tumakas yung pusa ni kuya. Kaya na kasi nitong tumalon ng mataas kaya naman ay kailangan talaga nitong bantayan pag nasa labas ito.

238757299_838350437043115_5222219721393221094_n.jpg

Pagkalabas ko at pagkatingin ko sa labas ay may natutulog pala na mga pusa katabi ng kotse namin sa labas. Kaya naman pala gustong lumabas ng pusa ni kuya.
Pagkatapos tignan ng pusa ni kuya yung mga nasalabas ay tyaka lang ito nagpunta sa litterbox niya.

Ginawan ko muna ang sarili ko ng green tea at kumain muna ako ng sponge cake, para ternohan lang ang tea ko, bago ako gumalaw-galaw dito. Pagkatapos noon ay naghugas muna ko ng mga pinagkainan namin kagabi. Dahil sa may natira pa namang kanin mula nung kagabi ay ininit ko lang ito. Nagbukas nalang din ako ng mga delata at naginit ng mga ulam kahapon.

Pagkatapos naming kumain ay yung pagdating naman nila kuya at nang kanyang GF. Nakalimutan ko nga na dadating pala sila, wala tuloy silang makakain. Nakakain na naman daw sila.
Nalaba na ulit ako ngayong araw na ito. Mga kumot naman at tuwalya yung mga lalabhan ko ngayon. Si kuya naman ay maglalaba ng kanyang mga damit. Di na kasi niya sinasabay yung mga labahan niya saamin. Di ko alam kung bakit.

Pagkatapos kong isampay yung mga nilabhan ko ay naligo na agad ako. Sobrang nag pawis din kasi ako nang dahil na din siguro sa pag-inom ko din ng kape habang naglalaba. 😅😅😅
Pagtaas ko ay binuksan ko agad yung laptop ko. Nanood muna ako ng mga videos sa YouTube bago ko gawin yung mga kailangan kong gawinn sa laptop ko ngayon. Dumilim nga yung langit at umulan ng malakas ng mga oras din na iyon.

239066881_347290000476430_2035481732275871807_n.jpg


At iyon lang ang maikukwento ko sa inyo ngayong araw na ito.

Medyo di na ako nakakapag post daily ng diary. Medyo madami na din kasi akong ginagawa at inaasikaso ng mga nakaraang linggo pa. Bumalik pa ako sa pagdudrawing.

Thank you to all of the people who upvoted some of my last posts. I deeply appreciate the kind of support that you give to me. Again thank you.
🥰🥰🥰🥰


@hanna716
@sxshx
@eryll



✨ 🌃 ✨ 🌃 ✨ 🌃 ✨ 🌃 ✨ 🌃 ✨ 🌃 ✨ 🌃 ✨

Sort:  
 3 years ago 

Maraming salamat po sa pagbahagi nang iyong post.

Para po sa karagdagang Impormasyon, pakibasa po sa link sa ibaba.

Note: Paki gamit po nang #steemexclusive tag para magkaroon nang malaking tsansa na mapili sa ating @booming support program.

God Bless po!!!

 3 years ago 

Social Media is the haven for promoters like us. Haha. Ang cute NG pusa. I'm glad that you were able to enjoy your day.

 3 years ago 

This post has been rewarded by @steemcurator08 with support from the Steem Community Curation Project.

Follow @steemitblog to get info about Steemit and the contest.

Coin Marketplace

STEEM 0.17
TRX 0.15
JST 0.028
BTC 57856.68
ETH 2352.26
USDT 1.00
SBD 2.43