THE DIARY GAME | 08262021 | ๐Ÿงน๐Ÿš—๐Ÿ”ง Kaonting paglinis ng bahay at pagtingin ng mekaniko sa kotse namin... ๐Ÿ”ง๐Ÿš—๐Ÿงน

in Steemit Philippines โ€ข 3 years ago (edited)

Magandang araw sa lahat. Sana ay naging maganda ang Thursday ninyong lahat.

โ˜ โ˜ โ˜ ๐ŸŒž โ˜ โ˜ โ˜

Nagising na naman ako ng mga bandang 4:30 ng madaling araw. Katulad ng mga nakaraan at nakalipas na mga post ko ay nag phone lang ako. Tinigna ko yung mga suggested na mga pins sa Pinterest at nanood lang ako ng mga videos sa TikTok. Naabutan ko pa yung alarm ni papa ng mga bandang 5. Matapos ang ilang oras ng pagba-browse ko sa phone ko ay nakatulog nalang ulit ako.

238685725_678838266827293_7918342721535404387_n.jpg

240589635_552745802832493_8576531346057546584_n.jpg

Paggising ko ulit ay ganito na kaliwanag sa labas. Mga 7 na iyon ng umaga dahil sa nag-alarm na ulit yung dalawa kong phone. Pinakiramdaman ko muna kung gising na yung mga kasama ko dito sa bahay bago ako bumaba. Nagphone nalang ulit ako haang naghihintay na may magaisiing sa kanila. Pero bumaba nalang din ako dahil sa naguton na ako. Dahil sa wala pa namang pagkain sa baba ay nag-tubig nalang muna ako. Bumalik nalang ulit ako sa kama habang naghihintay sa kung sino man ang unang magising sa kanila.

Mga mag-8 na siguro iyon ng nagising na si ate at bumaba na sa kama niya. Ginising niya din si papa ng pagbaba niya sa double deck namin. Pagbaba namin ay nag-prepare na agad kami ng kakainin namin. Nagsaing na ako ng kakainin naming kanin at nagprepare na si ate ng lulutuin niyang ulam.


239877869_555270065518416_4900370605523347898_n.jpg

Habang nagpreprepare si ate ng kaniyang lulutuin ay nagpatugtog muna siya sa TV ng mga kanta ng MonstaX. Naglinis na din kami g kaonti dahil sa madami nang kumakalat na balahibo ng mga hayop namin dito sa bahay. Nag-spray na din kami ng Baygon dahil sa malamok na din sa loob ng bahay.
Pagkatapos magluto ni ate ay nag-prepare na ako ng table. Tinawag na din namin sila papa at kuya dahil tulog pa sila ng mga oras na iyon.


235714437_4411862162213114_8891289580865383855_n.jpg
Nagluto si ate ng Tocino, Tortang Talong at Hotdog. Ininit ko naman yung corned beef na ulam namin kagabi.

Medyo madami nga ang naluto ni ate na mga ulam. May mga natira pa kasing ulam mula nung kagabi at ininit nalang din namin ito para di masayang. Hinaluan din ni ate yung pinaglutuan ng tocino ng kanin na tira kagabi.
Pagtapos naming kumain ay nagkape lang muna kami ni kuya at papa.

Mga bandang hapon ay dumating na yung mekaniko para tignan kung anong sira ng kotse namin. Di na kasi ito nakakalayo at tumitigil o namamatay yung makina. Nagsimula iyon nung umulan ng malakas dito saamin.
Pagkatapos nilang tignan ito ay babalikan daw nila ito bukas dahil sa may nakaschedule pa silang mga gagawin sa kanilang shop.


236642005_990019451570584_6136821167537988514_n.jpg

Mga bandang hapon ay dumilim na naman. Medyo umaambon na din ng mga oras na iyon. Pagkatapos kong buksan yung laptop ko para magamit ni papa ay naligo na agad ako.
Pagkatapos kong maligo ay natulog na ulit ako. ๐Ÿ˜๐Ÿ˜๐Ÿ˜๐Ÿ˜๐Ÿ˜

Mga 4 na ako nakagising ulit. Nagprepare na sila ni ate ng mga oras na ito para mamili ng mga pagkain sa labas. Ako naman ay nagugutom na ulit ng mga oras na ito. Pagbaba ko ay naginit na ulit ako ng tubig at hinanda ang kape na ititimpla ko. Habang naghihintay ako ay nagtingin na ulit ako ng mga table na pwede kong mabili sa Shopee. Medyo nakakaduda nga lang talaga apg mamimili ka ng mga bagay dito sa Shopee. Mas gugustuhin ko pa talaga pagmakikita ko yung mga ganitong bagay sa mga department store or depot stores. Nakakapagod lang din magbrowse ng mga bagay na ganito kaya tinigil ko muna.

Pagdating nila ate ay inayos na agad namin yung mga pinamili nilang mga pagkain. Nagprepara na din ako ng pagsasaingan ko. Nagprepare na din si ate ng lulutuin niya.


At iyon lang ang maikukwento ko sainyo ngayong araw na ito.

@hanna716
@sxshx
@eryll



โœจ ๐ŸŒƒ โœจ ๐ŸŒƒ โœจ ๐ŸŒƒ โœจ ๐ŸŒƒ โœจ ๐ŸŒƒ โœจ ๐ŸŒƒ โœจ ๐ŸŒƒ โœจ

Sort: ย 
ย 3 years agoย 

Hello po steemit friend ๐Ÿ˜Š
Nakakatuwa naman po ang inyong maghapon hehe.
Ang sarap naman sa lamesa nyu ang daming food at makakasabay sa pagkaen. Sana maayos napo yung kotse nyu.

ย 3 years agoย 

This post has been rewarded by @steemcurator08 with support from the Steem Community Curation Project.

Follow @steemitblog to get info about Steemit and the contest.

Anroja

Coin Marketplace

STEEM 0.19
TRX 0.17
JST 0.033
BTC 64136.37
ETH 2755.37
USDT 1.00
SBD 2.68