THE DIARY GAME | 08252021 | ๐๐๐งฆ Laba ulit ng mga damit... ๐งฆ๐๐
Magandang araw sa lahat. Sana ay naging maganda ang inyong araw.
Nagising na naman ulit ako ng mga bandang 4 ng madaling araw. Di ko namalayan na nahigaan ko pala yung phone ko. Pagkacheck ko dito ay wala na pala itong battery, kaya ay ichinarge ko nalang muna ito at ginamit ko nalang yung isa ko pang phone. Dahil sa onting app nalang ang nandito ay wala akong masyadong nagawa dito. Kaya naman ay bumalik nalang ulit ako sa pagtulog.
Nagising nalang ulit ako ng mga bandang 7, bago mag-alarm yung phone ko. Napansin ko na nandito pa rin si ate. May pupuntahan kasi siya sa Manila ngayong araw na ito at dapat ay maaga sila dito. Kay anaman ay nagtaka ako na nandito pa rin siya ng mga oras na ito.
Pagkaalis niya ay di pari nako bumangon sa kama ko. Nagtingin lang ulit ako sa aking mga social media accounts at Tiktok at YouTube.
Mga 8:30 ng umaga ay bumaba na din ako at naghanda na ng mga lulutuin. Binaba ko na din yung mga labahan nila dito sa taas, dahil sa naisipan ko na ding maglaba ngayong araw. Nagsaing muna ako ng kakainin naming kanin ni Nanay ngayong araw. Pagkatapos noon ay nilagay ko na yung unang batch ng lalabhan ko ngayon sa washing machine namin. Pagkalagay ko noon ay naghugas muna ako ng mga hugasin namin bago ako magluto ng mga uulamin namin ngayon.
Pagkatapos kong kumain ay nagtimpla muna ako nang tea at lumabas na ulit para isampay na agad yung unang batch nang nilabhan ko. Nilagay ko na din yung susunod na batch bago ko isampay yung una. Ganun na din ang ginawa ko sa sumunod pa na batch ng lalabhan ko.
Pagkatapos kong maglaba ay nagpahinga muna ko ng saglit tapos ay naligo na ako.
Pagtapos kong maligo ay tumaas na muna ako at humiga sa kama nila parents. Medyo nakaidlip ako ng sandali dahil biglang dumating yung order ni ate na mga album ng Monsta X. Pagkareceive ko nito ay tumaas na ulit ako at humiga ulit.
Mga bandang 3:30 ng hapon ay bumaba na ulit ako at nagmeryenda. Nagtimpla nalang ako ng black coffee at kinain ko na din yung tinapay na binili namin ni kuya. Nag-chat na din si ate ng mga oras na iyon na pauwi na daw siya. Magma-Mcdo daw siya pag-uwi kaya tinanong niya ako kung anong gusto kong foods.
At iyon lang ang makukwento ko sa inyo ngayong araw na ito.