THE DIARY GAME | 08232021 | ๐Ÿš—๐Ÿ“‘๐Ÿ–‹ Went to the city and opened a bank account... ๐Ÿ–‹๐Ÿ“‘๐Ÿš—

in Steemit Philippines โ€ข 3 years ago (edited)

Magandang araw sa lahat. Sana ay naging mabuti ang inyong araw.

Nagising ako ng napaka aga ngayong araw na ito. Mga bandang 2:30 ng madaling araw iyon. Nakabalik naman ako ulit sa pagtulog, pero sobrang naunahan ko nanaman yung alarm ko na 4:30. OK na din dahil maganda naman ang naging panaginip ko ng pagbalik ko sa pagtulog ko.
Nang nag alarm na yung phone ko ay bumangon na ako at ginising ko na sila parents. Sasama kasi ako sa kanila ngayon dahil sa kailangan kong pumunta sa Boni para kunin yung requirements para magbukas ng account sa BPI. Kailangan ko pa kasingg kunin sa company na hinire ako yung mga requirements.
Pagkababa ko ay naligo na agad ako at si mama naman ay nagluto ng makakain namin.

Pagkatapos kong maligo ay chineck ko na yung mga gamit na dadalhin ko. Binuksan ko na din muna yung laptop ko incase na may makalimutan akong dalhin na mga documents. Pagkatapos kong mag-ayos ay kumain na muna ako. Sumunod naman saakin si kuya sa pagkain ng almusal.
Nang nakapag prepare na ang lahat ay umalis na kami dito sa Bacoor.

238847492_1172516819923157_5702973292313721507_n.jpg

Medyo matraffic nang paglabas ng Bacoor. Dahil na din sa mga checkpoints sa may bandang Las Pinas. Pero paglagpas naman doon ay lumuwag na din ang kalsada. Medyo marami lang talagang harang sa daan.
Mga bandang pa Makati na kami ay biglang inantok naman ako. Malapit na kami noon sa Pasig at mabilis na ang biyahe namin ng mga oras na iyon pero napapikit pa rin ako. ๐Ÿ˜…๐Ÿ˜…๐Ÿ˜…

Pag dating namin ng Pasig, sa office ni papa, ay di na ako bumaba ng kotse dahil sa dederecho na kami ni kuya papuntang Robinsons Pioneer para kunin yung documents na kailangan ko para magbukas ng account sa BPI.


235305731_1492865594409025_5843810768905289885_n.jpg

Bago kami umalis ni kuya sa office ay tinignan muna namin yung Maps kung saan masmagandang dumaan papunta sa Robinsons Forum. Medyo nakalimutan na kasi ni kuya yung papunta doon sa Robinsons ng di na dadaan sa EDSA.

image.png
Source
Yung pinakitang way kahapon sa Maps is iikot pa sa may EDSA Guadalupe.

Pagkapunta namin ni kuya sa Pioneer ay nagpark muna kami sa Mall bago namin puntahan yung company. Pagkapark namin ng kotse ay naglakad na kami papunta doon sa site ng company na papasukan ko. Dahil sa ngayon lang naman kami nakapunta dito ni kuya ay nagtanong na kami sa mga guard kung saan pupunta.
Pagkakuha ko ng mga documents ay pumunta na agad kami sa malapit na BPI.

240389085_1314208772330024_3456806681576484042_n.jpg

Habang papunta kami ni kuya sa BPI ay nagpicture picture muna kami ng mga buiding. Nagmukha nga kaming mga probinsyano ng dahil sa mga pinaggagawa namin. Medyo magaganda kasi yung mga structure ng buiding dito, ecept lang sa ibang mga builings na mukhang haunted na o kaya naman ay parang nalipasan na ng panahon yung exterior ng building.
Pagkadating namin ng BPI ay nagulat kami ni kuya dahil ang daming tao ang naka pila sa labas nito. Pinaderecho muna ako ni kuya sa guard incase na may priority sa mga galing sa company na papasukan ko. Pero may mga nauna pangnakalista saakin na mag-oopen din ng accounts. So pinapila pa rin ako. Dahil sa nandoon na naman kami ay pumila nalang din ako.
Pagkatapos noon ay bumalik na kami ni kuya sa pinagparkingan namin at umalis na pabalik ng Bacoor. On the way pabalik ay nagdrive thru muna kami ni kuya sa Mcdo. Nag order lang kami ng mga burger at drinks.

Pagkauwi namin ni kuya sa Bacoor ay biglaan namang umulan ng malakas. Dahil din dito ay nagkaroon ng problema yung kotse at di na umaandar. Ganito kasi palagi yung kotse namin pag-umuulan ng malakas. Di na tuloy nakabalik sila kuya sa Pasig.
Naka-alis na sila actually, bumalik lang sila dahil tumitigil-tigil nga yung kotse along the way. Buti na nga lang ay di pa sila nakakalayo dito sa Bacoor.


At iyonn lang ang maikukwento ko sa inyo ngayong araw na ito.

@eryll
@hanna716
@kristoffer.dodge



โœจ๐ŸŒƒโœจ๐ŸŒƒโœจ๐ŸŒƒโœจ๐ŸŒƒโœจ๐ŸŒƒโœจ๐ŸŒƒโœจ๐ŸŒƒโœจ๐ŸŒƒโœจ

Sort: ย 
ย 3 years agoย (edited)

Hello kaibigang @mikejosephortega ๐Ÿ˜Š

Mabuhay at Magandang araw!!! Maraming salamat po sa pagbahagi nang iyong diary game contest sa araw na ito. Ang iyong entry po ay kwalipikado para sa diary game contest sa linggong ito, week 17.

Maaring bisitahin ang ating Community Account para sa karagdagang impormasyon at para sa mga rules at regulations sa ating contest.

Updated Rules and Regulations

ย 3 years agoย 

Maraming salamat po sa pagbahagi nang iyong Diary Game post.

Para po sa karagdagang Impormasyon, pakibasa po sa link sa ibaba.

Note: Paki gamit po nang #steemexclusive tag para magkaroon nang malaking tsansa na mapili sa ating @booming support program.

God Bless po!!!

ย 3 years agoย 

Opening a payroll account in BPI? Don't they have any online application like Union bank? Or open an account in any branch near your place in Bacoor or wherever you are. Anyway, thank you for sharing your diarygame with us?

ย 3 years agoย (edited)

I had to get an endorsement letter from the company that I'm working at, since there's a BPI near the site, I just go there and open an account. I have many questions about the account actually that's why I want to go to a branch too. It's much clearer for me to hear an answer from them than to read it online.
๐Ÿ˜Š๐Ÿ˜Š๐Ÿ˜Š๐Ÿ˜Š

ย 3 years agoย 

This post has been rewarded by @steemcurator08 with support from the Steem Community Curation Project.

Follow @steemitblog to get info about Steemit and the contest.

Anroja

Coin Marketplace

STEEM 0.15
TRX 0.16
JST 0.028
BTC 67844.42
ETH 2429.36
USDT 1.00
SBD 2.35