THE DIARY GAME | 08142021 | ๐Ÿฅฐ๐Ÿด๐Ÿ– Saturday eating session... and some other things ๐Ÿ–๐Ÿด๐Ÿฅฐ

in Steemit Philippines โ€ข 3 years ago

Magandang araw sa lahat. Sana ay naging maganda ang Saturday pahinga (ng ibang walang work).

227875900_193024692740981_202687203624993498_n.jpg

Nagising ako ng mga bandang 6:30 ng umaga. Medyo onti nga lang yung oras ng pagtulog ko dahil sa bandang 1:30 ng madaling araw na ako nakatulog kakanood ko ng TikTok. Paggising ko naman ay nanood lang ako ng mga suggested videos ko sa YouTube ko. Naglaro na din ko ng kakainstall ko lang na laro na 'Abyssirium Pole'. Kakainstall ko lang nito kahapon. Medyo madali lang siyang laruin dahil sa idle game naman ito , o ito yung klase ng laro na pede mong iwanan ng ilang oras at may progress parin sa iyong laro.


227545165_596788317980097_123364292947997871_n.png
Medyo mabilis lang in ang process ng paglaro nito. Kaya naman ay medyo okay na din yung nagawa ko sa aking account.

Mga bandang 8 na ako nakabangon dahil sa gising na sila parents ng mga oras na ito.
Dahil sa wala na kaming bigas ay nag-grocery muna sil apapa at kuya. Habang nag hihintay kami ay nagluto na si mama ng uulamin naming ngayong araw na ito. Pinalabas niya lang saakin kung ano yung mga pwedeng lutuin ng mabilis sa freezer namin. Nang hingidin si mama ng mga gulay para lang may gulay kaming kakainin ngayong umaga.

232969656_1160348814460229_1355605483276938665_n.jpg

Luto na yung mga ulam pero wala pa rin sila kuya. Medyo natagalan sila sa pagbili ng mga kakainin naming mga pagkain at ibang mga kailangan dito a bahay. Pagkabalik nila sa bahay ay agad naming binuksan yung sako ng bigas para makapagsaing na agad habang nagaayos pa kami ng mga pinamili nila kuya. Medyo marami din ang nabili nila di katulad nung mga nakalipas na iilang gulay lang ang nabibili namin noon, at kailangan pa naming tipidin iyon dahil sa pang-dalawang linggo na daw iyon na grocery namin.
Pagkatapos maluto ng kanin ay kumain na kami agad nila kuya. Di pa sila kumain nila mama dahil sa may inaayos pa sila sa mga pinamili nila kuya.
Pagkatapos naming kumain ay nagkape ulit kami nila kuya at nagpahinga muna dahil sa kakakain lang naman namin.

226784806_364799378357432_1944838076392750151_n.jpg

Pagkatapos noon ay nag ayos muna sila mama at papa sa labas ng mga halaman at yung mga kalat sa labas. Nag walis na din si papa sa labas bago pa sila kumain kasama si Nanay. Medyo tinulungan ko din sila sa labas. Pagkatapos noon ay naligo na ako.

Mga bandang hapon ay may niluto sila mama na mais. Kumain agad ako at naka-dalawa pa nga akong mais dahil sa masarap yung pagkaluto nila dito. Sila mama din ay nag meryenda muna. Nag-kape din ako pagtapos noon at nagbiskuit. (Palamunin... ๐Ÿ˜๐Ÿ˜๐Ÿ˜)

228924891_683167005958820_4383245700866885071_n.jpg

Kinagabihan ay nagluto si ate ng pritong chicken. Dahil sa wala silang nabiling breading ay itlog nalang ang ginamit nila dito at iba pang mga spices para lang ma coat yung chivken bago prituhin.
Habang nagluluto sila ay nakatulog pala ako sa kama ko noon. Naglalaro kasi ako ng Sudoku sa phone ko noon at di ko na malayan na nakatulog na pala ako sa kama ko.
Pagkatapas maluto lahat ng iyon ay kumain na kaming lahat.


At iyon lang ang maikukwento ko sa inyo ngayong araw na ito.
Puro kain pala yung nakwento ko ngayong araw na ito. Kaya tumataba ihh... ๐Ÿคฃ๐Ÿคฃ๐Ÿคฃ



โœจ ๐ŸŒƒ โœจ ๐ŸŒƒ โœจ ๐ŸŒƒ โœจ ๐ŸŒƒ โœจ ๐ŸŒƒ โœจ ๐ŸŒƒ โœจ ๐ŸŒƒ โœจ ๐ŸŒƒ โœจ ๐ŸŒƒ โœจ

Sort: ย 
ย 3 years agoย 

Hello kaibigang @mikejosephortega ๐Ÿ˜Š

Maraming salamat po sa pagbahagi nang iyong Diary Game post.

Para po sa karagdagang Impormasyon, pakibasa po sa link sa ibaba.

@steemitphcurator
Note: Paki gamit po nang #steemexclusive tag para magkaroon nang malaking tsansa na mapili sa ating @booming support program.

God Bless po!!!

ย 3 years agoย 

Maraming salamat po sa pagbahagi nang iyong Diary Game post.

Para po sa karagdagang Impormasyon at iba pa nating contest, pakibasa po sa link sa ibaba.

God Bless po!!!

ย 3 years agoย 

This post has been rewarded by @steemcurator08 with support from the Steem Community Curation Project.

Follow @steemitblog to get info about Steemit and the contest.

Anroja

Coin Marketplace

STEEM 0.19
TRX 0.17
JST 0.033
BTC 64258.81
ETH 2772.25
USDT 1.00
SBD 2.65