THE DIARY GAME | 08102021 | ๐Ÿซ๐Ÿš๐Ÿฅ› Hot Champorado in the morning ๐Ÿฅ›๐Ÿš๐Ÿซ

in Steemit Philippines โ€ข 3 years ago

Magandang araw sa lahat. Sana ay naging maganda ang inyong Tuesday.

Mukhang 3 AM na talaga yung time ng paggising ko palagi, dahil sa pang ilang araw na akong nagigising ng ganitong oras. Dahil sa nagising na naman din ako ay nagphone nalang muna ako at nagtingin-tingin ng mga bagong post ng mga fino-follow ko sa TikTok and tingin din ng mga suggested videos sa YouTube.

232768653_875705979992932_7786983679399054098_n.jpg

Nung medyo nagkaliwanag na sa labas ay medyo inantok ulit ako at napabalik ako sa pagtulog. Nagising nalang ulit ako ng mga bandang 10 na ng umaga. Pagbaba ko ay nagluto pala sila kuya ng champorado. Wala nga lang silang nabili na condensada kaya yung ginamit nalang namin ay powdered na gatas.

228738975_594944691499354_381975456471991993_n.jpg

Nakatatlong bowl ako ng champorado, medyo maliit din naman kasi yung bowl na meron kami. Sila naman ni kuya ay tig-isang bowl lang ang nakain. Pagkatapos naming kumain niyon ay pinag saing na ako ni kuya ng kanin. Medyo nagulat nga ako dahil sa kakatapos lang naing kumain ng champorado, at medyo madami akong nakain.
pagkatapos kong magsaing ay nag prepare na sila kuya ng uulamin namin ngayon. Ininit lang naman nila ayung inulam namin nung gabi at nagbukas nalang kami ng isang de lata.

Pagkatapos naming kumain ay nagsipahinga muna kami ng saglit at nagkwentuhan. Pagkatapos noon ay naligo na ako.
Pagkatapso kong maligo ay tumaas na muna ako at nagphone muna. Mga isang oras din ata akong nagbabad sa phone ko nun nang naisipan kong magtugtog ulit ng violin ko.


227853480_1003338430433885_2052130400313608951_n.jpg
Yan yung case ng violin ko. Na-picturan ko na ito ng pagkatapos kong magtugtog.

Matagal din akong nakapagtugtog ngayong araw. Sinimulan ko muna sa pagwarm-up so sa pagtugtog ng violin. Medyo masakit kasi sa balikat pagmatagal ka nang di nakakapagtugtog nito. Pero buti nalang ngayon ay di nangalay yung braso ko ng agad-agad.
Marami akong sinubukang tugtugin. Mga OPM song katulad ng 'The way you look at me' na kanta ni Christian Bautista at ibang classical music katulad ng Piano Concerto No.2 ni Rachmaninoff, at Nocturne in C Sharp ni Chopin.

Di ko pa naman naperpekto yung pagtugtog ko nito dahil sa sinusundan ko lang talaga yung tunog na naririnig ko dito. Di kasi ako masyadong magaling mag-basa ng music sheet.

Pagkatapos kong magtugtog ay nagsaing na ulit ako ng kanin na kakainin namin na pang dinner namin. Tinawag ko na din sila kuya kung ano yung uulamin namin. Di kasi ako makapagdeside kung ano yung pwedeng lutuin kung may ibang tao dito. Di na kasi ako nagluluto ng pagkain pag ako lang ang magisa dito sa bahay. Minsan ay kumakain nalang ako ng biskuit at nag kakape.
Nagluto sila kuya ng gulay at nagluto ng corned beef. Sabay-sabay na kaming kumain lahat.
Pagkatapos naming kumain ay naghugas na ako ng pinagkainan namin. Naligo ulit ako pagkatapos kong maghugas ng pinggan dahil sa sobrang basa na ako ng aking pawis.


At iyon lang ang maikukwento ko ngayong araw na ito.

Di ko na ito nai-post kahapon dahil sa medyo drain na naman yung pakiramdam ko kahapon at sa madami din akong iniisip. At inaantok na din ako pagkatapos ng araw na ito.



โœจ ๐ŸŒƒ โœจ ๐ŸŒƒ โœจ ๐ŸŒƒ โœจ ๐ŸŒƒ โœจ ๐ŸŒƒ โœจ ๐ŸŒƒ โœจ ๐ŸŒƒ โœจ ๐ŸŒƒ โœจ ๐ŸŒƒ โœจ

#steemexclusive

Sort: ย 
ย 3 years agoย 

Maraming salamat po sa pagbahagi nang iyong Diary Game post.

Para po sa karagdagang Impormasyon, pakibasa po sa link sa ibaba.

Note: Paki gamit po nang #steemexclusive tag para magkaroon nang malaking tsansa na mapili sa ating @booming support program.

God Bless po!!!

ย 3 years agoย 

This post has been rewarded by @steemcurator08 with support from the Steem Community Curation Project.

Follow @steemitblog to get info about Steemit and the contest.

Anroja

Coin Marketplace

STEEM 0.17
TRX 0.15
JST 0.029
BTC 60938.00
ETH 2386.38
USDT 1.00
SBD 2.57