THE DIARY GAME | 08082021 | ๐Ÿ’—๐Ÿ›๐Ÿฅ“ Monthsary of my brother and his GF and everything that happened this day ๐Ÿฅ“๐Ÿ›๐Ÿ’—

in Steemit Philippines โ€ข 3 years ago

Magandang araw sa lahat. ๐ŸŒค ๐ŸŒค ๐ŸŒค

228300200_876499209952622_3958921173938224979_n.jpg
Ganito na naman ulit yung kulay ng langit yung mga 5 na ng umaga.

Nagising ko ng mga 3 ng madaling araw. (Dahil doon ay medyo inaantok na ako habang ginagawa ko itong diary na ito.) As usual, nagphone nalang ulit ako at nanood ng mga videos online. Lumiwanag nalang sa labas ay di pa rin ako nakabalik sa pagtulog. Hanggang na gising nalang sila kuya at parents.

Pagkababa ko ay pinainom muna ako nila parents ng supplement na binili nila sa kapatid ni mama. Dahil dito ay after 30 minutes pa kami makakakain nila parents. Hanggang nagising nalang si ate ay di parin kami makakain ng dahil sa ininom namin nila parents.
Pagkatapos naming kumain ay nanood nalang kami ng TV. Dahil sa 8.8 ngayon sa Shopee ay yun ang pinanood namin ng oras na iyon sa TV. Nakisali din si papa at si ate sa mga activities sa app ng shopee dahil sa live nga ito at namimigay sila ng mga cash prices at ng Shopee Coins ay nakisali na din ako. May nakuha naman ako na mga prices yung doon na sa part ni Kris Aquino na game.

224837238_414806616628616_5542927556711980142_n.jpg

Pagkatapos noon ay nagsiligo na kami ni ate. Nauna muna siya dahil magtutupi pa siya. Pagkaligo ko ay tumambay lang ulit kami sa taas dahil sa sobrang init talaga ng panahon ngayon, kahit pa medyo mahangin yung panahon. Parang summer nga ulit yung feeling ng init ng panahon.

231147212_272046974253119_523932113197629964_n.jpg

Ginamit din ni mama yung laptop ko dahil sa sobrang bagal na nung sa kanyang laptop. Medyo nagustuhan niya ng yung kung papaano ka smooth daw yung bilis ng laptop ko. Sa totoo lang ay medyo na babagalan pa ko sa speed ng process ng laptop ko. Ganoon na siguro talaga ka bagal yung laptop ni mama dahil sa naging comportable siya sa speed nito.
Medyo nagtataka na nga kami sa laptop ni mama dahil sa malaki pa naman ang space nito at in-uninstall na namin yung mga ibang apps na nagpapabagal sa laptop ni mama. Binura nadin namin yung mga files namin doon dahil nga sa sobrang bumagal na ito nung katagalan na.
Iyon talaga yung una kong ginagamit na laptop nung nag college ako. Yung sumunod ay napunta kay kuya dahil sa ang specs nito ay pang office work o pang presentation lang ang use niya. Yung laptop ko ngayon ay yung pang course ko talaga dahil nga sa kailangan ng mga apps na ginagamit ko sa school ang mabilis o malaki na processor at mataas na RAM.

Mga maggagabi na ay lumabas sila kuya para bumili ng mga pang samgyup namin dito sa bahay. Wala nga lang silang nabiling mga lettuce dahil sa naubusan na sila nung pagpunta nila sa supermarket. Sarado din kasi yung palenke dito saamin dahil sa lockdown.
Habang bumibili sila ay nagsaing na ako ng madaming kanin dahil alam kong mapaparami kami sa pag kain dahil sa samgyup nga ito. Pagkabalik nila ay nagsi ayos na agad kmi ng mga pinamili nila at nung table na gagamitin namin ngayong dinner namin.

223918607_919458828655035_6791081047074464339_n.jpg

Pagakatapos naming kumain ay naghugas na ako ng mga pinagkainan namin na mga plato at mga utensils din na ginamit namin. Naligo na ubrlit ako pagtapos noon dahil sa dami ng pagpapawis ko, na dahilan din ng pagkain ko ng madami.


At iyon lang ang maikukwento ko sa inyo ngayong araw na ito.
Stay safe. Stay strong and be healthy. ๐Ÿ’—๐Ÿ’—๐Ÿ’—๐Ÿ’—



โœจ ๐ŸŒƒ โœจ ๐ŸŒƒ โœจ ๐ŸŒƒ โœจ ๐ŸŒƒ โœจ ๐ŸŒƒ โœจ ๐ŸŒƒ โœจ ๐ŸŒƒ โœจ ๐ŸŒƒ โœจ

Sort: ย 
ย 3 years agoย 

This post has been rewarded by @steemcurator08 with support from the Steem Community Curation Project.

Follow @steemitblog to get info about Steemit and the contest.

Anroja

ย 3 years agoย 

Maraming salamat po sa pagbahagi nang iyong Diary Game post.

Sa karagdagang Impormasyon, paki bisita po ang ating Community Account.

@steemitphcurator

God Bless po!!!

ย 3 years agoย 

ayos samgyup sa loob ng bahay!

ย 3 years agoย 

Sana all talaga nacecelebrate with the family eeeeyy! Kahit yung monthsary. Napaka sweet ng ating ina. Pero si papa padin ang gumastos ๐Ÿคฃ

ย 3 years agoย 

Hello po, please use #steemexclusive tag para magkaroon nang malaking chance na mapili sa @booming support program.

Pakibasa po ang ating mga updates sa ating Community Account.

@steemitphcurator

God Bless you!!!

Coin Marketplace

STEEM 0.23
TRX 0.12
JST 0.029
BTC 66466.45
ETH 3595.87
USDT 1.00
SBD 2.90